YAMD 06

891 40 0
                                    

Chapter 06

-----

"importante pa ba yon?" kinakabahan kong sagot.

Ano ba to? Kainis naman. Ganun ba ka importante sa kanya kung naniniwala ako o hindi? What's the use diba? Kung nakikita ko naman pero itatanggi nya, duhh?

Bakit ba ako nagrereact ng ganito? Psh!

Bumuntong hininga muna si Dex bago muling tumingin sakin at nagsalita.

"oo,dahil hindi lahat ng nakikita ng mga mata natin ay tama"

huhhh?! Ano daw? Whatever wala na ako paki alam. Nalusaw na yung pagkagusto ko sa kanya. Pinili ko na lang manahimik para hindi na humaba ang usapan.Nakahalata naman siguro sya.

"okay, ubusin mo na lang yan para maihatid na kita pauwi"- si Dex. Buti hndi na sya sumagot, wala na din ako gana makipag debate sa kanya.

"thanks but no thanks,sige na,uwi na ako,ingat sa pagda-drive" wika ko at umalis na.

Nakakainis! Ang tagal ko iningatan yung pagmamahal ko sa kanya,ang tagal ko sya pinangarap,ngayong abot kamay ko na sya, boplaks naman! Bakit ba kasi nawala sa isip ko na isa nga pala sya sa mga campus crush at hindi imposibleng may girlfriend sya? Idagdag pa yung pagiging sinungaling nya, wala daw girlfriend pero kitang kita naman! I never knew na ganun pala ugali nya. Hayst T.T

Pagkarating ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko, nagtataka siguro si kuya kasi nilampasan ko lang sya sa may sala.

Ano ba naman kasi nangyayari sakin? Dahil kay Dex nagkakaganito ako? Hindi ata napa buti yung pagiging magkasama namin sa iisang grupo eh :|

----

Napaka boring ng araw na toh hayst! Lahat ng subjects ang lectures namin hindi nag sink in sakin, inantok lang ako.

Lunch break na at lahat sila ay nag si alisan na sa classroom,pero ako? Eto nakaupo parin at walang gana.

"bakla! Hindi ka magla-lunch?" tanong sakin ni Ira,iling lang sagot ko. Mataman ako nitong tiningnan.

"ganon ba? Sige,mauna na kami, may sasabihin daw sakin si Bryle eh" anito. Buti pa si Ira mukhang nagkakamabutihan sila ni Bryle,dahil dun napa buntong hininga na lang ako.

"may problema ba girl?" - Pipay

"care to tell us?" - Angel

"wala,ang adik nyo! Sige na mag lunch na kayo,okay lang ako." nasabi ko na lang,tumango na lang sila at lumabas na.

"hoy!"

Napatayo ako sa gulat. Nilingon ko kung sino. Si Arvin kasama si Kevin. Ahem, alam na.

"hayop ka din eh! Huwag ka nga nang gugulat!" asik ko sa kanya,humagikgik lang silang dalawa ni Kevin.

Tarantado tong dalawang to ah?

"ang tahimik mo kasi eh, naka salubong namin sina Jiian hindi ka daw magla lunch, masama ba pakiramdam mo?" ani Arvin at tumabi sakin. Grabeng Jiian yun talaga, simpleng daldal din eh!

"hindi naman, wala lang ako sa mood" sagot ko "ay! Teka! Kevin bakit hindi mo sila kasama?" sabay baling ko kay Kevin.

"nakakasawa mukha ng mga gagong yon eh, kaya dito muna ako kay bok,hindi nakakasawa ang mukha" naka ngiting sagot sakin ni Kevin,syempre tumaas ang kanang kilay ko dahil dun.

"ganon? Sasabihin ko yan sa kanila na nagsasawa kana sa pagmumukha nila" then I grin.

"huwag naman! Sige ka! Hindi kita tutulungan kay Dex" ani Kevin na naka ngisi sakin at taas baba pa ang dalawang kilay.

"anong sinasabi mo dyan?" pag deny ko saka ko binaling sa libro ang paningin ko. Nakakahalata na din pala ang mga impaktong to eh.Grrr!

"hahaha! Denial ka din eh!" sabay nilang sabi. Bagay sila, sarap nilang pag umpugin sa totoo lang hihi.

"sus! Parang kayo lang" bara ko. Hihi! Oh see natahimik silang dalawa.

Sakto nag ring na ang bell,hudyat na para sa sunod na subject, dalawang subject na lang at uwian na. Nagpaalam na samin ni Arvin si Kevin at bumalik na ito sa Department nya.

----

Wala naman masyadong magandang nangyari ngayong week,though Im still avoiding Dex wala naman ako magawa kundi ang sumama pa din sa tropa,ayoko ko naman na maging KJ,dahil lang sakin magkukulang ang tropa.

Ngayon friday na at nagyayaya ang mga impakto na gumimik, syempre hindi ako tumanggi,namimiss ko na din gumimik no!

Nandito kami ngayon sa La Familia Bar, isa ang mommy ng kambal sa may ari nito. At sa maniwala kayo o hindi, dalawang dekada na ang bar na ito pero hindi mahahalata dahil akala mo bagong tayo lang.

Dahil weekend,maraming tao,karamihan mga ka edad din namin, syempre dahil sa gusto ko mag enjoy ng bongga,nagpaalam talaga ako kay kuya, buti nga hindi sya kumontra.

Tatlong tower ng beer ang inorder namin, grabe! Ang lalakasan uminum ng mga ito parang hindi nalalasing.

Nagpunta sila sa dance floor, and to my surprise kaming dalawa lang ni Dex ang naiwan sa table,parang planado ng mga kurimaw na yon na iwanan kami.

Dahil sa may tama na din ako ng espiritu ng alak,ako na nag start ng usapan saming dalawa.

Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko eh,I flirted with him,nung una nagulat sya. Naisip ko, kung hindi man sya maging akin, kahit man lang sana isang gabi lang. Stupid idea right? I know.

The next thing I knew,nasa sasakyan na nya kami,papunta sa bahay nila.

Iniwanan namin ang tropa,and I bet,nagtataka na siguro sila kung nasan kami ni Dex.

Wala ng atrasan toh, ito na ang una at huli.

Isang gabi lang naman eh,after this,titigil na ako,I just want to make him feel how much I love him,kahit pa ang ibig sabihin ay ang pagsuko ko sa kanya ng pagkababae ko.

ITUTULOY . . .

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon