Dumating na din ang oras na pinagkasunduan.
Saktong alas 6 ng tanghali nagtapos ang klase ni John.
Dumiretso na sya agad sa faculty kung saan andoon ang kanyang gurong si Joel.
at pag pasok sa silid ni John ay nakita niya ang professor sa di kalayuan.
Kumaway sa kanya ito.
"John pupunta tayo sa opisina ni Father Garces nag abiso na ako kanina".
Nagulat at nagtaka naman si John kung bat pupunta sila sa Punong Maestro ng seminaryo.
Biglang nag ring ang telepeno sa loob ng silid.
Sinagot ni Joel ang tawag.
"Oo andito na siya pupunta na kami jan."
Biglang nakaramdam ng kaba si John.
Namuo ng paranoya sa kanyang isip.
"Ano ba meron sa tanong ko kanina parang napaka BIG DEAL!".
Napaisip ang binata.
pagbaba ng telepono ay biglang tumingin ito sa kanya.
"Tara na John!"
Lumabas ng faculty ang dalawa.
Napansin ni John na walang dala si Joel na gamit.
Pumasok sa isip ni binata na madami o kaya gugol sila ng matagal na panahon ang gagawin nila at nagpasya na iwan na lang ang kanyang bag para di maging sagabal.
Ano gagawin natin kay Father Garces.
"Basta makikita mo".
Sagot ni Joel sa kanya.
Natahimik naman ang kanyang estudyante at di na nagsalita pa.
Pagdating sa harap opisina ay kumatok ng 3 beses si Joel.
Pero parang kakaiba ang kanyang katok.
Para itong password at may mga sinadyang espasyo sa bawat tunog.
"Tuloy!"
narinig nila ang boses ni Father Garces sa kabilang pinto.
Pagbukas ni Joel ng pinto ay nakita nila na nakaupo si Father Garces sa likod ng lamesa.
Winasiwas nito ang kanyang kamay.
"John wag ka mahiya upo kayo."
Naramdaman ni John na mas importante siyang bisita kaysa sa kanya guro.
Papalapit siya sa upuan sa harap ng lamesa ng punong maestro nang di maiwasan titigan niya ang isang lalaking dayuhan na nakatayo sa bandang bintana.
Nakatanaw ito sa bintana pinagmamasdan ang mga semeniresta sa labas.
Iniabot ni Father Garces ang baso kala John at Joel pag upo.
"Uminom muna kayo".
Masayang inialok ni Father Garces ang kanyang mga bisita.
Pero parang may naamoy siyang pamiryar sa baso.
Pagtingin niya dito ay alak ang binigay sa kanya ng pari.
Natawa si Joel sa munting reaksyon ni John ng makita inabutan siya ng alak.
Ininom ni Joel ng deretso at inilapag ang baso sa lamesa.
Masaya naman nilagyan ulit ng maestro ng laman ang baso.
Wala magawa si John kundi inumin na din ang alok na alak.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HorrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...