Hi guys, pasensya na po ulit at ngayon lang nakapagupdate. 1.51 k reads na po ang BENCH XXXL. Thank you to all my readers and followers. Sa mga bago pong nagfollow please enjoy reading my book.
Read.Vote.Comment.Share. Kamsahabnida!
Tahimik ang buong klase habang nag-checheck ng attendance ang homeroom teacher. May isang bakanteng upuan. Bakante ang king size na silya ni Bernard.
“Beatriz Mercado?”, ang paulit-ulit na pagtawag ni Sir Benayo sa pangalan ni Beatriz na halos pumipiyok pa.
Kinalabit si Beatriz ng seatmate niya para sabihin na kanina pa siya tinatawag ng teacher. May nakasalpak kasing headset sa tenga niya kaya naman wala talaga siyang naririnig. Dali-dali niyang tinanggal ang headset sa kanyang tenga at tumayo. Nakatingin na lahat sa kanya. Masama na ang tingin ni Sir Benayo.
“Present Sir!”“Iha naman, alam mo bang halos mamaos na’ko sa pagtawag sa’yo.”
“Pasensya na po Sir.”
“Hindi ka nandito para salpakan lamang ng kung anu-ano ‘yang tenga mo.”, ang sermon nito kay Beatriz.“Pasensya na po talaga Sir. Tinatapos ko lang po talaga ‘yung kanta. ‘Yung kanta ng Aegis, ‘yung “Basang-basa sa ulan, walang masisilungan…”, ang sample nito sa pinapakinggang kanta na siyang kinainis lalo ng homeroom teacher.
Nagtawanan ang buong klase dahil sa ‘di matatawarang performance . Feel na feel kasi ni Beatriz ang bawat lyrics. Damang-dama na parang may pinaghuhugutan.
“Alam mo ikaw Iha, may potensyal ka.”
“Talaga po?”
“May potensyal ka sa pang-aasar. Pumunta ka sa desk ko mamaya. Usap tayo.”
“Ah sige po Kuya Boy, ay Sir pala. Walang pong problema.”
“Pipick-up pa. Sige na. Pwede ka nang umupo. How about Mr. Bernard Chan?”Walang sumasagot. Absent si Bernard. Medyo madalas siyang umabsent lalo na ‘pag inatake siya ng sakit niya.
“Ruby, would you know why Bernard is not here?”, ang tanong niya kay Ruby na Vice-president ng klase.
“Yap Sir. His mom called me earlier this morning. May lagnat daw po siya.”
“Ah ganon ba. Ok thank you Ruby. Please let me know kung kelan siya makakapasok huh?”
“Yes Sir.”
Sa Canteen. Nakita ni Beatriz si Ruby na mag-isang kumakain. Wala siyang kasabay dahil wala si Bernard. Lumapit siya rito para saluhan tutal wala rin naman siyang kasabay. Loner din. Wala kasing may lakas ng loob na sumama sa kanya. Kalat na kasi sa buong campus ang kakaibang ugali niya. War freak.
“Hi Ruby! Pwede bang makishare?”, ang masiglang bati niya kay Ruby na ikinagulat pa nito.
Tumango lamang si Ruby. Hindi nakasagot kaagad dahil ngumunguya pa.
“Bakit nga pala nilagnat ‘yung boyfriend mo?”
“Ah..”
“Hindi mo alam? Anong klase kang girlfriend? Mamamatay na ang jowa mo hindi mo pa alam? Ay grabe ka! Hindi sapat ‘yung maghihintay ka lang ng text niya. Dapat ikaw ang magkusang tumawag sa kanya. Grabe talaga! Parang hindi syota eh!”, ang tuluy-tuloy na wika ni Beatriz na ikinashock na naman ni Ruby.
“Ah… ano kasi. Naulanan kasi siya kahapon kaya ayun nilagnat.”
“Ah ganon ba? E bakit kasi nag-paulan ‘yung tabang ‘yun.? Tapos? Ano? Ano raw balita sa kanya? Uminom na raw ba siya ng gamot? Uminom na raw ba siya ng calamansi juice? Ano raw latest na temperature niya? Makakapasok na ba siya bukas?”

BINABASA MO ANG
OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?
Teen FictionMahirap para kay Ben ang pagiging overweight. Tampulan siya ng tukso sa kanilang campus. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend. Walang nagkakamaling pumatol sa kanya. Makikilala na kaya niya ang magiging first girl...