Paalis na si Seki at Kiyota ng marinig nila ang boses ni Rio "Seki, punta na ba kayo kay Rika?", magkasabay lumingon ang couple kung saan nakatayo ang pamangkin ng dalaga na unti unti lumalapit sa kanila "Opo Uncle.." tugon naman ni Seki. Tumango si Rio "Mag sasakyan ba kayo?" umiling si Kiyota "Plano po namin Uncle mag commute na lang po kami". May naalala si Seki na gusto nya ipaalam sa tiyuhin "Uncle nga po pala... ang boys po gusto pumunta sa hide-a-way beach, yung secret place.. Ang plano po is hintayin nila kami ni Kiyota-kun bago pumunta doon" tumawa si Rio "Seki, anak not so secret na kasi alam na nila Hahaha" natawa rin ang couple sa biro ni Rio "pero baka mainip sila dahil mamaya pa kayo makabalik at isa pa wala naman masyado pasyalan sa lugar natin". Sumang ayon ang dalaga "Ayun nga po eh.. Baka po pwede nyo sila ihatid doon mamaya, kung sakali mainip po sila, magkita na lang po kami doon". Sinabi naman ni Rio na naintindihan nya at i assist nya ang boys pagpunta sa malapit na dagat sa kanila, "Alis na po kami Uncle" pag papaalam ni Kiyota ngunit inawat ulit sila ni Rio.
"Bakit po Uncle Rio?" takang tanong ni Kiyota
"Alam ko na after nyo puntahan si Rika ay mamasyal kayo.. Date kumbaga"(Sabay nag blush si Kiyota at Seki)
"Haha, nako pinagdaanan rin namin ni Yuika ang mag date huwag na kayo mahiya sa akin"
"Opo Uncle.. Mamasyal po sana kami ni Kiyota-kun mamaya""Ayan.. ano nga pala, mag commute kayo di'ba?"
"Opo" sabay si Seki at Kiyota na sumagot"Baka gusto nyo gamitin ang bike ngayon araw"
"Bike??"Inulit ni Seki at Kiyota ang word na 'bike' na may pagtataka na expression, hindi alam ng dalaga na may bike sila na vinoice out nya. Ngumiti si Rio "Oo, bike... may bisikleta dito sa bahay ginamit noon ni Rika na kinalaunan ay binigay nya kay Yuika noon, may kalumaan na kaya noon umuwi ako galing abroad ay pina ayos ko agad ito". "Akala ko kotse lang ni Mama ang naiwan nya sa atin.." umiling naman ngayon si Rio "Mahilig ang mama mo mamasyal, Seki.. noon sa bayan natin bisikleta ang ginamit nya mamasyal, ng lumago ang maliit na rice cake business ay nakapundar sya ng sasakyan pinagtulungan nila ng Papa mo.. at ngayon naman na dalaga ka na panahon na para ikaw naman gumamit ng bisikleta ni Rika". Hindi makapagsalita si Seki sa nalaman nya naantig ang kanyang puso sa sinabi ng tiyuhin inakbayan naman sya ni Kiyota at niyakap, hindi nya rin namalayan na may luha na na pumatak sa kanyang mata na pinunasan ng kasintahan gamit ang kanyang daliri.
Gumawi ang tingin nya sa tiyahin ng marinig nya ang boses nito "Seki, iha ito ang bisikleta ni Rika noon, pina repaint and pinaayos ni Uncle Rio mo katulad ng original color nito" lumapit sila kung nasaan ni Yuika katabi nya ang isang bisikleta na color white may color violet rin ito sinuri ito ng dalaga ang upuan para sa angkas ay may cushion may mini backrest pa ito at may basket sa unahan ng bisikleta napansin nya ang ang right handle ay may naka ukit na pangalan ng kanyang ina kulay gold 'Rika'. Nagsimula na sya makaramdam ng urge na umiyak narinig nila ang boses ni Kiyota "Hey... baby, huwag ka na umiyak, ano ba yan wala pa nga tayo kay Mama Rika umiiyak ka na" pagbibiro ng binata kahit ang totoo ay nag aalala ito. Tumawa si Yuika at Seki si Rio ay nakangiti lang "Sorry.. Emotional lang ako". Niyakap ni Yuika ang pamangkin "Aww.. tama si Kiyota-kun, stop crying Seki-chan.." nag nod naman ang dalaga "Sige na umalis na kayo" mula naman kay Rio.
Pinakalma ni Seki ang sarili, si Kiyota naman ay nilagay ang basket sa unahan ng bike may lagayan ito na basket rin bago sumakay ng sasakyan inalis ang suot na jacket at inabot sa kasintahan "I patong mo sa ibabaw ng skirt ng dress mo para hindi ka masilipan". Ngumiti naman ang dalaga tinaggap ito at umupo na sa likod ni Kiyota "Thank you Baby..." humarap sa tiyahin at tiyuhin "Auntie.. Uncle alis na po kami". Humilig si Yuika kay Rio na otomatiko nilagay ang kamay sa likod bandang balakang ng asawa bilang support "Sige.. Mag ingat kayo, pwede pasalubungan nyo rin ako ng Anpan bun?". Nag giggle si Seki may smirk si Kiyota "Okay po Auntie". One last wave from Yuika ay umalis na ang couple patungo sa sementeryo.