One shot Story

56 5 2
                                    

One night pumunta yung bff kong si odessa dito sa bahay niyaya nya ako na pumunta sa bahay ni nessa sabi niya pinapupunta daw kame ng mama nito. Wala akong maisep na dahilan kung bakit kami pinapapunta actually ayoko pa pumunta dahil pinanonood kopa yung paborito kong palabas sa GMA yung Empress ki pero pinatay ng bff ko yung t.v so no choice napilitan akong tumayo at mag ayos bago pumunta kila nessa habang naglalakad kami ang init ng pakiramdam ko naligo naman ako that night cguro pakiramdam ko lang yun tinignan ko ung bff kong si Odessa yakap nya yung sarile at lamig na lamig tinanung niya ako .

"Hindi kaba nilalamig? "

"Hinde ! Ang init kaya wag na tayu tumuloy kila nessa baka kaya tayo pinapapunta dun ay para tanungin lang kung saan nag gagala yung babaeng yun !"

Ngumiti si bff at hinawakan niya ang kamay ko .
"May lagnat kaba? Bakit ang init mo dapat diba nilalamig pag kinakabahan?"

"Sinu ba ang kinakabahan?! Wala naman akong kasalanan . "

Ilang minuto lang ang aming paglalakad sa aking palagay mga 20minutes lang dahil walking distance lng naman at pahinto hinto kami pag nakakakita kami ng pwedeng manguya habang naglalakad .

Sa bahay nila nessa.
nakita namin ang mama nya na nag iigib busy ang papa niya dahil isa itong opisyal sa baranggay at naka duty walang kasama ang mama nya .
Lumapit ako sabe ko .


"Tita ? Bakit nyo po kame pinapapunta."
Umupo ang mama ni nessa at nagpahinga lang saglit inalok niya kami na umupo, ngunit hinde ako umupo sa sobrang inis ko. dahil hindi ko natapos ang pinanonood ko tinanung ko ulit si tita kungbakit.

"Hindi pa kasi umuuwi si nessa, nag aalala nako sa batang yun kahit ang papa niya ay nag aalala na ang mga kuya niya ay nagtatanung narin baka may alam kayo na pwede niyang puntahan?"
May dalawang kapatid na lalaki si nessa at nag iisa lang siyang babae at siya rin ang bunso.

" a-aah tita diko po alam kung nasaan si nessa, kinausap ninyo na po ba c jester?"
Si jester ang nobyo ni nessa.

"Oo , ngunit ang sabi niya ay matagal na silang wala ng aking anak ."

Kinalabit ako ni bff dahil alam niyang nakasibangot na ako nag paalam na kami sa mama ni nessa para umuwe ng sumagot si odessa
"Tita pag nalaman namin kung nasaan si nessa ibibigay ninyo yung pocketbook na gustong gusto ni dalin?"

Ngumiti si tita at pumasok sa bahay pag labas niya ay dala na niya yung pocketbook na gusto ko "Nasudi" sus gustong gusto ko yung pocketbook nayun ang ganda kasi ng kwento agad ko itong inabot at nagpasalamat kay tita.medyo ang kapal ng mukha ko ha kasi nakasibangot nako at badtrip kay bff buti nalang may magandang nangyare.

Mag 12nn Na ng dumiretso kami sa bahay ni bff sabe niya dito daw ako matulog kasama nya nanood lng kmi mga horror movie pag katapos ay pinatay na niya yung ilaw para makatulog na kami. Hinde kami agad nakatulog kasi sinulit namin yung gabi na magkasama nagkwentuhan kmi about sa mga nakakatakot na bagay. Napansin kong inaantok na si bff ng makatulog siya binuksan ko yung ilaw sa totoo lang di ako makatulog ng patay yung ilaw ng mabuksan ko ito ay naghanda na akong matulog ilang minuto lng ay nakatulog na ako.

Bigla akong nagising dahil may humawak sa kamay ko tnignan ko yung orasan almost 25minutes palang akong naiidlip. Hindi ko pinansen ang nangyare at itinuloy ko ang aking pagtulog hindi pa malalim ang tulog ko ng may kumaluskos sa pinto sumakit yung ulo ko kasi nabigla ung paggising ko bumangon ako para tignan.kung sinu ang nasa labas ng pinto walang tao kila bff nun kaming dalawa lang dahil umuwe ng pampanga ang nanay nya lumapit ako sa pinto at tinanung ko kung sino ang nasa labas walang sagot.

The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon