Umaga pa lang ay magkatext na kami ni Chad. Maya-maya ay may nagGM, si Dave iyon at nandito na siya sa Pilipinas. Mas nagfocus muna ko kay Dave kasi gusto kong sa kanya mismo manggaling ung mga nalaman ko galing kay Mico.
So tinext ko siya welcoming his back at nagreply din naman agad siya. Kung anu-anong topic nung una hanggang sa tinanong ko kung saang section niya gusto. Sinabi niya na sa St. Agatha niya gusto with kilig emoticons. So tinanong ko siya kung dahil ba nandoon ung crush niya at sumagot siya ng oo. Tinanong ko sa kanya kung sino pero sabi niya bukas daw niya sasabihin para personal. Pinilit ko siya pero bukas na lang daw talaga kaya't hindi na ako nagpumilit pa. Pero dahil biniyayaan ako ng talino, ginamit ko na rin. Tinanong ko siya kung sino ang katext niya dahil alam kong pagkasagot niya ay ibabalik niya sa akin ung tanong since that's how text conversation goes. At ganun nga ang nangyari at ang naging sagot ko lang ay siya at si Chad lang ang katext ko. Totoo naman na sila lang ang katext ko kaya't iyon ang ginamit ko para mapunta ang topic namin kay Chad. Ang sunod niyang reply sa akin ay sasabihin na daw niya kung sino ang crush niya. Tinanong ko kung sino at sinabi niya na hindi na daw pala niya crush kasi mahal na niya at si Chad daw 'yon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi akin si Chad kaya wala akong magagawa kung maging close sila. Ang sunod ko namang reply kay Chad ay itext niya si Dave. Nagreply naman ito na wala daw siyang sasabihin kay Dave. So tinanong ko siya kung may sasabihin ba siya sa akin. Wala naman daw. Medyo natuwa ako kasi feeling ko mas special ako kay Dave para sa kanya. Sinabi ko na iwelcome niya lang si Dave. Ginawa nga niya pero hindi naman nagtagal ung convo nila. Ito namang si Dave, tuwang-tuwa na nagkukwento sakin thru text na tinext siya ni Chad. Pasalamat siya sa akin.
Pero "Paano?!" feelings ko? Magsasacrifice ba ako para sa kaibigan ko? Crush na nga lang eh, may kahati pa rin? Yung totoo?!
BINABASA MO ANG
Paano?!
أدب المراهقينBuhay ng isang Grade 10 (4th year) student. Tungkol sa iba't-ibang aspeto ng buhay lalo na sa pag-ibig. Minsan mapapatanong ka na lang, "Paano?!"