ALEX
Habang naglalampaso ng sahig ay naisip ko ang mga anak kong sina Zaki at Lui . Naalala ko naman iyong sinabi nila kanina tungkol sa pinagtitirahan namin ngayon.
'Kailangan kong mag doble-kayod para makaalis sa magulong lugar na iyon. Ayaw ko naman na roon lumaki ang mga anak ko at baka maimpluwensiyahan pa sila ng mga tambay doon. Pero bago ang lahat ay kailangan ko munang bayaran iyong renta namin na isang buwan nang hindi nababayara-'
Naputol ang aking iniisp nang may mabangga ako sa aking likuran. Dahil sa paatras ang paglalampaso ko ay hindi ko nakita ang paparating sa aking likuran. Dahil sa kasalukuyang basa ang sahig, hindi ito nakatulong sa pagtulong sa akin para ibalik ang aking balanse.
Ang inaasahan kong pagbagsak ng aking katawan sa sahig ay hindi nangyari dahil naramdaman kong may malalaking braso ang sumalo sa akin. Nanigas ang aking katawan sa nangyari dahil paniguradong isa itong malaking kahihiyan lalo na't marami tayo ang naririto at unang araw ko pa naman sa trabaho.
Bago ko malingon ang lalaking sumalo sa aking ay agad niya akong itinulak papalayo sa kaniya. Buti na lang at hindi ako nadulas sa pangalawang pagkakataon.
Agad akong lumingon dito at agad na yumuko, "P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya! Pasensya na po talaga! H-Huwag niyo po sana ako tanggalan ng trabaho..." nanatali akong nakayuko habang nakakagat-labi. Hinawakan ko ang aking kanang kamay para pigilan ito sa panginginig dahil sa kaba sapagkat malaki ang posibilidad na hindi ko magugustuhan ang resulta nito.
"Ayaw ko nang lalampa-lampa sa teritoryo ko. Umayos ka dahil ayaw ko ng kapalpakan" mariin niyang sabi gamit ang kaniyang baritonong boses.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi tumigil ang aking panginginig bagkus ay mas lalo lamang itong lumala. Ang bilis ng kabog ng aking dibdib ay hindi dumoble kung hindi ay triple na. Hindi dahil sa kaniyang mga sinabi kung hindi dahil sa kaniyang napakapamilyar na boses. Ang boses na akala ko'y hindi ko na maririnig kailanman....
THE FORGOTTEN MAN by lukejames890
A/N: Ito po ay isang fictional book tungkol sa lalaki-sa-lalaking relasyon o mas kilala bilang BxB (BoyxBoy). Ito rin ay may temang MPREG o sa madaling salita, ito ay tungkol sa mga lalaking may kakayahang magdalang-tao. Kung hindi ito ang gusto mong tema ay maaari ka nang umalis nang tahimik.
DISCLAIMERS:
1. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
2. Ang mga makikitang larawan sa librong ito ay hindi ko pagmamay-ari kung kaya't binibigay ko ang credits sa mga tunay na nagmamay-ari nito.
SOON!
BINABASA MO ANG
SB1 | The Forgotten Man [M2M, MPREG]
General FictionSuarez Brothers #1 STATUS: SOON Sa buong buhay ni Alex Trey Fernandez, sakit at lungkot lamang ang kaniyang naranasan. Kaliwa't kanang insulto ang natanggap niya sa lipunan, na nagsimula sa sarili nitong pamilya. Ngunit nang ipagbuntis niya ang kan...