~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
After our break up, I realized na he's not worth my tears. Sabi nga nila 'Don’t cry because it’s over, smile because it happened.'
Kaya magpapakatatag ako, para sa sarili ko. Umuwi ako ng bahay na mugto ang mga mata ko. Ang sakit sakit, kung meron lang mas matindi pa sa word na masakit, yun yung nararamdaman ko ngayon.
Pero narealize ko okay lang na nakipag-break siya sakin, balak ko narin kasing makipagbreak sa kanya nun eh. Haha. Syempre joke lang, mahal ko bago makikipagbreak ako? Tanga niya lang.
Kaya I decided na, para makapagmove on ako, kailangan kong umiwas sa kanya, sa lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya.
Kinabukasan, after our breakup, I called my parents na nasa Singapore for their business, I told them that I will transfer to a different school this coming school year. Pumayag naman sila agad, syempre only daughter ako, kaya mahal na mahal ako ng parents ko.
I decided to transfer sa Heritage Academy, isa itong dormitory school. Siguro okay narin to, para mas madaling makalimutan ko siya, classmate ko kase siya noon sa dati kong school. Next next week na ang pasukan kaya nire-ready ko narin ang sarili ko.
Pinasama ko narin si Yanna sakin, pinsan-slash-bestfriends forever ko yan. So, may kasama ako sa school na papasukan ko, at sa pagmo-move on ko. Alam narin ni Yanna ang nangyari sa amin ni bwisit. Kilala niyo naman siguro yung bwisit noh? Si ex.
Nagpakuha ako kay yaya ng malamig na tubig, aba'y binigay sakin tubig na may yelo pa. Nalungkot tuloy ako bigla, The 'yelo', he reminds me of Ice kase. Whaaaat?! Nasabi ko ang pangalan niya? Syempre, Hana Samantha Pierro! Be better, not bitter.
I decided to call Yanna, "Hey bruha, how are you?" Ganda bang pambungad yun?
"Hoy bakla, ikaw ang dapat sabihan ko ng how are you nuh! Osya, kamusta ka na ngayon?"
"Eto, trying to move on ang peg. Bes, thankyou talaga at pumayag ka na samahan ako sa Heritage ha!" Dami ba naming tawagan sa isa't-isa? Bruha, bakla, bes, at marami pang iba.
"Aba, syempre ako si Yanna Ford, your ever beautiful and loving bestfriend at pinsan na di ka iiwanan forever." Awww. :>
"Na-touch naman ako sa sinabi mo Yanna, kaya mahal na mahal kita eh!"
"Syempre naman, I love you so more!"
"Buti ka pa, mahal mo ko... Si--" Di ko tinapos ang sinabi ko. Bakit ba siya ang iniisip ko?!
"Shh. Bebe, tama na kakaisip sa siraulong yun. Marami pa namang nagmamahal sayo eh, ako, si tito at tita, lahat ng mga kaibigan natin at kamag-anak, at alam kong makakahanap ka pa ng iba, sa ganda mong yan sino ang hindi mabibighani?" Di ko namalayan naka-smile lang ako sa mga sinasabi niya, Sobrang happy ko talaga dahil si Yanna ang naging bestfriend ko. Sobrang swerte ko sa kanya, syempre maswerte din naman siya sakin noh.
"Alam ko yon. You know Yanna, I'm so lucky to be your bestfriend."
"I know right?! So, wag kang tumunganga lang jan sa bahay niyo, gumala naman tayo, sulitin ang bakasyon hangga't di pa nagpapasukan! Tsaka di makatutulong ang pagmumukmok sa pagmo-moveon." Tama naman siya dun.
"Okay, okay. Sige let's meet tomorrow, The District 2 pm. My treat." Ayan pa, basta libre susugod agad yan, kahit mayaman din naman sila napatol sa libre yan.
"Really? Okay. See you. I'll hang up na huh. Love you!" *toot* *toot* Ang bakla, pinagbabaan ba naman ako ng phone? Hay nako. Pero, kahit paano gumaan naman yung pakiramdam ko.
At dahil wala akong magawa, nag-facebook nalang ako, naalala ko tuloy yung sinabi ko kay yelo kahapon. Tama, yelo nalang ang tawag ko sa kanya. Na i-delete ako sa friends niya, dinelete niya na kaya ako?
Tinignan ko yung profile ko, naka-in a relationship parin pala ako, pero wala na yun with Ice Salvacion. Pero di niya pa pala ako nadedelete, mamaya na yan. I changed my status into Single. Nagdadalawang isip ako kung idedelete ko siya, kase pagdinelete ko siya magmumuka akong bitter, eh pano ako makakapagmove-on kung di ko naman siya idedelete? Hay.
I went to his profile, nakalagay dun Ice Salvacion changed his status from being in a relationship to single. Ang daming nag-like, at nag-comment nun. Binasa ko lahat.
Jm Guzman: Okay lang yan pre, marami pa jan. Joke lang.
King Rex: Aww. Sakit ba dude?
Daniel Padilla: Nako pre, sino nakipagbreak, ikaw o siya?
Robin Thompson: Inuman naaaaa!
Kristen Lim: Nandito naman ako eh, If you need me.
Jasmin Smith: Okay lang yan babe, diba we talked about this already?
At marami pang iba. Ang sakit basahin, kase yung mga comment ng iba, parang sinasabi nila na di ako kawalan kay yelo. Ang lalande pa nung dalawang comment sa dulo, ang pinagtataka ko talaga eh yung comment nung Jasmin, kung maka-babe huh! Sila ba? Just by thinking of it nasasaktan agad ako.
Hay, I looked at his albums, nandun parin lahat ng mga pictures naming dalawa. Album ng mga monthsaries namen, 1st and 2nd anniversary, our fieldtrips together, Prom last year, my birthday and his birthdays. I miss all those times na magkasama pa kame. Sayang, Isang buwan nalang sana, 3rd anniversary na namen.
After that, I deleted him as my friend. Pero di ko na siya blinock. Good Bye Yelo, I love you. Sana madali kitang makalimutan para mawala na tong sakit na nararamdaman ko.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
BINABASA MO ANG
He's My Ex-Boyfriend
Teen FictionNakipag-break sayo ang boyfriend mo, at hindi mo alam ano dahilan nito. Kaya you decided to move on, kaso pano kung tadhana na ang nagdidikta ng kapalaran niyong magkabalikan muli?