11:11 Bloom
When the petals withered a new one will bloom.
Kinakabahan ako dahil ngayong araw ay malalaman na namin ang mga pasok sa latin honors. Hindi na ako mage-expect dahil masakit yon. Charot.
"Una na ako!" sigaw ko sa mga kasama kong kumakain pa lang.
8 a.m na at mamayang 8:30 simula nung meeting. Malapit lang naman dito yung university kaso ang problema yung prof namin advance masiyado.
Kung sasabihin niyang 8:30 dapat 8:00 nandun kana. Kaso nalate ako ng gising kaya eto nagiging atleta na naman ako.
Biglang may tumawag sa cellphone ko kaya nilabas ko ito at sinagot. Yung kaklase ko lang pala.
"Dia!! Asan ka na? I susulat ko na lang pangalan mo dito. Basta make sure 8:15 narito ka na."
"OH! SIGE! 8:15 NANDIYAN NA AKO!" sagot ko bago ibaba ang tawag.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil 8:05 na. Jusme! Kaya ko to!
Pababa na ako ng subdivision nang biglang may bumusinang sasakyan sa likod ko. My eyes widened when I saw who's inside.
"Oh?Nathan? Mamaya mo na ako chikahin nagmamadali ako!!" sigaw ko at nagpatuloy sa pagtakbo.
Naramdaman kong sumunod pa rin siya sa akin. "Hey. Hop in. Ihahatid na kita." aniya.
Napatigil ako sa pagtakbo at nagdalawang isip pa. I look at my wrist watch and konti na lang.
Wala akong nagawa kundi pumasok sa sasakyan niya. Mabilis niyang pinatakbo ito habang ako ay hindi mapakali.
"Saan kita ibababa?"he asked me.
"Sa harap ng Señor Avelino building."sagot ko.
Diniretso niya doon ang kaniyang sasakyan. Nakita kong napapatigil ang ibang naglalakad nang makita nila ang sasakyan niya. Hindi pa naman tinted to wengya.
Tumigil kami sa harap ng building. Bago ako bumaba ay hinarap ko siya.
"Thank you!" nilabas ko ang calling card ko sa cellphone at inabot sa kaniya. "Bawi ako. Just text or call me ha? Bye!"wika ko bago bumaba.
Narinig ko pa ang mga bulungan ng ilang estudyante pero hindi ko na sila pinansin. Mga froggy na marites.
Mabuti na lang at nasa first floor lang ang conference hall. Nakita kong may kausap si Prof sa may hagdan at nakatalikod ito kaya nagmadali akong pumasok.
"Oh God! You are here!"
Para akong nabunutan ng tinik dahil nakaabot ako. I fixed myself when our professor entered the room.
"Congratulations! Here are the list of the students who made it." seryosong wika niya.
"Abueva cum laude. "
Nagpalakpakan kami nang tumayo yung babaeng naka-itim na dress. Gragraduate akong walang kilalang kaklase bukod sa mga nakatabi ko na.
"Hilaria- magna cum laude."
Pumalakpak kami ulit. Heto na. Sino ang ma-swerteng nakasungkit ng pinakamataas na latin honor sa block na ito.
"Among all the students of the Department of Political Science. We are aware about how tight the compentency of the top students but only one made it. Congratulations you gained the highest latin honor and have the highest GPA after 5 consecutive years…" tumigil si Prof. "Miss Dianne Eliza Ferrer."
Ha? Ako? Tumingin pa ako sa katabi ko at itinuro ang sarili ko. Tumango siya habang paumapalakpak at niyakap ako.
Nanginginig akong tumayo sa aking upuan at ngumiti. "Thank you!" hindi makapaniwalang sabi ko.

BINABASA MO ANG
A wish: 11:11
ChickLit11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in the evening.