Chapter 1

70 4 0
                                    

Unang pagkikita


Makikita natin si Taniel at ang kanyang lolong si Artemio na nag-uusap.

"Lo, pumunta na naman po dito yung pinagkakautangan ni papa. Narinig ko kanina medjo kumukulo na ang dugo ni boss Mike kasi wala pa ding pambayad si papa."

Usal ni Taniel.

"Tan-tan, hindi maganda ang makinig sa usapan ng mga matatanda. Wag mo nang uulitin ha."

Sambit naman ng matanda.

"Pero lo, hindi naman na ako bata..."

Sagot pa ni Taniel.

"Kulit mo talagang bata ka, ipagtimpla mo nalang ng kape ang pogi mong lolo."

Utos nito.

Nalubog sa utang ang ama ni Taniel na si Leopoldo, gawa ng pagkaka roon ng malubhang karamdaman ng asawa nito.

Housewife lang si Crista samantalang nagtayo naman ng sariling carshop si Leopoldo. Noong una, lumago naman ang negosyo ng ama ngunit paminsan minsan ay nagkakaroon ng problema. May mga panahong malaki ang kita ngunit may mga araw ding matumal.

Walang insurance ang pamilya kaya noong nagkaroon ng colon cancer si Crista, napilitan ang amang ibuhos ang lahat ng ipon sa bill sa hospital.

Walang humpay na chemo at iba pang therapy ang ginawa kay crista, idagdag mo pa ang mga gamot. Kaya umutang ng umutang si Leopoldo sa kaibigan nitong si boss Mike. Isang chinoy na nagpapa utang na may 20% na tubo o 5/6 kumbaga.

Ubos na ubos na ang pasensya ni boss Mike sa kaibigang si Leopoldo dahil sa mga pangako nitong madalas ay napapako. Ngunit sa ngalan ng pagkakaibigan ay mas pinili nyang habaan pa ang kanyang pasensya. Kung hindi lang sila sabay nagpatuli at nagbinata ay malamang napatumba na niya si Leopoldo.

Dahil nga sila ay magkaibigan, hindi na hiningan ng colateral o kahit anong requirements bago makautang si Leopoldo. Alam naman ni Leopoldo na walang habol sa kanya si boss Mike kung tutuusin, ngunit alam din nyang hindi lang sya ang mapapahamak kapag ito ay tinakbuhan nya. Kaya kahit hirap na hirap na ay pilit pa rin nitong sinasalba ang car shop para makaraos kahit papaano

Kasalukuyang nasa grade 12 na si Tan-tan at active sya sa sports. Gold Medalist sya sa Provincial Meet sa larangan ng paglangoy o 'swimming' (freestyle). Kaya hindi maitatangging maganda ang kaha ng kanyang katawan.

Kahit lublub sa chlorine, enclosed pool naman ang pinag eensayuhan nya kaya hindi naman sya umiitim, makinis ang kanyang balat. Walang bahid ng taba ang makikita sa kanyang katawan. Maumbok ang kanyang dibdib at may 'baby abs' kung tawagin ang kanyang tyan. Mapapansin din ang mala letter V na guhit mula sa magkabilang parte ng kanyang tagiliran patungo sa gitnang bahagi ng kanyang katawan kung saan naka umbok sa ilalim ng swimming trunks.

Maliban sa nakakamangha nitong katawan ay ang makinis nitong mukha. Manipis na mahaba ang kilay, medjo singkit na mga mata na animoy mata ng hapon, matangos din ang kanyang pawisin na ilong, samahan mo pa ng mapupula at maninipis na mga labi. Brown ang kanyang mga mata at wavy kanyang buhok kaya madami ang nagkakagusto kay tan-tan. Campus crush ika nga. Ngunit ni minsan ay walang pinagla anan ng pagtingin ang binata dahil sobra ito kung mag ensayo sa pag langoy at mag aral ng kanyang mga acads. Hindi man siya honor student ay hindi naman ito bumabagsak sa kanyang mga subjects.

Gumagawa ng assignment sa loob ng bahay si tan-tan nang may nag doorbell sa kanila. Medjo inis na tinungo nito ang labas ng bahay at binuksan gate. Nawala ang simangot nya sa sandaling makita nya kung sino ang nasa labas. Isang gwapong binatang chinoy na sa tantya nya ay kasing edad lang nya. Ilang segundo silang nagkatitigan hanggang sa nagsalita ang binatang chinoy. "Nanjan ba si Leopoldo?". Medjo mayabang nitong wika. Nagulat si tan-tan sa asal ng binata. Bumalik ang inis na kanyang naramdaman.

Red EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon