2

17 0 0
                                    

2:52 P.M, Wednesday
February 20, 2019

"Miss Villamor, I'll repeat this again," Napabuntong hininga ang matandang Detective na si Joaquintos at napahilamos ang kamay sa mukha bago magtanong muli kay Zyra na nakatulala lang sa walang hanggan.

"What really happened that night at Blueview?"

Halos mag-iisang oras na sila na naka-upo sa interrogation room ng PNP Headquarters at walang pinatutungunan ang kanilang usapan dahil sa mga putol putol na sagot ni Zyra.

"Sir, sinabi ko na po sayo! The girl in red!" Hindi na naiwasan ni Zyra na sigawan ang detective.

Ayaw talaga ni Zyra na pumunta doon at makipag-usap sa mga detective ngunit kinakailangan.

"Miss Villamor, I beg your pardon pero walo kayo sa isa sa mga pinaka-pribadong hotel sa Global City ng araw na iyon at sinasabi mong isang babae lang ang nasa likod ng pagpatay sa iyong mga kaibigan?" Tumaas ang kilay ng detective.

"Oo!" Sigaw na naman ni Zyra at napahikbi sa kalungkutan at confusion. Hindi niya na maintindihan ang mga nararamdaman niya, dahil hindi niya parin matanggap ang katotohanan na wala na ang mga kaibigan niya,

Halos mag-dadalawang linggo na ang nakalipas mula ng nangyari ang insidente sa Blueview. Ayon sa mga report, naimbestigahan na may kung anong sumabog sa kwarto at may ilang kutsilyong pang-kusina ang ginamit sa pagsaksak sa mga biktima. Naitala din sa report na walong tao lang ang nag-sign in sa private penthouse ng araw na iyon at anim ang nasawi at dalawa lamang ang nakaligtas.

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ang lahat dahil sa hindi malaman-laman na katotohanan sa nangyari sa Blueview, dahil ay ang tangi lamang na makakapagsabi ng ganap sa araw na iyon ay ang dalawang natitirang witness na si Ceelyn Binia na ngayo'y wala paring malay sa ospital at si Zyra Villamor na ngayo'y hindi makapagsalita. Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pag-iimbestiga.

Ayon naman sa mga doktor, hindi pa dapat na interogahin ng ganito si Zyra, ngunit dahil sa mga galit, sakit, at sama ng loob ng mga magulang ng nasawi ay gusto nilang agad-agad nang malaman ang totoo para maparusahan ang may sala.

"Bakit ba ayaw niyong maniwala sakin?!" Tumayo si Zyra at dinuro ang detective at ang pulis na katabi nito. "Miss! Sabihin mo sa kanila!" Humarap ito sa nurse na nasa tabi niya.

"Tig..tignan niyo ang CCTV footage sa penthouse!" Turo ni Zyra sa mga opisyal. "For sure, you'll see the truth there!"

"Sorry to inform you but the footages were lost, Miss Villamor. From February 6 to February 7, all the CCTVs at the penthouse stopped working and the footages there resumed playing on February 8." Ani ng pulis. "Even we don't know why was it lost."

"Ano?!" Napahampas na lamang si Zyra sa table, sanhi ng paglaglag ng mga papeles rito.

"Miss Villamor, ikaw lamang ang tanging tao na makakatulong samin sa ngayon." Mariin na sabi ng detective habang inilalayo ni Zyra ang kanyang mga mata sa kanila. "Sa ngayon na hindi parin nagigising ang natitira mong kaibigan."

Napatingin si Zyra, "What? Somebody survived too?" She asked. It was the only part of their conversation na naka-pukaw ng atensyon niya.

"Ceelyn Binia, na nakaconfine ngayon sa St. Luke, the same hospital where you were took in." Sagot ng pulis na nagaayos ng mga papeles na nalaglag mula sa table.

"Cee...ly-" Hindi na naituloy ni Zyra ang sasabihin ng uminda ito ng sakit at napahawak sa sugat niya sa ulo.

Agad naman siyang ininalayan ng nurse na katabi, "Detective...I think that's enough for today. Don't stress out the patient."

Napatango na lamang ang detective at binuksan na ng pulis ang pinto upang sila'y makalabas na.

"Nurse...please take me to Ceelyn." Ani ni Zyra.

Happy Red Celebration Where stories live. Discover now