Obsessed (short story)

741 21 15
                                    

Paano kung nagustuhan mo siya sa una mong tingin, nagkakilala kayo, pero sa katagalan nalaman mo yung tunay nyang ugali at ang nangyari na-TURN OFF ka? lalayo ka ba o pilit mo syang babaguhin?

LOVE? minsan kelangan mong magbago para lang mahalin ka nya pero, pipilitin mo bang magbago para lang sa pinakamamahal mong tao?

-------------------------------------------------------------

"MISHAAAAAAAAA!!!" sigaw nung classmate kong si Angel.

"oh? baket?"

"a-andyan yung crush mo s-si Kent"

"OH!? t-talaga tara hingin natin yung number!!"

"sige sige TARA!"

Misha's POV

UMAY GAWD! andyan na pala yung ULTIMATE CRUSH ko, kaso ang conflict 3rd year highschool ako at sya Grade 7, di ko alam kung pano ko sya nagustuhan siguro na LOVE AT FIRST SIGHT ako sa kanya, ewan! basta CRUSH ko siya.

"uhhhmmm, Kent pwede ba mahingi yung # mo?" Angel

"sure ate" siya >>> :))))

"eto oh, 09*********"

"geh po thank you kent"

"welcome po ate"

HAYZ! heto nahingi na ni Angel yung number nung Kent, matext nga.

"Hi Kent:)"

 *1 message received*

"Hi din ikaw ba yung nanghingi ng number ko kanina?"

reply agad hahaha, BTW si Kent medyo isip bata siya, nerd, but his so gentle dog este gentle man.

"ahh, hindi classmate nya toh may crush kasi ako sayo eh.."

*1 message received* 

"ahh, hehehehe, ate pwede manligaw? I LOVE YOU BEH"

nung mabasa ko yun hindi ako nabigla or kinilig isa lang ang naramdaman ko nung mga oras na yun ang , mandiri arte noh hindi ko kasi inaakala na ganun kasi sanay ako sa mga naging bf's ko na sweet muna na mga salita before yun. Then I replied.

"huh?"

*1 message received*

"diba crush mo ako, crush din kita edi tayo na beh."

I replied again

"DUH! Are you Crazy?! unang kilala pa lang natin at hindi mo pa ako nakikita tayo agad?! kapal ng face mo!"

*1 message received*

"mahal na mahal kita beh"

DUH! nababaliw ba sya agad agad!? Isip bata sya!! I Hate him ayoko na sa kanya na TURN OFF na ako sa kanya sayang pa naman sya ang pogi nya pa naman! Tapos hindi nya pa ako nakikita mahal agad!

*kinabukasan*

nagpakita ako sa kanya.

"Uhmmm, Hi Kent ako nga pala yung katext mo kahapon I'm Misha, nice too meet you"

"Hi, Misha Nice to meet you too, by the way alam mo totoo lahat yung sinabe ko kagabi PROMISE!" and he raise his hands as the sign of a Promise.

"kapal ng face mo huh? mahal mahal agad?! alam mo akala ko matino kang lalaki iba kasi yung ineexpect ko sayo eh, akala ko matured kana kasi nga dba 14 kana and 15 ako pero grade 7 ka at 3rd year highscool ako, yun pala mas matured pa ako sayo, sayang ka you're handsome but childish ka! BYE"

nagmadali akong umalis sa harap nya maraming tao yung nakatingin samin nasa hallway ba naman kami eh, kasi ang inaakala nya porket crush ko siya eh magiging crush nya na agad ako, damn virgin pa siya when it comes to LOVE, pero diba may mga taong nalolove at first sight din baka ganun sya, ugh! ERASE ERASE ERASE! di sya ganun di ko na sya itetext!!! matext nga sasabihin ko na wag nya na ako itext nakakadiri sya makaBEH WAGAS!!

To: Kent

"HOY! WAG NA WAG MO NA AKO TATAWAGING BEH! BADUY MO! ISIP BATA!"

Kent's POV

"HOY! WAG NA WAG MO NA AKO TATAWAGING BEH! BADUY MO! ISIP BATA!"

 di ko alam yung nararamdaman ko, pero I was shocked di ko aakalain isip bata ba ako? siguro nga kasi ganto yun si Misha matagal ko na syang nakikita then first time I saw her I was shocked din kasi she is very simple but beautiful yun talaga ang gusto ko sa mga babae, and di ko aakalain na crush nya rin pala ako, then umamin din ako na gusto ko siya then I call her BEH hehehehe gusto ko kasi ganun yung tawagan ng magiging gf ko eh. Ngayon isa lang ang nararamdaman ko ngayon kundi galit ewan ko ba kung baket basta maghihinganti ako sa kanya ayaw ko man toh gawin kaso talagang nadadala ako ng galit ko eh, balang araw magugustuhan nya din ako tandaan mo yan MISHA!!!

to:Misha

"Talaga hinding hindi na ako magpaparamdam sayo! tandaan mo babalikan kita balang araw mamahalin mo din ako"

hayz!! I delete her number nagpasya na rin akong magtransfer sa other school.

After 2 years and 6 months..

Misha's Pov

Di ko alam yung nararamdaman ko ngayon kasi hanggang ngayon nakokonsenya ako sa ginawa ko nalaman kong mahal na mahal nya ako ng magpunta yung mom nya sa school namin at nireklamo ako na baket ko daw sinaktan yung anak nya etc. halos di na daw kumakain and nagkukulong daw yung anak nya sa room neto, kaya ayun pinalipat siya ng school. Aaminin ko nung nawala sya saka ko nalaman na mahal ko pala sya kahit love at first sight lang aku sa kanya, pero kung makikita ko siya ulet hinding hindi ko na sya papakawalan, halos araw araw akong depressed ang hirap pala ng ganito aaminin ko MISS NA MISS ko na sya. Nga pala pumunta kami sa isang school gala lang kami, oo nga pala 1st year college na ako . May nakita kaming nagspespeech sa may stage President daw ng isang org. dito sa school well, nung nakita ko siya namamalikmata ba ako o binabangungot lang? I saw him laki ng pinagbago nya, teka kinukwento nya yung Love life nya ah. kasi Valentines day ngayon at every year daw dito ang mga students nagshashare ng kanya kanyang Love life experience.

"Alam nyo nakaranas na ba kayo Love, kasi minsan sa Love kelangan nyo magbago para lang sa taong pinakamamahal nyo pero anung pipiliin nyo magbabago kayo para mahalin ka nya o hindi ka magbabago para matanggap ka nya ng lubos.When it comes to love kelangan mo munang masaktan bago mo mahanap yung talagang para sayo, parang damit sa ukay kelangan mong magtyagang maghanap ng damit na babagay sayo" 

At nakita nya ako, habang sinabe nya yung mga katagang yun nakita ko sa mga mata nya ang kalungkutan, at ako naman naiiyak..

"Minsan na Love at first sight din ako, naranasan ko na rin magmahal ng lubos pero nung ginawa nya? sinayang nya, kasi sabi nya childish daw ako kaya heto ako ngayon naging matured and cool na di na katulad dati na nerd, and CHILDISH!"

Ang ginawa ko umakyat ako sa stage then inagaw ko yung hawak nyang mic.

"Nung iniwan nya ako, dun ko narealize na mahal ko pala sya halos mamatay ako sa kalungkutan tanggap ko naman kahit CHILDISH sya and nerd eh... di nya na kelangan magbago para lang sakin dahil nung una pa lang kahit may pagka childish sya tanggap ko, at ngayong kaharap ko na sya hinding hindi na kita papakawala, MAHAL NA MAHAL KITA KENT MARTINEZ!"

Grabe di ko aakalain na magagawa ko toh, anu bang magagawa nyo eh mahal na mahal ko talaga sya at ayoko na syang mawala sa buhay ko..

"t-totoo ba talaga yan Misha?"

"PROMISE KENT, I WILL LOVE YOU FOREVER AND ALWAYS" :)))

"YOU TOO MISHA I WILL LOVE YOU FOREVER AND ALWAYS.."

Ang he kiss me at my chicks, and heto kami ngayon To Infinity and Beyond na kami malapit na kaming ikasal agad agad eh, And now we enjoy our happy relationship..

--------------------------------------

HELLO GUYS! =)) this is my second story anu you like it ba sorry kung pangit para sa iba di pa kasi ako ganun kagaling magsulat sa wattpad eh.. pero I hope you'll like it pinaghirapan ko yan.. sensya sa mga mali ahh.. :))

Obsessed (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon