Chapter 57- Liwanag sa Dilim

129 4 0
                                    

Perspektibo ni Teresita
-----------

Napakadilim sa Joaquin Robles Road. Walang mga ilaw, wala ring mga bahay. Napakadilim, sana ay dadating ako sa oras. Kailangan kong tapusin 'to. Kailangan kong ayusin'to.

Para akong batang naliligaw sa kalagitnaan ng gabi. Hindi ko na rin alam kung saan ako patungo. Kung makakalabas pa ba at muling makita ang mga nag-iilaw na gusali sa bayan.

Napakadilim sa Joaquin Robles Road. Sobrang dilim...

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari at kung ano ang aking gagawin kung sakali.

Hindi ko pa rin maintindihan kung paano o bakit ako napasok sa sitwasyon na ito.

Pero bigla akong natandaan. Ah...oo, natatandaan ko na.

----------

Wala pa rin akong ganang pumasok sa trabaho matapos mangyari ang lahat noong nakaraang linggo. Ang parehong linggo kung saan ay naka-sick leave ako—dahilan kung bakit hindi na ako pwedeng umabsent at walang magawa kundi pumasok para sa araw na ito. Tawag ng tawag sa akin si Sameer ngunit hindi ko siya sinasagot. Ewan, wala akong gana sa lahat. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Audrey ng dahil sa ginawa siya sa akin nu'ng kamakailan lang. Iniwasan ko na siya magmula noon at ganoon din naman siguro ang ginagawa niya.

Umalis muna ako sa front desk at pumunta na muna saglit sa smoking area. May ilang mga empleyado ang naroon. Doon muna ako tumambay saglit habang hindi pa nagsisimula ang trabaho.

Tawag ng tawag pa rin si Sameer, at gaya noong una ay hindi ko pa rin ito sinasagot.

Hindi nagtagal ay bumalik na ako sa loob ng opisina upang makapag-umpisa na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At nakalimutan ko, magkatabi nga pala kami ni Audrey ng puwesto. Nahahagilap ko paminsan-minsan ang pagsulyap niya sa akin ngunit umiiwas naman siya sa tuwing napapalingon ako sa kanya. Para bang may nais siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya magawa. Malamang kami na ang center of attraction ng mga ka-officemate namin dahil usually, kaming dalawa ang pinakamaingay at masayahin lalo na pag tuwing break. Malamang pinag-uusapan na rin kami ng mga 'to.

Maya-maya pa ay may lalaking umupo sa harapan ng desk ko. May ka-edaran na rin ito. Akala ko nga si Papa dahil medyo pareho sila ng pigura maging sa hawi ng buhok. Nginitian niya ako at ginantihan ko rin siya pabalik at binati kahit na wala talaga akong ganang magtrabaho.

"Good morning, Sir. How can I help you, po?" Bati ko pa sa kanya.

"Good morning din, Miss. Nais ko sanang magloan ng two million pesos. Nagpapatayo kasi kami ng isang simbahan. Lumalago na kasi ang mga myembro ng congregation at kailangan nang magkaroon ng lugar kung saan kami magtitipon-tipon. Ang kaso, medyo nakulangan na kami sa budget eh." Sagot pa nito sa akin.

"Ganoon po ba, Sir? Okay, po. Bale ganito po ang gagawin natin, fifillup-an po ninyo itong mga papers na to, tapos..." Pagpapatuloy ko pa. Binigyan ko siya ng mga papeles at iba pang mga forms, na kanyang kakailanganin upang maiproseso ang kanyang paglo-loan.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagtatrabaho na parang isang ordinaryong araw lamang ito ng buhay ko. Na parang ordinaryo pa rin ito...

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon