[Letlet]
"Ano ba, Lucian?! Buksan mo nga 'tong pinto?" Malakas na utos ng kanyang Lola. "Lucian?!"
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. "Lola Asun, bumalik kayo. May nakalimutan ka po ba?" Kalmadong tanong ni Lucian.
Samantalang siya, narito sa ilalim ng papag at nanginginig sa sobrang kaba na baka mahuli sila.
"Ay oo, nakalimutan ko ang pitaka ko. Nasaan nga pala si Letlet?" Rinig niya na tanong ng Lola niya.
"Hindi niyo ba nasalubong, Lola? Kakaalis lang niya. Nagpaalam siya sa akin na pupuntahan si Birang." Pagsisinungaling pa ng binata.
'Patawad po, Lola' Paulit-ulit na usal ng isip niya.
"Anong pinuntahan si Birang? Aba'y nakita ko si Birang bago ako bumalik rito, hindi niya kasama si Letlet."
Namutla siya.
Baka mabuko sila ng Lola niya!
"Lucian, ayos ka lang ba? Pinagpapawisan ka?" Nag aalalang tanong ni Lola Asun kay Lucian.
Nanlaki ang mata niya ng makita ang paa ni Lola Asun malapit sa ulo niya—
Pumasok sa kwarto ang Lola niya!
"A-Ayos lang ako, Lola. Huwag ninyo akong alalahanin."
Mukhang pareho sila ni Lucian na kinakabahan ngayon. Sabagay, sinong hindi kakabahan? Narito lang naman ang Lola nila kwarto kung saan sila nagtutukaan ng labi kanina!
"Sabagay, wala ka namang lagnat." Nakita niya ang paglabas sa pinto ng paa nito. "Aalis na ako, kapag umuwi si Letlet ay pagalitan mo. Aba'y napapansin ko na madalas na ang paggala niya."
Nang makaalis ang Lola Asun nila ay dahan-dahan siyang umalis sa ilalim ng papag. Pawis na pawis siya sa magkahalong kaba at takot.
"Muntik na tayo do'n, ah." Ani Lucian na mahina pang tumawa.
Pinahid niya ang pawis at saka masama itong tiningnan. "Nakita mo na? Muntik na tayong mahuli ni Lola Asun dahil sa'yo." Paninisi niya. "Simula ngayon ay tigilan mo na ang paghalik sa akin—"
"Damm, no!" Agad na tutol ng binata.
Pinaningkitan niya 'to ng mata. "Hoy, Lucian! Kapag tayo ay nahuli ni Lola ay itatapon niya tayo sa pinakagitna ng karagatan hanggang sa kainin tayo ng pating. Gusto mo ba 'yon? Ha?" Tumayo siya at pinagpag ang suot na lumang damit.
"Ayoko, sweetheart."
"Oh, di'ba, pareho tayong ayaw matapon sa dagat—"
"Ayokong hindi ka halikan araw-araw, yon ang ibig kong sabihin." May pilyong ngiti sa labi nitong sabi habang nakatitig sa labi niya.
Dahil alam na niya ang sunod na gagawin nito ay agad na tumakbo siya palabas ng kwarto nito.
"Sweetheart!" Malakas na tawag nito sa kanya.
Napapikit siya at napairap nalang. Ano kaya kung bumalik siya at suntukin ito sa ngala-ngala?
Tawagin ba naman siyang 'SWEETHEART' ng pagkalakas-lakas!
Nang tuluyang makalayo ay saka lang siya huminto.
Gumuhit ang ngiti sa labi niya, at pagkaraan ng ilang minuto ay natawa siya ng ubod lakas.
Sigurado siya na hindi mapapakali si Lucian hangga't hindi siya nakikita nito.
Ang gaan ng dibdib niya ngayon. Kanina kasi ay tila mahihimatay na siya sa sobrang kaba at takot...
Oo, natatakot siya na malaman ng Lola niya. Pero mas kinakatakot niya ay ang paglayuin sila nito ni Lucian.
[Lance]