CHAPTER 17: RAID

9 0 0
                                    

HILL (YATE) POV:

Hawak hawak namin ang mga pagkain. Sa likod ng Gym kami dumaan para mas mabilis naming maihatid ang mga kakainin para sa celebration. Napahinto kami sa pagpasok at nagulat dahil naroon ang PG.

"Anong kailangan niyo?" Kaswal kong tanong sa kanila.

"Kailangan namin?--" tumawa Ito "Well! Well! I just need the phone!" Tinignan niya kami ng masama.

"At bakit naman namin ibibigay sa inyo ang pagmamayari ng paaralan? Binigay ito sa amin, bakit ibibigay sa inyo?" inilapag namin ang mga pagkain sa lamesa.

"Hindi kayo madala sa usapan ha. Give it to us or kami mismo ang kukuha niyan sa inyo." hindi kami gumalaw sa pwesto namin. Nanatili kaming nakatayo. Sinenyasan niya yung mga kasama niya na palibutan kami.

"Mga hudas kayo!" Alam kong mas mahina kami kumpara sa kanila dahil wala kaming laban sa lakas nila.

"Bitawan niyoko!" Sigaw ni Cy ngunit sinipa lamang siya ng isa sa mga PG. Sinipa siya sa tiyan at pinadapa sa malamig na sahig habang hawak hawak nila ang dalawa niyang kamay sa likod.

"Bitawan niyo mga kaibigan ko." Sigaw ko sa kanila.

"Kaibigan? Ha?! Dito sa paaralang hindi niyo kilala ang kalaban? Tignan natin kung saan aabot yang kaibigan na sinasabi mo!" Natatawang niyang sabi.

"Kilala na namin ang kalaban at kayo yun!" sigaw ko.

"Sa tingin mo ba? Nagiisa kami?" Mapakla itong tumawa.

"What do you mean?" Sabi ni Ella.

"Sa tingin mo ba, kikilos kami ng walang kasama. Bobo ka ba?" nakangising ani niya.

"Anong binabalak niyo? Mga walang hiya kayo!" Sigaw ni Aya sa kanila ngunit hindi sila nagsalita.

Sinipa nila kami at sinuntok at kung ano ano pa. Halos mapaubo na kami. Napahiga na lamang kami sa sahig dahil sa kahinaan at sakit ng katawan hindi lang iyon ang ginawa nila sa amin binuhusan pa nila kami ng malamig na tubig bago sila umalis.

Nakahiga kami sa sahig na nakakuyom ang mga kamao at nakatingin ng masama sa kanila. Umiiyak yung iba naming kasama. Ang tanga kong lider. Napakahina ko! Hindi ko man lang kayang ipagligtas mga kasama ko. Naiiyak kong tinignan yung mga kasama ko.

"Patawad, napakahina kong tao. Wala man lang akong magawa para iligtas kayo. Wala man lang akong magawa para ipaglaban kayo. I'm sorry. Wala man lang akong magawa bilang isang lider niyo."

"Bakla! Pareparehas tayong mahina rito. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi naman porke ikaw ang lider aakuhin mo na lahat ng responsibilidad. May responsibilidad rin kami bilang kagrupo mo. Masaya nga ako eh at nasisiguro akong hindi lang ako lahat kami ay tinuturing mong kaibigan kahit na ganun ugali namin kaibigan parin turing mo samin." Sabi ni Aya.

"Walang namang taong nagsisimulang malakas agad eh. Pagdadaanan niya muna yung hirap bago siya maging malakas. Before you go the top you need to experience and endure the pain and suffering." Pinatong ni Zey Zey ang kanyang kamay sa aking balikat. Natauhan ako dahil don.

"Stand my dear friends and let's get strong together." Ngumiti sila at pinilit na tumayo. Inalalayan nila yung mga kasama naming hindi masyadong makatayo. Naglakad kami kahit na masakit ang katawan namin. Dumiretso kami sa dorm upang palitan yung mga damit namin.

I don't think na pupunta pa kami sa party sa ganong kalagayan namin.

"Sayang yung pagkain hindi man lang ako nakakain. May matitira naman siguro doon diba?" Tumawa kami sa sinabi ni Zey zey at tumango.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now