†
[Angel's P.O.V.]
Nakita kong tumatayo sina Bianca, Rogel, Jerwin at Kim kaya't tumayo din ako.
"Guys, tara, samahan natin sila, mukhang may pupuntahan sila." sabi ko.
"Wait lang, tinatamad pa kaming bumangon e." sagot ni John.
"Edi wag! Basta ako sasa--" Napatigil ako. Kasi nakita ko ang mga zombie na lumagapak mula sa kisame. Napalundag yung puso ko.
"Oh shit!" sigaw ni Christian.
"Uh-oh. Anong gagawin naten?!" tanong ni Aila sakin.
"T-Tulong! Tulong! Tulong!" sigaw naming apat kala Jerwin, Bianca, Kim at Rogel, pero iniwan lang nila kami, wala na sila.
"Iniwan nila tayo. Tryador." sabi ko. Papalapit na sila ng papalapit sa amin.
"Anong gagawin naten?! I think it's the end of our journey." sabi ni John.
"Hinde." sabi ko.
"Anong hinde?" tanong ni John. Lahat sila napatingin sa akin, medyo maalikabok ang paligid dahi nga sa pagbagsak ng kisame kasabay ng mga zombies.
"Sundan niyo ko before it runs out of time." sabi ko. At may pinakita akong isang malaking butas na nakatago sa likod ng isang teacher's desk. Para itong lalagyan ng aircon na tinanggal, nakita ko ito noong nagpasa ako ng form of transfer dito sa may guidance office. Sumunod naman silang tatlo sakin agad-agad.
"Dali dali! Ayan na sila!" kabadong sinabi ni Aila. Ayun, nabuksan ko din yung kawit ng butas, at lumusot na kami. Pinauna ko muna silang tatlo bago ako lumusot.
Malayo na silang gumagapang. At lumusot na ako. Kaso bigla akong nahablot ng isang zombie sa paa.
"Arggghhh!" sigaw ko.
"Angel?!" tanong ni Christian na nasa harapan ko.
"I'm okay here! Continue your business there!" sigaw ko. Ayaw pumiglas ng paghawak ng zombie sa sapatos ko. Kaya tinanggal ko ang sapatos ko. Sacrifice na, kahit binili ko yun para sa prom.
Agad kong sinundan sina Aila sa paggapang. At ilang minuto lang ang nakakalipas pagkatapos ang aming paggapang, nagtanong si John.
"Babe, saan ba to papunta?"
"Hindi ko alam. Pero I think it's safe." sagot ko.
"Sige, I'll trust you." sabi niya. Ngumiti lang ako. At nagpatuloy lang kami sa paggapang.
[Unknown's P.O.V.]
In his/her mind:
Hihihi. Konti lang ang kasama ko. It's my time to kill 'em with my own hands. Namatay na ang iba dahil nga pinasimulan ko ang zombie apocalypse na ito. Kaya namatay din sila dahil sakin, pero it's an indirect concept, now, I want to kill my classmates with my own dirty playin' hands. Hahahahaha! HAHAHAHAHA!
†