Panibagong araw na naman. Paakyat na ako sa hagdan patungo sa next subject ko. Absent ngayon si Joy dahil masakit daw ang puson niya. Hinayaan ko na lamang at buhay niya naman iyon.
Kagagaling ko lang kay dean at sinabihan ko siya na titigil na ako sa pinapagawa niya saakin ngunit pinilit niya parin ako. Napag-alaman ko ring pamangkin niya pala si Apollo.
Bigla ko tuloy naalala ang huling pag-uusap namin ng bugnuting lalaking iyon.
“I don't want to see your face ever again. Whatever Tita told you just quit. If you need money I can give you that!” saad ni Apollo. Una sa lahat hindi ako tumatanggap ng perang hindi ko pinaghirapan kaya hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
“No way,” tugon ko. Tinignan niya ako sandali, “Then you brought your life into mess.”
Hindi ako nagpatinag at tinaasan ko lang siya ng kilay. Walang maaapi kung walang magpapaapi. Hindi porket mayaman sila ay pwedi na nila akong tratuhin ng ganiyan.
“Then bring it on!” Lakas loob na saad ko. Napa-english tuloy ako. Napailing lang si Apollo at iniwan akong mag-isa.
Ewan ko anong mess ba ang sinasabi niya basta ang alam ko gagawin ko kung anong inutos saakin. Kung ayaw niya edi aba! Itatali ko siya.
May dalawang subject lang ako ngayong araw habang bukas naman ay loaded ako. Bakit ba kasi hindi hinati nang maayos ang mga subjects ko.
Lahat pa ng klase ko ay nasa umaga kaya pagdating ng hapon ay wala na akong gagawin pa. Siguro tutulong nalang ako kay Mama kung ano man ang ginagawa niyang diskarte ngayon.
Dahil wala si Joy ay wala akong kausap. May ngumingiti naman saakin at nakilala ko silang mga suki ko sa pagbebenta ng iba't ibang kakanin.
Pumasok na ang professor at minor subject lang naman 'to ay hindi ako masyadong nakinig. Ayoko munang gamitin ang utak ko at inaantok ako dahil maaga akong nagising kanina dahil sa ingay ng kapitbahay namin.
“That's all for today, study because maybe I will be having a surprise quiz.” Huminga ako ng malalim ng makalabas na ang professor namin. It's no longer surprise dahil sinabi mo na sir.
May susunod na subject na naman. Break time pa kaya kinuha ko nalang ang puto na baon ko. Ito ang niluto ni Mama ngayon. Mabuti nalang talaga ang nagbukas na ang karenderya ni Aling Delia kaya pinakyaw na naman nito ang benta ko.
Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan ang iba't ibang estudyante na dumadaan galing sa iba't ibang kurso. This is my favorite place sa tuwing may klase, ang bintana.
Napaubo ako nang mahina nang maramdaman kong bumara sa lalamunan ko ang puto. Dali-dali akong uminom ng tubig at mabuti nalang ay naunahan ko ang sinok.
Ilang sandali pa ay pumasok na si ma'am Cassadie. Isa siya sa mga paborito kong guro rito sa Unibersidad dahil sa mabait na nga ito marami ka pang matututunan sa kaniya.
Humarap ito sa klase habang nakangiti.
“I want to do a break at sobrang seryoso na ng klase natin palagi,” panimula nito.
“So your task is to imagine your future and your dream, 'yong mga bagay na gusto mong mangyari sa'yo just imagine it!” dagdag nito. Seryoso naman si ma'am kaya napaisip ako kung ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Ano nga ba ang pangarap ko?
“I want you all to close your eyes and imagine your dreams in life!” Sinunod ko na lamang ang sinabi ni ma'am Cassadie. I closed my eyes and began to imagine what I want to be.
Una kong inisip na nakapagtapos ako ng pag-aaral at naging isang matagumpay na nurse sa isang hospital. Sunod ay ang magandang bahay kung saan kasama ko si Jeje at Mama. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga imahinasyon ko.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Fiksi RemajaHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...