Aria's POV
Hindi ko alam kung ano ba ang trip nina Kai at Thea pero may napapansin akong kakaiba sa ikinikilos nila. Ayaw ko sanang isipin na tuluyan ng nagmalfunction ang neurons ko para mag-isip ng iba pero kasi, there's something that really goes on.
At yun ang dapat kong malaman.
Kagaya ngayon, papasok na ulit kami and again, wala na sina Thea at Fire. Kami nalang ni Kai ang naiwan sa silid.
"Nasaan na sina Thea?" I asked. Laging ganito ang eksena namin simula noong gabi na nag-away kami ni Fire. Hindi na kami nakapag-usap mula no'n kasi lagi na lang silang magkasama ni Thea. Hindi naman sa nagseselos ako o kung ano pa man pero may napapansin kasi akong mali. Palagay ko ay inilalayo nila kami ni Fire sa isa't-isa o ako lang 'yon? Inilalayo? E ang lapit lapit lang ng kwarto ninyo ni Fire e! Hibang ka na ba, Aria?!
"Nauna na silang umalis," sabi ni Kai na agad na ngumiti sa akin. Pati sa kaniya ay naweweirduhan na rin ako. Ano ba naman ang nangyayari sa paligid ko? Aria, kalma ka lang! Baka kaya hindi na gumagana ang neurons mo ay dahil trip mo lagi ang mag-isip ng kung ano-ano! Kaloka ka!
"Ah gano'n ba? Tara na," I said bago kami naglakad papunta sa classroom namin.
"Kumusta nga pala ang training ninyo ni Tyrone kasama si Zep?" Kai asked casually. Siguro nga ay talagang nasobrahan lang sa pagka-epal ang brain cells ko para mag isip ng kakaiba kasi wala namang nagbabago kay Kai.
"Okay naman. Ang hirap nga lang gawin no'ng lulutang ako sa hangin. Mukhang ayaw makipag-cooperate sa akin ng air particles dito," I replied. Isang linggo na rin kami ni Ty na tinuturuan ni Zep. Buti si Tyrone, ang powers niya lang ay ang magteleport, gumawa ng tornado at ang maging invisible kasama ang hangin. O 'di ba? Ang bongga lang ng invisibility chorva niya?
"Kaya mo 'yan. Mahaba pa ang panahon para magtraining ka." Si Kai ang tipo ng taong nag-uumapaw sa encouragement. Kapag siya ang kasama mo ay talaga nga namang hindi ka mawawalan ng pag-asa!
"Aria, can I ask you a question?"
"Oo naman. Ano 'yon?" Baka naman tanungin ako nito kung virgin pa ako? Natural oo! Wala pa nga akong nagiging boyfriend e! 'Yong totoo, Aria? Saang planeta mo hinugot 'yang iniisip mo? Seriously?
"May nagugustuhan ka na ba na lalaki?" he asked. Jusko! Bigla akong natawa. Kung ano-ano kasi ang iniisip ko 'yon pala ay 'yon lang ang tanong niya?
"Bakit ka tumatawa?" he confusely asked. Paano nga kasi ay kung ano-ano ang iniisip ko! Kaloka ka Kai! Naisip ko pa tuloy na interesado ka sa virginity ko! I thought and I can't help to chuckle. Mukha akong sira ulo na magandang babae.
"Virginity?" he asked and I was stunned in my place. Putspa ka Aria! Ano ba ang iniisip mo?! Kai can read minds 'di ba?! Bakit mo kinalimutan?! Nakakahiya ka!
"Aria, bakit pinapagalitan mo ang sarili mo?" This time ay tumawa na si Kai. Ay hanep! Nakakahiya na nga ang lagay ko ay talagang natuwa pa ako na makitang tumatawa si Kai?
"Wala. Oo nga pala, 'di ba ngayon natin pag-aaralan ang Chi Kingdom? Excited ka na?" Sinubukan kong ibahin ang usapan para na rin ilayo ang sarili ko sa kahihiyan at sa awa ng masamang mukha ni Shebah ay nadivert na doon ang pag-uusap namin ni Kai.
"Excited yet nervous at the same time." Aba nag-english! Hindi ko alam kung bakit attracted ako sa mga lalaking magaling mag-english. Siguro ay naiinggit lang ang utak ko sa kanila.
"Dahil pa rin ba sa possibility na baka hindi mo mapigilan ang sarili mo na kausapin si Tierra?" I asked him and he nodded his head. Ang unfair din talaga ng mundo. Kahit saang mundo yata ay talagang uso ang pagiging unfair. Sana lang ay dumating ang pagkakataon na pwede namin makausap ang mga magulang namin nang walang rules na binabali.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantasyIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...