Xyriel POV
.
Aish, mas gwapo pala si Kobe kapag malapitan oh.
.
Napatingin lang ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si..
.
"Ayn?" Nasabi ko.
.
"Tara na, iuuwi na kita." Sabi niya.
.
"Ano? Iuuwi? Ayoko. Hindi pa nga natatapos ang class natin, at tsaka diba, di ka naman naniniwala sakin?" Sabi ko.
.
"Mabuti pa nga Xyriel, umuwi ka na muna." Sabi ni Kobe.
.
"Ano? Ayoko." Sabi ko.
.
Tss. Gusto pa nga kita makasama eh, joke lang haha.
.
Ang totoo niyan, natatakot ako Kay dad kapag nakita niya ang pasa ko. At tsaka, ayoko munang makasama si Ayn 'no?
.
"Tara na Xy, wag ng makulit." Sabi ni Ayn.
.
"Ikaw ang wag makulit." Sabi ko.
.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko tapos pinipilit niya akong itayo. Pero wala eh. Nagmamatigas ako..
.
"Kung Hindi ka pa tatayo diyan, bubuhatin na talaga kita diyan." Sabi niya.
.
"Kung kaya mo." Sabi ko.
.
Binitawan niya nga ang kamay ko at omo! Ginawa nga niya yung sinabi niya. Binuhat niya nga ako na parang yung bagong kasal..
.
"Ayn! Ibaba mo nga ako!" Sabi ko habang pinaghahampas ko siya..
.
Pero di na niya ako pinansin, lumakad na siya palabas ng rooftop..
.
Hanggang makarating kami sa may mga estudyante ng part ng building namin.. Buhat-buhat pa din ako ni Ayn..
.
Nakakahiya nga eh. Punagtitinginan kami, siyempre Hindi mawawala yung hiyawan, bulungan at may kinikilig na Ewan..
.
Kaya ang ginawa ko, nilagay ko na lang ang dalawang kamay ko sa likod ng leeg niya at tinago ko na lang ang mukha ko sa balikat niya..
.
"Ayn, lagot ka sakin mamaya." Mahinang sabi ko sa kanya.
.
Namalayan ko namalayan ko na lang na, sinakay na niya ako sa kotse at umikot siya sa kabila para sumakay..
.
"Manong sa park po." Sabi niya sa driver nila.
.
"Sa park? Kala ko ba sa bahay." Sabi ko pero di na niya ako pinansin..
.
Lokong Ayn 'to ah. Binuhat-buhat niya ako tapos pagdating dito di na niya ako pinansin?
.
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Roman pour Adolescentslucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015