"Tol ! mauna na kayo sa gate, naiwan ko yata yung wallet ko sa may CR sa may 2nd floor, balikan ko lang tapos sunod na ko;
Sabi ko sa tropa kong si Josh, ako nga pala si Ken 4th Year Student sa tu*t Science High School, kung dib a naman ako ganun Katanga, natuwa naman kasi akong pagmasdan yung gwapong mukha ko sa salamin kanina, nawala tuloy sa isip ko.
Habang naglalakad ako papunta sa CR nadaan ko yung Music Room namin, hindio siya sound proof kasi kahit mayor yung may-ari ng school naming, unfair daw kasi sa iba kung biased siya, sabagay tama naman yun kung iisipin, pero siyempre uhaw padin kami sa atensyon.
Someone's playing piano and I admit it feels good to hear,
"Never Could imagine, life without you from the moment you attend to my life.."
Ang boses niya, parang boses mula langit, ang sarap pakinggan, para siyang mama ko nung nabubuhay pa siya lagi kasi niya akong kinakantahan, at alam ko yung kantang yan, yung Just Let it Go bay un? Ahhh basta ,,
"So let's have one last kiss, one last touch, one last tender moments between us"
Namiss ko tuloy yung mama ko, kung bakit ba naman kasi siya namatay agad ehh, gusto kong silipin yung babaeng tumutugtog pero natatakot ako nab aka maabala ko siya, napapapikit na ko sa pakikinig ng tumigil ito at narinig ko yung mga yabag ng pagkaripas ng takbo.
Sayang naman hindi ko siya nakita...
Nung mga sumunod na araw, lagi ko na lang kinakata yung kinanta nung babae sa music room, madalas narin akong dumaan dun, at sa kasamaang palad di ko na siya nakikita
Laging sinasabi ng mga katropa ko na nainlove na ako sa babaeng di ko naman nakita, malay ko ba daw kung pangit yun o kesyo ganyan, ganito. Madami naman daw nagkandarapa sakin, tapos dun pa ako tinamaan.
"Mr. Ken pinapatawag ka po sa library ni ma'am Marcelina" sabi nung PIO ng SSG na Fae ata ang pangalan?
Pumunta na ako sa library at nandun si Ms. Marcelina together with a girl, and I definitely know she's Ayu, classmate ko siya eh, at isa siya sa mga babaeng nagkandarapa saakin NOON
Balik Tanaw
Feb 14,2011 2nd Year High School
"Ahh Ken, Flowers ohhh," sabi ni Ayu,
Di ko siya nilingon, kinalabit kalabit niya yung leeg ko, ayos lang naman yun kasi magkaibigan kami, pero biglang naputol yung kwintas na bigay ng dad ko from Paris pa naman daw yun, patay ako nito, at sa sobrang galit ko
"Anu ba naman yan! Pwede ba tumigil ka na!, wala kang pag-asa ! hindi ako magkakagusto sayo"
Inilapag niya yung mga bulaklak na may chocolate pa pala at mahinahong umalis.
Kasalukuyan...
"Ken, nagback out kasi yung partner ni Ayu sa History Quiz Bee, ikaw yung napili kong pumalit since maganda naman ang performance mo, okay lang naman diba?"
"ahhh, ehhh, uhhhmmm, sige po ma'am"
"Good!, now pwede mo ng samahan so Ayu magreview , balikan ko nalang kayo mamaya"
Tapos umalis na si Ma'am. Aaminin ko na naiilang ako kasi after that incident hindi na kami muli pang nagkausap nitong si Ayu,
"Tara." I told her in a normal tone, at may halong kaba.
Tumango siya at ngumiti, at alam kong sincere yung mga ginawa niyang ngiti, napatawad na kaya niya ako?
4 Hours kaming nagreview, at Masaya naman kaming nag-aaral at minsan may harutan, parang normal lang katulad nung bago ko magawa yung bagay na yun, yung uneasiness kanina nawala na, parang walang nangyari 2 years ago, kung alam lang niya kung gaano ko siya na miss.
