2: Tell

4.7K 159 1
                                    

:



Tulala ako sa upuan ko habang sila Angela at Zoe ay panay pa rin ang kwentuhan tungkol sa nangyari kanina. Tuwang tuwa sila sa ginawa nila. Boses nila ang naghahari sa classroom.


"Goodness, Ange. That was hell of a show! Gusto ko talaga 'yung part na tinulak mo siya at tinapunan ng juice! That nerd! How lame!" Zoe exclaimed.


"I know right!" Angela replied. Nag apir pa sila.


Napahilot na lang ako sa sentido ko at huminga nang malalim.


Bumukas ang pinto maya-maya. Umayos ako ng upo nang biglang dumating si Sir Chaves at nakasunod sa likod si Kio. Nakasuot na lang siya ng plain white t-shirt ngayon at nakasukbit sa dalawang balikat ang bag. Tulad din kanina ay nakaharang ang bangs niya sa kan'yang mga mata kaya hindi ko iyon makita.


Nagulat ako dahil sa section nga talaga namin siya mapupunta. Natatakot ako para sa kan'ya dahil baka lalo lang siyang ma-bully dito.


"Good morning, class." Bati ni ng Prof namin. "I want you to meet the newest student here at Agnes High School." Binalingan niya ng tingin si Kio. "Introduce your self, Mr. Montes."


Ni hindi kumibot ang lalaki. He just cleared his throat and said, "I'm Kio Montes." His cold voice uttered.


Nakatingin lang sa kan'ya si Sir Chaves na parang hinihintay pa siyang magsalita.


"Is that it?" He asked and Kio just nodded.


"Alright. He's from Letran College in Manila, by the way." Habol ni Sir Chaves.


Brix suddenly burst a laugh.


Oh, how could I forget that this section is full of bullies. Highest section 'to pero pang lower ang ugali ng mga estudyante. Pera pera lang talaga.


"E bakit nandito sa Cavite?" Brix asked. Laughing.


"Baka na kick out!" Jhenson butt in.


"Walang pang tuition fee!" Angela, as expected, joined.


"Stop it, Mr. Cruz, Mr. Balyerte at ikaw Angela." Saway ng teacher. "He's a transferee, dapat ay pinapakitaan n'yo siya ng magandang asal at pinaparamdam sa kan'ya na tamang school ang pinuntahan niya!"


"Well, he's definitely gone in the wrong school. Hindi siya welcome rito. Simply because he's a nerd!" Zoe shouted.


Napailing na lang si Sir Chaves at nagsimula nang magturo. May tinuro siyang upuan kung saan pupwesto si Kio.


Lumakad na at naupo si Kio sa pinakalikod at dulong upuan. Apat na row ang upuan at nasa pangalawa ako.


Hindi ko alam sa sarili ko pero kada may ipapakuhang papel o notebook ang subject teacher namin ay pasimple akong tumitingin sa kan'ya. I'm so curious and... concerned.


Kabago-bago lang pero nararanasan na agad niya ay kalupitan ng mga estudyante rito. Letran is such a good school so I wonder bakit pa siya lumipat dito.


•••


Pagkatapos ng class ay naisipan ko munang dumaan sa library bago umuwi. May hiniram akong aklat at balak ko nang ibalik iyon ngayon dahil tapos na rin naman ako.


Pagpasok ko sa library ay dumaretso ako kay Ms. Ramos. The librarian.


"Here is the Newton's book I borrowed, Ms. Ramos." I smiled at her.


My Boss is the Nerd I RejectedWhere stories live. Discover now