"Limang araw nang nawawala si Kristen Buenafuerte magmula nang magpaalam ito na papasyal lamang sa mall. Nang imbestigahan ng mga pulisya ang CCTV footage, may mga nawawalang clip na hinihinalang magpapakita kung paano ito dinakip at kung sino ang gumawa niyon. Handang gantimpalaan ni Atty. Alberto Buenafuerte, ang ama ng nawawalang dilag, ng limampung libong piso ang kung sino mang makakapagturo kung nasaan ang anak nito."Pinatay ko kaagad ang telebisyon matapos marinig ang balita. Tatlong linggo pa lang ang nakakalipas at mayroon na namang panibagong kaso.
Tumungo ako sa pader ng aking kwarto kung saan maraming litrato ang nakadikit. Ang nasa gitna ay si Allison Forester, isa sa anak ng alkalde ng siyudad na ito.
Nabalita rin noon ang pagkawala niya. May napagtanungan akong malapit niyang kaibigan na nagsabi sa akin na may kikitain si Allison na lalaki.
Nagdako naman ang tingin ko sa mga litrato sa tabi niya. Pinapakita nito ang kinahinatnan niya noong nakaraang tatlong linggo. Punit-punit ang kasuotan, nasa paahan ang panty, at may tamo ng saksak sa puso.
Hinala ko na si Zendrick Javier ang may sala dahil tanda ko na sa kanya ang hikaw na natagpuan ko sa kamay ng bangkay ni Allison. May litrato niya kasi ako dahil mas nauna siyang nawala.
Kinabukasan, nabalitaan naming nakauwi na si Zendrick sa kanila. Duguan ang damit nito maging ang kanyang kaliwang tainga. Nakumpirmi na ang dugo sa damit niya ay kay Allison at ang hikaw na natagpuan ay kanya. Tumugma rin sa kanya ang mga naiwang finger prints sa katawan ni Allison.
Nung tinanong namin si Zendrick, ipinaggigiit nito na hindi siya ang gumawa niyon. Hindi raw niya gusto si Allison kaya bakit niya namang babalakin na i-rape ito.
Dumaan sa trial ang kaso nila. Nung araw na iyon, may sumabog na post sa social media. Pinakita nito ang mga messages ni Allison kay Zendrick. Halatang may gusto ang dilag sa kanya. May mga videos ding nagpapakita na nilalandi ni Allison si Zendrick pero lumalayo naman ang binata. Dito nakumpirmi na totoo nga ang pahayag ni Zendrick.
Pero dahil marami pa ring ebidensya laban sa kanya, kinulong pa rin ito. Higit na nadismaya ang mga Javier at ipinagpipilitan nilang na-frame lamang ang anak nila. Ang mga taong sumusuporta sa pamilya nila ay ipinagsisigawan na dapat lang ang nangyari kay Allison dahil malandi siya.
May nahanap din akong papel sa bulsa ni Allison. Ang sabi nito ay, "Nagsisimula pa lang palabas". Totoo kayang na-frame lang si Zendrick?
Natigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag si Kapitan Ynarez kaya sinagot ko kaagad.
"Detective Alversa, pumunta ka ngayon din sa mansyon ng mga Buenafuerte. Natagpuang patay si Atty. Buenafuerte sa kanyang opisina."
May namatay na naman?
Agad-agad akong napatakbo sa kotse ko para bumyahe papunta roon. Nang makarating na ko, may mga pulis at mamamahayag sa labas ng mansyon. Pinakita ko lamang ang aking badge at saka ako hinayaang makapasok.
Ang kapansin-pansin agad doon ay yung nakasulat sa pader na, "Patay na ang hustisya" gamit ang dugo. Sa ibaba naman nito ay ang bangkay ni Atty. Buenafuerte na may nakasaksak na kutsilyo sa likod.
Ginala ko ang tingin sa paligid at sakto, may CCTV camera na nakatutok sa kinaroroonan namin. Pinanood namin ang footage at di namin inaakala na makikita roon si Kristen. Tila may pinag-uusapang malalim ang dalawa. Pagkatapos, nagyakapan na sila. Kitang-kita na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kristen. May kinuha itong kutsilyo at saka sinaksak sa likod ang ama.
Bigla kaming naalerto nang matapos iyon. "Hanapin agad natin si Kristen Buenafuerte. Bilis!"
Ang iba ay sinuyod ang ibang bahagi ng mansyon samantalang kami ay sa labas naghanap.
BINABASA MO ANG
Ang Ganti Ng Nakaraan
Mystery / ThrillerPatuloy na nababalitang may nawawala at namamatay sa siyudad nila. Kahit na may mga ebidensya na may nagtuturo sa may sala, hindi pa rin nakokontento si Detective Kael Alversa sa nagiging resulta. May kung anong misteryo pa rin ang bumabalot kahit n...