Chapter 14

633 26 1
                                    

Chapter 14: Mighty Roar

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Oh? What happened? Napakalma mo ba yung bruha?"

"Don't call her bruha, Willow"

As always ay pagtatanggol ni Yugen kay Minzee ang nadatnan ko pero mapang-inis na tawa lang ang isinagot ni Willow sa kanya

Agad naman akong naupo sa tabi nina Aden at Hannah

Halos puno na ang main auditorium at nagsisimula na rin ang MC sa pagpapakilala sa mga kandidato

"What happened to Minzee? Did she calm down a bit?"

Concerned na tanong ni Yugen na nasa likuran ko lang, kaya may naisip akong bagay

"Yeah, she calmed down after I said the magic word"

Taka naman syang napatingin sa akin

"What magic word?"

"Your name" Bulong ko sa kanya

Agad naman syang namula at natahimik bigla sa tabi ni Lincoln

"Seri ano sabi mo kay Yugen? Naging kamatis kasi bigla yung maputi nyang pagmumukha"

Curious na tanong naman ni Lincoln na nasa likuran lang din namin habang kumakain ng popcorn

"Where did you get that popcorn?"

Jeez, para syang manonood ng sine

"Para di ako mainip, ano nga? Ano sinabi mo kay Yugen kanina para mainis ko rin sya ?"

"Nothing that much--"

"Running for president, Easton Balme-roun!"

Halos mabali ang leeg ko ng gulat kong ibinalik ang tingin sa stage kung saan nandun ang lalaking kaway ng kaway sa mga naghihiyawan na mga estudyante

Seriously?

Nakita ko rin ang bahagyang pagsiko sa akin ni Parker na katabi ko lang at parang hindi rin makapaniwala sa nakikita nya

"Bakit bigla kang napatingin Kay Easton Balme-roun nung tinawag sya sa stage?"

Agad kaming naging alerto ni Parker nang may kung sino ang sumingit sa pagitan ng mga upuan namin 

"Crush mo ba sya?"

"The hell you care"

"Wala naman talaga akong pake"

"Nico don't interrupt us like that"

Masungit na sita ni Parker kay Nico

"Tinawag mo ba akong Nico? Close ba tayo?"

Iritang sagot ni Sleepy Weirdo kaya agad kong dinakma ang mukha nya gamit ang isang kamay ko at pilit na tinulak palayo sa amin, mukhang napalakas iyun dahil napabalik sya sa upuan nya at umitsa sa kanya ang kinakain na popcorn ni Lincoln

Pero hindi ko nalang sya pinansin dahil tinawag na ang makalaban ni Easton Balme-roun sa pwesto ng president sa student council

"And from the opponent's team, Jeremiah Balme-roun!"

Kagaya kanina ay nagsigawan ang mga tao lalo na ang kababaihan nang umakyat sa stage ang isa pang Balme-roun

Hindi na ako nagulat pa kung hahabol syang presidente ng council pero si Easton Balme-roun? It would be a disaster

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon