UBG
Cristian POV
..
"Hoy pre good morning, aga mo ata magising ha" sabi ni Red sakin habang nanguya ng kinakaen nya
"Maaga pa ba ? Eh mag tatanghali na nga" sabi ko
"Napuyat ka kagabe nuh, saan kayo nag punta ni Stacey ? Kayo ha..." Carl
"Hoy isip mo ! Nag lalakad lakad lang kami kagabe nuh.." Sagot ko. May nakita pa nga kaming dalawa ni Stacey eh. Ang sweet nilang tingnan habang nakasakay yung babae sa likod ng lalaki. Alam nyo na siguro kung sino tunutukoy ko diba ? Lalapitan ko sana sila kagabe kaso si Stacey hinila ako, at ang sabi wag ko daw sila istorbohin kaya naman nag punta na lang kami sa restaurant dito sa resort nila. Tapos nun nanuod kami ng sine. Yung sine dito hindi sa loob ng sinehan... Nasa open field sya tapos sa grass ka uupo. Ang ganda dito sobra.
"Sus.. Sabi mo eh" sabi ni Carl
"Ewan sa inyo. Nasan ba si Matteo?" Tanung ko
"Ah, maaga nagising yun.. Lumabas sya eh.. Siguro nag hanap ng chicks" Lando
"Chicks? Baka si Cassey ang hinanap" Naj
"Kaya nga.. Nakita namin yun kagabe eh.. Pasan pasan nya sa likod si Cassey" Xy
"Nakita nyo din pala yun?" Sabi ko
"Ou.. Ang sweet nga eh" Naj
"Sinabi mo pa, sige labas muna ko" sabi ko tapos lumabas na ko ng cottage namin, hahanapin ko si Matteo makikibalita ako kung nakaamin na ba sya ng feelings nya.
___
Napunta ako malapit sa dagat. Nakita ko sya dun nakahiga sa isang duyan na nakatali sa dalawang puno. Tapos nakita ko din dun si
.
.
Cassey , nakatingin sa kanya. Kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nung nasa likod na ko Cassey , tiningnan ko si Matteo. Natutulog, kaya pala itong isa kung makatingin sa kanya wagas
"Baka naman matunaw yan" sabi ko, halatang nagulat sya tapos tumingin sya sakin
"Kanina kapa ba jan?" Tanung nya"
"Di naman, kakadating ko lang.. Teka jan ka lang, picturean ko kayong dalawa" sabi ko tapos umatras ako ng onti
"Ha? Tss bakit?" Inis nyang tanung
"Para ma'develop kayo sa isa't isa" nakangiti kong sabi, sya naman tinaasan ako ng isang kilay
"Ang corny mo!" Sabi nya at nag lakad na sya paalis. Ako naman sumunod ako sa kanya
"Teka Cassey.." Sabi ko
"Ano ?!" Galit nyang sabi
"Oh chill, itatanung ko lang naman kung nasan si Stacey eh"
"At bakit ko sasabihin sayo? Tigilan mo kapatid ko ok?"
"Bakit naman ? Wala naman akong gagawin sa kanya na masama eh"
"Tss" yan lang sabi nya tapos binilisan nya pa lalo yung lakad. Napailing na lang at di ko na sya sinundan
"Cristian?" Napalingon ako sa tumawag sakin, yung muka nya seryoso pero yung kilay nya mag kasalubong parang galit na ewan
"Bakit?" Tanung ko
"Bakit kayo mag kasama ni Cassey" sabi nya
Ah alam ko na kung bakit sya ganyan...
BINABASA MO ANG
Gang vs. Gang Equals Love ? [ ON-HOLD ]
RandomPag nag kaharap ang dalawang GANG ? anong aasahan natin ? diba WAR sa pagitan nila ? .. Away at Gulo ! yan ang malimit na mang yari kapag nag tapat ang bawat GANG PERO ! sa dalawang GANG na nag kaharap ... Pag ibig ang nabuo ! pano ng yari yun ? jus...