Plastic Rose

32 2 2
                                    

February 14, 2014

Pauwi na ako galing school kaya nagsimula na naman akong makipagbunuan sa mga pampasaherong jeep.

Nakakainis talaga kapag ganito. Kaya minsan naiisip ko na dapat talaga kapag nagkaboyfriend ako may kotse siya, para kapag may ganitong pagkakataon sasabihan ko yung mga nag-uunahan na

"Mamatay kayo dyan kakaintay." Punyeta kaya ako kinakarma eh hahahahaha

Pero dahil wala akong kotse at higit sa lahat ay wala akong boyfriend, hinayaan ko na lang muna silang mag-unahan.

Mauubos din yan. Isip isip ko na lang.

Hanggang sa wala ng natira.

"Bwisit. Akala mo pasko sa sobrang dami ng tao, jusme Valentine's Day lang po mga ate't kuya. Oo na kayo na masaya, mga perwisyo." Hindi ako bitter. Medyo lang hahahahaha.

"Ehem."

May biglang tumikhim sa likuran ko. Hala mukhang may love birds na tinamaan.

"So-

Lilingunin ko sana sila kuya para magsorry kaso bigla namang dumating yung jeep kaya naman ayon hindi nako nakapagsorry.

Uwing uwi na ako eh.

Pagkaupong pagkaupo ko ito lang ang naging reaksyon ko.

O____O ---> ^/////^

Omyyy. Ang cute pala ni kuya hehe.

Pero ang awkward lang, kami lang kasing dalawa ang nasa loob. Walang driver mga tih. Charot lang hahahaha bukod kasi kay manong driver, kami lang talaga ang pasahero kaya ko nasabi na dalawa lang kami.

Nabasag lang ang katahimikan ng bigla siyang magsalita.

"Bayad po. 7th avenue lang po." Tapos inabot niya sakin .

Napatunganga ako dun sa kamay nya. Grabe mukhang mabango yung kamay nya, parang ang sarap amoy-

"Ate pakiabot naman po."

Ramdam kong namula ang mukha ko. Nasobrahan na naman ako sa pagdadaydream. Kahiya talaga, bwisit.

Medyo nataranta pa nga ako nung inabot ko yung barya eh, pero syempre inabot ko pa din ito ng nakangiti para hindi halatang natataranta ako.

"Salamat."

Yun na lang yung huling salita na narinig ko sa kanya.

Tumahimik ulit kami at nabalot ulit ng nakabibinging katahimikan ang paligid.

Taimtim akong nagdadasal na sana may sumakay. Kaso jusko wala talaga. Kaya naisipan ko na magbayad na tutal malapit naman na akong bumaba.

"Bayad po."

Wala naman akong katabi na magpagaabutan kaya ako na mismo yung lumapit kay manong.

Pagkabot ko ng bayad ko. Tahimik ulit. Grabe sa tanang buhay ko ngayon lang ako magdadasal na sana magkatraffic. Pero dahil masyadong mapaglaro ang tadhana eh, himalang nakahanap ng shortcut si manong driver at nakaiwas kami sa traffic.

"Punyeta." Bulong ko ng magsimula nang tahakin ng jeep ang himalang shortcut na nakita ni Manong. Sana umabot sa tenga ni Manong 'yong bulong ko.

Bwisit talaga. Minsan kana lang nga haharot hindi pa marunong makisama 'tong si Manong driver.

Walong kanto na lang.

Taimtim ulit akong nagdasal na sana kausapin niya ako, tanungin ang pangalan ko. Luh, self abusada masyado ah hahahaha.

Pero eto na! Malapit nakong bumaba pero hindi pa rin niya tinatanong ang pangalan ko. Ano na, kuya naman kalabitin mo naman na ako.

Dali tanungin mo na ako. Malapit na malapit na akong bumaba. Hunyetaaa. Huwag mong sayangin ang ganda ko.

ITO NA PABABA NA AKO, IHAHAKBANG KO NA YUNG PAA KO. ISANG PAA NA LANG NASA LABAS NA TALAGA AKO.

Charot lang. Malayo pa hahahahaha mauuna nga siyang bumaba kesa sakin eh.

"Para po."

Ayokong lumingon. Baka kindatan ko siya. Eme hahahahaha!

Wala na. Uuwi na siya. Sayang gwapo pa naman. Hindi bale na lang nga. Madami pa akong gwapong makakasabay.

Umurong na lang ako sa pwesto niya para mas mabilis akong makababa.

"Ay hala." May nalaglag na rose. Nalaglag pagkaurong ko. Naiwan ata ni kuya.

O baka iniwan niya?

Sinasabi ko na nga ba type din ako ng kupal na 'yon hahahaha charot.

Napatingin akong muli sa plastik na rosas na hawak ko.

Oo plastik nga, mukhang cheap pero hindi siya tulad ng ibang rosas na nalalanta at nakakalimutan na lang ng panahon.

Emotera hahahaha sana makasabay ko siya ulit at sana siya na mismo mag-abot sakin ne'to.

**************************
A/N:  Gusto ko talaga ng mga ganitong story, yung simple gestures lang pero may kilig talaga. Feel free to leave harsh comment, hindi ako magaling kaya tanggap ko yan, just correct me kung may mali. Willing naman akong baguhin. (Sana makonsesya ka XD) mehehehe

P.S - You just wasted 5 minutes of your life. Anyway thank you sa pagbabasa.

Plastic RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon