:
Nag angat siya ng tingin sa akin. Seconds past, he scoffed and walked away.
Ako nama'y naiwan lang dito nang nakatulala. Still processing what he said. At tulad nang lagi kong nararamdaman, naguilty ako dahil sa ginawa ng mga 'kaibigan' ko sa kan'ya.
Saglit pa akong nag isip saka pumasok sa loob dahil nilalamok na 'ko. Sakto at naghahanda na rin paalis sina Mommy at Daddy. They are sitting on the couch with Lims.
"Ran have grown as a pretty and composed lady, isn't she?" Ngumiti sa akin si Mr. Lim.
"Oo nga. Ang bilis talaga ng panahon." Mom chuckled.
Mr. Lim turned to me again. "Do you wanna be a lawyer too, just like your Dad, iha?" Mr. Lim asked.
Umiling naman ako na ikinatawa ni Daddy.
"I don't pressure her, Henry. Kung ano ang gusto niya ay suportado ko siya. Besides, ayoko rin siyang mapunta sa gano'ng field." Dad said.
Mr. Lik nodded. "Sabagay. But I bet you like business, iha?" He asked again.
"Opo," I answered.
Sandali pa silang nagkwetuhan hanggang sa may tinawag si Mr. Lim.
"Kio! Nariyan ka pala. Come here," He waved his hand.
Lumapit naman si Kio kay Mr. Lim. "By the way, Carlos." He tapped my Dad's shoulder. "He's Kio. He's my best friend's son. But, unexpected things happened kaya sa akin na napunta ang bata na 'to." Inakbayan niya si Kio na as usual, nakayuko. Mas natatabunan tuloy ng buhok niya ang mga mata niya. May salamin na tapos mahaba pa ang buhok. Ayaw ba niyang ipakita ang buong mukha niya?
"He look smart and good kid." Mom complimented.
Mr. Lim chuckled. "Yes, he really is. Tingin ko magkakasundo sila ni Ran. Anti-social ang bata na ito, e." He looked at me. "And pwede ba, Ran? Accompany him sometimes."
Ngumiwi ako. "Actually po, we're classmates."
"Oh, I forgot! I enrolled him in the same school!" Mrs. Lim laughed.
"That's good. Finally, magkakaroon na rin ng kaibigan 'tong si Kio."
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan bago umuwi. We got home at almost 10 pm. Bumagsak agad ako sa kama at tinamad nang magpalit ng damit.
Kinabukasan, alas siyete na 'ko nagising kaya na-late ako. Hindi naman ako ginising ni Mommy dahil kahit siya, late rin nang gumising.
•••
"Bakit ang panget nito?!" Nasa harap pa lang ako ng room ay rinig na rinig ko na ang boses ni Angela.
"I-iyan lang ang nakayanan ko. Ginawa ko rin kasi 'yung sa akin kaya... medyo nahirapan na 'kong mag isip pa ulit nang idea." Nicole said. Almost crying.
Angela rolled her eyes. "Sa 'yo ang ganda, tapos sa akin parang kinder ang gumawa!"
"Edi sana ikaw na lang ang gumawa kung hindi mo gusto 'yan," Sagot ni Nicole.
"Aba talagang sumasagot ka pa?" Angela closed the distance between her and Nicole then threw the portfolio in her face.
Nagsinghapan ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ni Angela. Hindi na rin ako nakapagpigil at nagmadaling lumapit at hinawakan ang braso ni Nicole para ilayo sa kan'ya.
YOU ARE READING
My Boss is the Nerd I Rejected
RomanceWarning⚠: UNEDITED. EXPECT SO MANY TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Ran Valiente got herself into most badass group in her school. She's too scared to be alone so even though Angela a...