Play music at the cue, if not, you can listen to it on youtube -- Some by Soyu & Junggigo :))
Matapos ang ilang linggo pang pagte-training ng SETSURO at KITSUNE ay dumating na ang huling linggo bago ang all university game na gaganapin sa central city sa kasunod na linggo.
Puspusan ang naging paghahanda ng parehong kupunan at ng iba pang mga kalahok sa laro kabilang ang soccer, archery, martial arts at swimming.
"Woah! Next week na pala yung laban nyo na, no?" pakli ni Yvah
"Don't ever try doing stupid things Cattaleya." ani ni Cyanide na noo'y nakaupo sa upuan nya sa office nila dahil pahinga ng SETSURO ng araw na iyon.
"Pwede cheering squad?"
Wala na lang naging imik si Cyanide kundi ang tapunan lang ito ng tingin. Para namang batang binigyan ng permisong maglaro sa play ground si Yvah dahil sagad ang ngiti nito.
Pinagmasadan naman ni Cyanide ang paligid at biglang tumayo na kinabigla nila Yvah. Kinuha nito sa loob ng bag nya ang isang maliit na bag at nilagay sa mesa ang panali sa buhok na binili nya.
"Yvah, kindly pick a hair from the table, the others too." ani ni Cyanide at lumakad papunta sa pinto
"Kami din ba?" tanong ni Mob
"Bakit Mob, babae ka rin?" tanong ni Malou
"A--ba-babae lang ba?"
"Ay hindi, pati bakla." saad ni Yvah at binilang ang hair tie na nasa mesa
"Nasan yung kay Uoiea--" ani ni Yvah ng tila mapagtanto ang isang bagay at tumingin sa pinto na noo'y nakasara na. Sinundan nya ng tingin si Cyanide na tanaw nya ang paglakad mula sa glass walls ng opisina nila.
Tila naman may hinahanap si Cyanide habang naglalakad sya sa hallway ng school. Nakita naman sya ni Astrea ng mapadaan ito sa gym kung saan sila nandun.
Hellion. Sagi sa isip ni Astrea.
"Astrea, FOCUS!" sigaw ni Astril
"A-- opo!"
Nang marating ni Cyanide ang field ay nakita nito ang taong hinahanap nya, nakayuko ito.
UOIEA TADASHI
Pagpasok ko sa university ngayong araw, hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko, wala naman akong sakit pero feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko.
Siguro dahil sa tawag na natanggap namin ngayong umaga-- nasa vet hospital kasi si Ashu, yung alaga naming St. Bernard, pero kaninang madaling araw pumanaw na raw si Ashu sabi ni tito. S'ya kasi ang vet ni Ashu.
Napamahal na sakin si Ashu, regalo pa sya nila lolo sa akin nung high school ako. Madalas nya rin akong salubungin kapag umuuwi ako, pero nung nag seven years old na sya, nagkasakit sya, cancer daw ng mga aso yung sakit nya, nakalimutan ko namang itanong. Balak nila mommy na magdaos ng funeral kay Ashu matapos ayusin ang ilang bagay. Hindi naman ako pwedeng lumiban kasi malapit na ang laban ng university.
Tapos namatay pa yung paborito kong character sa anime na pinapanood ko, hindi lang yun, 'to be continued' pa ang nakalagay.
Nagpaalam ako kay ate Zylaine na magpapahangin sandali, pero ang totoo, balak ko na mawala yung sakit sa dibdib ko. Ayokong mag-alala si Yvah sakin, madali pa man ding malungkot yun kahit na napaka-masayahin nya. Tapos si Cyanide naman, ayokong makita nya na malungkot ako, daig pa naman nun yung mga psychometrician sa guidance. Para syang male version nung nabasa kong story nung high school ako kaso nalimutan ko na nga lang din ang title.
BINABASA MO ANG
Captured By His Indifference [Completed]
RomanceHe is Mysterious. Like how his name is given to him. He is both a poison and a light. A man out of ordinary. A man within a league. She is just a simple girl, trying her best to be a volleyball player and earn a scholarship by being a varsity player...