Himala 'raw ako sabi ng magulang ko. Inaasahan na kasi nila na mahirap talagang magkaanak sa sitwasyon ni nanay, alam na nilang himala kung magkaanak sila. Kaya pinangalan sakin ay “Miracle Anezze Buenaflor"
Lahat sakin ay himala 'raw sabi ni nanay. Nagkasakit kasi ako noon ng brain tumor pero agad din akong gumaling noon. May hika rin ako namana ko kay tatay.
Lagi nilang sinasabi na puro daw ako himala pero bakit hindi magkaroon ng himala na magustuhan ako ng mahal ko? Hanggang kailan ako magmamakaawa sa atensyon nya?
-
“Anak, may pag asa ba sa inyo ni Noren? Ang tagal mo ng pinapadalhan ng sulat at mga tsokalate yon pero wala pa rin akong naririnig na nagkakamabutihan kayo."“Nanay, hindi naman po ako nagmamadaling mapansin nya. Hayaan nyo 'nay sa susunod dadalhin ko na 'yon rito at ipapakilala ko sa inyo ni tatay."
“Kung sagutin mo nalang kaya si Thomas anak? Matipuno at maginoo naman ang batang 'yon." Hay naku si tatay talaga pinipilit na naman ako kay Thomas.
“Hindi ko po tipo si Thomas 'tay, basagulero pa ang taong 'yon kung alam nyo lang 'tay ang ginagawa nya sa labas."
“Ikaw pa rin ang bahala anak, natatakot lang ako at baka saktan ka nyang si Noren."
“Natural lang naman po 'tay na masaktan sa pag ibig."
“Hay naku, sige na anak. May pasok ka pa, ihahatid na kita."
“Sige po 'tay."
Hinatid na ko ni tatay gamit ang tricycle nya, may mga kaibigan ako sa school namin, alam ko ring hindi sila lahat totoo sakin. Alam kong may mga galit sakin ang iba kong kaklase at kaibigan pero hindi ko nalang pinapansin yon.
Mabilis rin kaming nakarating ni tatay sa school, wala naman traffic sa daan. Maaga pa naman. College student na'ko, sa private school rin ako pumapasok. Hindi kami mayaman, may kaya lang kami. Simple lang rin ang pamumuhay namin.
Akala ng lahat ay mahirap lang kami, akala rin nila ay scholar ako kahit wala naman akong sinabing ganon noon. Namisinterpret kasi noon ng teacher ko ako. Nakita nya kasi kami noon na naka tricycle kami bumaba. May scholar din daw kasing papasok noon. Hindi ko na naitanggi kase hindi naman na'ko hinayaan ng teacher ko na magsalita.
Nalaman din naman ng mga teacher at kaklase ko kalaunan na hindi ako yung scholar kundi yung isa kong kaklase na babae. Naging close rin kami ni Lerenze, renze ang madalas na tawag ko sa kan'ya. Mabait si Renze may pagkamaldita lang, tahimik rin sya.
Kilala rin sa school si Renze bukod sa lagi syang sumasali sa contest dahil nga sa matalino sya, ex ni Renze si Blue. Kilala si Blue sa buong school at wala akong pakeelam don, jk.
Kabanda ni Blue si Noren, si Noren ang natitipuhan ko. Bukod sa gwapo ay matalino, maginoo rin sya na hinahanap ng lahat ng babae. Maginoo sya pero hindi nya ko pinapansin o siguro ay hindi nya lang talaga napapansin yung binibigay kong sulat linggo linggo o yung tsokalate ko kada buwan.
Crush na crush ko si Noren pero ang alam ko ay may nililigawan na sya, may nakapagsabi sakin na si Lerenze yon pero hindi ko na pinansin yon. Imposible naman ata na magustuhan ni Noren si Lerenze pero sa tingin ko nga ay totoo yon.
Kitang kita ng dalawang mata ko ngayon na magkasama si Noren at Lerenze. Nasa iisang table lang sila sa may Cafeteria namin. Marapat na tigilan ko na nga siguro si Noren. Ayokong mag away kaming magkaibigan ng dahil lamang sa lalaki lalo na't mukhang sya naman ang natitipuhan ng taong gusto ko.
Ang hirap makipagkompitensya sa taong mahal talaga. Siguro ay pagbibigyan ko nalang ang manliligaw ko na si Thomas tutal sya naman ang nagtiyaga na manligaw sakin.
“Anezze? Sama ka samin sa may Cafeteria? Nandoon ata si Lerenze kasama yung manliligaw nya si Noren."
“Sa susunod nalang Bianca, wala akong gana ngayon."
“Himala ata na hindi ka sasama, sa bagay Miracle nga pala ang pangalan mo, puno ka kasi talaga ata ng himala." Tumawa pa talaga ng malakas ang gaga.
“Naku manahimik ka Bianca, pumunta ka nalang ng Cafeteria, bili mo nalang akong Royal don."
“Oo na, Anezze. Sige, una na ko."
“Oo, sige."
Walang nakakaalam na may gusto ako kay Noren bukod sa magulang ko o siguro alam rin ni Noren.
“May gusto ka sa kan'ya 'no?" Napaigtad ako sa sobrang gulat ng may bumulong sakin.
“Shuta ka Thomas akala ko kung sino. Sinong gusto ka dyan, wala naman akong gusto." Napakachismoso talaga.
“Naku kilala na kita Anezze alam kong may gusto ka kay Noren, kaya hindi mo ko sinasagot. Sa pogi kong 'to lahat ng liligawan ko sasagutin agad ako."
“Gago, kahit wala akong gusto kay Noren hindi pa rin kita sasagutin."
“O diba, inamin mo rin. Hinuhuli lang kita, nagpahuli ka naman."
“Alam mo narealize ko na baka nga hindi talaga kita gusto, siguro naattract lang ako kase matalino ka at maganda. Unti unti kong narealize yon."
“Sabi na e, pakiramdam ko pa noon na baka nga hindi mo talaga ko gusto."
“Pogi si Noren, pero mas pogi ako. Aasa ka pa rin ba sa kan'ya gayong alam mo ng may iba na syang gusto at nililigawan pa."
“Shempre titigilan na. Alam mo matino ka rin palang kausap paminsan minsan akala ko puro ka nalang kalokohan."
“Gan'to talaga kapag gwapo."
“Oo nalang, sige, mauna na ko sa klase ko."
“Sige." Alam kong may lungkot sa mata nya pero hindi ko na yon pinansin at pumunta na sa klase ko.
Nasa may Hardin kami kanina, doon ako madalas nakatambay. Hindi ko alam na pumupunta pala sya don paminsan minsan.
“Anezze, pwede ka ba sa biyernes? Club daw 8 o'clock daw, ano g ka ba?"
“Oo Rihanna, pwede yan. Gagawan ko ng paraan."
“Sige, sunduin ba kita sa inyo? Text ko nalang kung saang club a."
“Hindi, wag mo na kong sunduin, kaya ko na yon."
“Sige, magkagrupo nga pala tayo don sa project a. Baka samin nalang din daw ganapin, bukas yon." Mabait si Rihanna pero may pagkamaldita rin, madalas din kaming magclub nyan.
“Sige sige."
“Sige, alis na ko."
Natapos ang araw na hindi ko kinakausap si Lerenze, naaalala ko yung pagkain nilang dalawa ni Noren sa may Cafeteria kanina, ayoko ng maalala. Hinatid rin ako ni Thomas, sabi ko kanina wag na pero talagang mapilit yung isa.
Alam kong may mali kanina pa kay Thomas na hindi ko malaman pero pinagsawalang bahala ko nalang yon. Baka may problema lang sya sa bahay nila o baka sa kaibigan ganon, ayoko ng manghimasok pa at baka isipin nyang nagugustuhan ko sya mahirap na, ayokong magbigay ng maling akala sa tao.
BINABASA MO ANG
It's A Miracle
RomanceLagi nilang sinasabi na puro daw ako himala pero bakit hindi magkaroon ng himala na magustuhan ako ng mahal ko? Hanggang kailan ako magmamakaawa sa atensyon nya? Confused Series #2