Chapter 5

4.8K 103 4
                                    

Mabilis na ibinato ko ang box sa pader at gigil na lumabas ng office ko. Nagmamadaling lumapit ako sa empleyado ko.

"Yana!"

Nakita ko ang pagbabago ng itsura ng mga staff ko at para bang natakot sa akin bigla.

"M-ms. Yell." mabilis siyang lumapit sa akin at kita ko ang pamumutla niya.

"Who sent that box to me?! Did you see his face? Tell me!"

"D-deliver boy lang po ang nag-abot sa akin. Pasensya na po. Hindi ko po binuksan kasi baka po private po iyon dahil mukhang mamahalin." uutal-utal niyang sagot at kita ko ang pangingilid ng luha niya.

Nakonsensya naman ako at pilit na ikinakalma ang sarili ko.

"I'm sorry for my sudden behavior. Sa susunod na may magpapadala ng box na ganoon or anything suspicious, throw it out. Entiendes?"

"Sì Señora." mahinang usal niya kaya napabuntong hininga ako.

Bumalik na ako sa loob ng opisina ko at tinitigan ng masama ang box sa gilid. Nasa lapag na din ang necklace na iyon kaya gigil na sinipa ko iyon.

Masakit na nga ang ulo ko sa hang-over, dumagdag pa ang pontio pilatong nagpadala nito. How dare him?

After all these years, ngayon niya pa talaga naisipan magparamdam? Anong tingin niya sa akin? Bata na madali niya ulit mabibilog ang utak? No! Never again!

Binuksan ko ang laptop ko at nagsimula ng magtrabaho pero ilang minuto lang din ay masama kong tinitigan ang box at necklace na nagkalat.

Padabog akong tumayo at pinulot ang mga iyon at hinagis sa table ko. Itatapon ko na sana sa basurahan ang necklace pero parang may pumipigil sa kalooban ko na gawin iyon.

Napaupo ako sa swivel chair ko at humigpit ang hawak ko sa kwintas.

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang sulok ng mata ko at unti-unting umalpas ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan.

Napahagulgol ako at napasubsob sa table. Bakit ang sakit pa din? Bakit kahit anong gawin ko, hindi ko pa din siya makalimutan? Ni ang simpleng lecheng kwintas na ito ay hindi ko man lang magawang itapon.

"Ate Cinnamon! Oh shit!"

Napaangat ako ng tingin at bumungad sa harapan ko si Liona. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at mabilis na pinahid ang mga luha ko.

"OMG! What happened to you, Ate Yell? Why are you crying? Sino umaway sa'yo?"

Napahagulgol ako lalo at niyakap siya ng mahigpit.

"He is back. The asshole is back."

"Sino?! Iyong lagi mo bang ikine-kwento sa amin ni Ate Cin? Si Phoenix na manloloko?! OMG! Where is he?! Sisipain ko talaga siya down there para mabaog na siya!"

"I don't know! He just sent me this! This fucking necklace." unti-unting humina ang boses ko at nagbalik na naman sa ala-ala ko ang lahat.

1 month from now and I'll be turning 21 already!

I can't ask for more. I am super contented sa life ko especially having Phoenix beside me.

Kahit wala kaming malinaw na label, I know that we have a special relationship. As the days passed by, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Kahit simpleng effort lang niya ay masaya na ako. Katulad na lang ngayon.

Sabi niya gusto niya akong sorpresahin so he brought me here sa may burol. Sobra iyong kilig ko nang makita ko ang itsura ng lugar.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon