Hello, I Heart You. (One Shot)

572 21 20
                                    


Ako si Chris...

Crush ko si Colleen... ay hinde, gustung-gusto ko na sya simula pa lang... ay hinde, mahal ko na pala.

At balak ko nang aminin.


 ---


Ako si Colleen...

Walang araw na hindi ako inaasar ni Chris...

At hindi ko alam kung bakit...

***

Umuulan...  Wala pa kong dalang payong. Ano ba yan!? Katatapos lang kasi ng CAT namin at syempre, masipag ang lola nyo kasi officer ako at 6:30 pm na umuwi.

Kaso, nakaistambay lang ako ngayon sa school grounds. Aysh. Ayaw tumila.

Mabuti na lang walang asungot ngayon na nang-aasar sakin. Ewan ko ba dun sa Chrissy na 'yon! Kala mo kung sinong gwapo. Well... gwapo nga at cute pero kung mang-asar kala mo end of the world na bukas.

Good leader naman kasi kahit papano yung Chrissy na yon. Kung nagtataka kayo kung bakit Chris'SY' eh kasi naman, wala.. cute lang. O! wag mag-isip. Pambawi na rin 'yon sa pang-aasar nya sakin.

Halos, 5 mins na ko ditong nakaupo at nakapangalumbaba nang nakita ko sya. Leche. Akala ko naman umuwi na yun. Te-teka.. si Louella ba 'yon!?

Oo nga pala, nakalimutan ko. Kalat sa klase namin na crush ni Chrissy yang si Louella. Ella for short. Bakit hindi na lang ako!? Erase Colleen! Bakit ko ba pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na 'yon!?

Siguro, ihahatid nya si Ella. Naman. Halata eh. Aish. Ayoko makakita ng scene ng dalawang taong magkasama sa iisang payong kaya umalis na lang ako at pumunta sa pinakamalapit na waiting shed.

Gorabells na. May nagdadaan naman kasing sasakyan 'don minsan kaya tiwala lang, makakauwi na ko.

Time check.. 6:50pm

Lumakas pa lalo yung ulan. Wala namang bagyo ah!? Lecheng ulap 'to. Dinadamay ako sa pagsesenti nya. Ang araw araw naman kanina!? Aish.

Iniisip kong tumakbo na lang sa sakayan at lumusong sa ulan kaso, nung tyempong tatakbo na ko, biglang may humawak sa braso ko at hinila ako pabalik.

Luh!? Baka rapist!? Murderer!? Jusme! Wag naman sana! Ayoko pang mamatay!

"Panget. Bakit andito ka pa?"


Kilala ko yung boses na yun ah!?

"Chrissy?" hinawi ko yung bangs ko tapos tiningnan sya.

"Tsk. Kababaeng tao walang payong." asar niya. Aba, loko 'to ah.

"So? Kaya nga susugod na eh. " bawi ko sa kanya.

"Colleen... best friends tayo di ba?" tanong nya.

Himala. Hindi ata nagpadala sa asar ko. Anong meron? Tsaka, pagkatapos nyang sabihin 'yon, ngumiti sya sakin tapos tumingin sa mga raindrops na umaagos pababa sa bubungan ng waiting shed.

"Bestfriends!? Ang alam ko, si Yukari lang ang bff ko." 

"Edi close friend."

"Hindi rin!" sabi ko uli.

"Eh basta! Yun 'yon!" sagot nya sakin.

Haha. Nakakatuwa yung reaksyon nya. Ang cute! Ay erase! Ano ba 'yan! Umayos ka Colleen!

"Eh bakit mo ba natanong, ha?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang malaman kung may nagugustuhan ka na." sagot nya pabalik.

Luh? Hindi ako sanay ng ganito ang aura sa paligid, ang serious masyado. Tsaka, bakit nya natanong. Nakahithit ata 'tong mokong sa tabi ko ng katol.

Gusto?...

May nagugustuhan na ba ko?...

Kung ikaw, magugustuhan mo rin kaya ako?...

Aish. Ano bang pinag-iisip mo Colleen!? Capital E.R.A.S.E! Anong panama ko sa iba pag nagkataon no!? Oo, tama.

"Wala. Bakit ikaw? Si Ella no? Nakita ko kasi kayong magkasama kanina. Hinatid mo pa nga eh."  sabi ko.

Spell awkward? A K O.

"Nakita mo kami!?" gulat nyang tanong.

"Malamang, hindi ko naman kasi sasabihin yun sayo kung hindi di ba?"

"Haha.  Hindi no. Inutusan kami ni Sir Chad nun na dalhin sa kanya yung mga folders na may lists ng absences ng bawat 4th yr sa CAT kanina. Tapos hinatid namin sa kotse nya. Umuwi na rin sya nun." sabi nya sabay ngiti.

Shemay. Wala naman akong paki kung hinatid nya di ba!? Di ba!? Tsaka, bakit iba yung ngiti nya. Jusme! Natutunaw ata yung silungan namen.

"Aaaa. Sabagay, officer nga pala tayong tatlo. Akala ko kung ano na eh." bulong ko sa sarili ko.

"Ha?"

"Aaa. W-wala no! Ha-ha.. w-wala. Sabi ko kung ako wala, ikaw, may nagugustuhan ka na ba ngayon."

Wush! Buti di nya narinig.

"Wala."

"Aaa."

"Kasi, tingin ko, mahal na nga ata eh." sabi nya.

Aaa. Sayang naman. Aish! Ano ba 'yan!? Colleen, kung anu-ano na pinagsasabi ng utak mo sayo. Bura.

"Aaa. Ang swerte naman nun. Ay hindi, malas pala kasi nakilala ka nya. Haha! " asar ko sa kanya. Pangit naman kasi kung puro serious di ba?

"Grabe ka naman. Masaya nga sya eh. Tsaka, walang araw na hindi ko sya napapangiti." tumingin sya sakin tapos ngumiti.

Okay. Napakaswerte nga talaga ng babaeng 'yon. Kung sino man sya.

Totoo naman eh, kahit medyo aning-aning 'tong si Chrissy eh, ang sweet nya at masarap pang kasama kahit lagi nya akong inaasar.

"Talaga? Ipakilala mo naman samin. O kahit sakin na lang. Haha! Sabi mo nga kanina, bestfriends tayo. Pero tingin mo lang yun. Sakin kasi, asungot. Hahaha. Uy, joke lang Chrissy." sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka? Haha, sige. Gusto mo tawagan ko na lang?" sabi nya.

"Okay. No prob." sabi ko.

Kinuha nya yung  cellphone nya tapos nagdial.

Ako naman, since waiting in distress dahil sa ulan ang peg ko, naghintay na lang ako tapos tiningnan yung watch ko. 7:15 na pala. Ayaw pa tumila ng ulan.

*ring* *ring*

Yung phone ko. Baka si Mama na yun. Patay tayo nyan. Sermon ang abot sakin nito. 

"Uy, sagutin ko lang 'to ha. Baka si Mama."

"Sige." sabi nya.

Hindi ko na nakita kung ano yung number basta press agad ng button. Si Mama kasi, impatient. Haha.

"Hello." sabi ko.

"Colleen, mahal kita." sabi nya.

Hello. I Heart You. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon