Hinila nila Joel at Donatello ang mga kadena upang mabuksan nila ang malaking pinto sa lupa.
Naaninagan ni John ang hagdan na gawa sa semento at bato pababa sa madilim na kawalan.
Kumuha si Father Garces ng mga flashlight at gasera.
"... Papasok ba kami dito!?"
Nakaramdan ng takot si John ng alam niyang baba sila sa tila hagdan papuntang impyerno.
Tumingin ang binata sa pinto palabas sa storage room.
Nagdadalawang isip siyang sumama sa pagbaba at naisipan umatras na.
Nang may humawak sa kanyang balikat.
Paglingon niya sa kanyang likuran ay kamay pala ito ng kanyang guro na si Joel.
Samantala noong tumingin siya sa kaliwa ay nakita niya na naghuhugas ng braso si Donatello.
Inaalis nito ang mga lupa na nagmarka sa kanyang braso noong alisin nila ang tibak ng semento na nakaharang sa nakatagong pinto.
Nang matapos ay inabutan sila ni Father Garces ng tig iisang flash light.
Habang nauna bumaba ang matanda dala dala ang gasera.
Kabisado na ng punong maestro ang bawat hakbang patunay na kung maka ilan ulit na siyang nag akyat panaog dito.
Iniabot naman si John kay Donatello para bumaba.
Hawak sa kanyang balikat inalalayan ni Don si John bumaba sa matarik na hagdan.
Habang si Joel ay ang sumunod na naglinis ng dumi sa katawan.
Pag baba sa lupa biglang lumiwag ang kapaligiran.
Binuksan na pala ni Father Garces ang switch sa kuryente.
"Ito ay bodega ay ginagawa ng mga Pari noon pang panahon ng kastilla."
Sambit ng matanda kay John.
"..Bodega"
May tunong na pang aalinlaangan sabi ni John dahil di siya naniniwala na ginawa ito upang maging isang bodega.
"Mga franciscano gumawa nito"
Galing ang boses sa itaas.
"ito ay pinagtibay ng mga pari noong panahon ng hapon upang maging bomb shelter noon world war 2."
habang pababa ng hagdanan at pinupunasan ni Joel ng twarya ang tubig sa katawan.
Narinig naman niya ang tunog nang nag uuntugang mga bakal.
Tinatanggal pala ni Father Garces ang isang lock sa malaking pinto.
Tulad ng nauna ito ay napaka bigat kaya kailangan ng dalawang malalakas na tao upang ito ay mabuksan.
Bumunwag sa binata ang tila isang tunnel.
Kinuha ni Joel ang hawak hawak na flashlight ni John.
"Di mo na kailangan niyan."
At iniabot sa matanda.
Naglakad patungon dulo ng tunnel ang apat hanggang sa marating nila ang kuwarto parang kulungan.
Tulad nang nauna naka kandado ito kaya sinusian ito ni Father Garces.
Nang tangkang bubuksan na ito ng matanda ay sabay naman hinawakan ng mahigpit ni Donatello ang magkabilang balikat ni John.
parang pinipigilan nito na gumalaw ang binatang seminerista.
Umalingasaw ang malansang amoy na nasa loob.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
TerrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...