Aumary Minh (March 15, 2015)

162 7 2
                                    

 

Date: 3/15/15

Penname: Aumary Minh

1.      Introduce/describe yourself.

 

Rill Heart, kailangan ko munang pag-isipan ‘to. Baka ma-reject ang under evaluation ms ko dahil dito. Joke. Haha. Well, hmm. Ano ba, ‘wag kang ano, baka ‘pag sinabi kong baliw ako dahil nila ako sa mental. ‘Wag naman po sana. So ‘yon nga, baliw po ako. Ambisyoso. Matangkad, payat, ma-drama, adik sa books, kapag may nakita kayo sa NBS Superbranch Cubao na sinisinghot muna ang mga books bago binabasa ang blurb, tanungin mo, Aumary Minh statue? Hahaha.

2.      When did you start writing?

No’ng grade one ako. Hindi ako nag-kindergarten, eh. Okay, ang corny! No’ng second year highschool po ako, dahil poorito po ang inyong abang lingkod at hindi afford bumili ng laptop, sa notebook po ako nagsusulat. Hahaha. With matching dedication ang first page para sa mga classmates ko na bangag sa pocketbook. May logo pa ng PHR at disclaimer na all incidents are purely coincidental. Lumuha pa ako ng balde ng malaman kong ipinanggatong ni mudra ang isang notebook ko saka inanay ‘yong isa.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

 

Bakit ginusto ko ba na mag-English ka? Ako, ako na naman ang may kasalanan? Ako na lang lagi, ako. Ako. Mag-sorry ka Rill Heart! Teka, ano nga ba ang tadyang? Lol. Tao ba ito? Lugar sa Metro Manila? Hanuba? Sapakin mo ko, ang corny, hindi nakatutuwa. ‘Yong pen name ko kamo? Pwede pass? Kapag may one million likes na ang page ko, saka ko na i-di-divulge. Seriously Aumary Minh what the heck is ‘divulge’? (Talks to myself.)

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

Galing ako no’n sa probinsya, kalalapag ko lang ng gamit sa apartment. You know province, medyo hindi pa uso ang signal sa loob ng bahay naming kaya hindi ko ma-visit si Yahoo. Kaya naman the first thing na ginawa ko ay ang buksan siya ng dahan-dahan tapos tada! Approve siya. Nagsisisigaw ako, lumukso, tumumbling at nag-head bang. Eh, ‘yong mga kasama ko sa bahay, taong gabi pati ‘yong mga kapitbahay naming kasi mga call center agents. Nabulabog, akala nila may magnanakaw. Kalurks and Caicos ‘di ba? Para akong bangag sa kape, hindi ma-feel ang antok at gutom, sulat maghapon. Tapos feeling ko, pwede ng gumuho ang mundo (joke lang), feeling ko, abot kamay ko na si crush kong writer. Hahaha. Alam n’yo ang feeling na ‘to, hindi ko kailangang mag-explain ng mala-one shot. Suntukan na lang kung hindi.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

Wala pong nanulak, nanadyak o bumugaw, tinutukan po ako ng stick ng barbecue. Haha. Inspirasyon ba kamo? Ay madami ako niyan, pwede na ngang magka-harem sa dami. Gan’to kasi ‘yon, wala akong talent sa pagdo-drawing, makabasag-ear drums ang boses ko, lousy actor ako. Sa pagsusulat lang ako magaling. Well not that magaling talaga, pero sa class namin ako ‘yong medyo magaling dito. Kaya ni-push ko na. Ako minsan tagagawa ng essays ni crush, siya ang taga-drawing ko. Oh, pamilyar ka sa eksenang gan’to?

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon