Prologue

4 5 1
                                    

           

"Victoria!!gumising ka na riyan at ika'y kumain na!"

Nagising ako sa malakas na sigaw ng aking ina. Ilang taon na akong ganto ang set-up,siguro nasanay na rin naman sila mama saakin.

Tuwing umaga gigisingin nila ako nang pasigaw dahil sa pagiging bingi ko raw at matagal akong magising. Hay!Hindi naman ako bingi,talagang nagbibingi-bingihan lang kase may pinagkakaabalahan ako syempre...

Si Clifford...

Whenever I'm in my room my family knew that I'm automatically with my Cliff. He's my home and actually my rest everytime I feel tired...Tired from my world...Tired from those paper works..Tired from my reality that's full of two-faced and counterfeited people.

Masaya ako syempre at siguro dahil dun masaya na rin sila mama for me. A lot of my friends envy me for having these freedom to do my hobby,sabi nila ang swerte ko kase pinapayagan akong gawin tong mga pinaggagagawa ko sa aking kumbaga 'reading den' ,well tama naman. Maswerte ako kase nandiyan sila para suportahan ako sa hilig kong gawin,but as a person kailangan alam ko ang limitations ng lahat ng to... that's why they're allowing to do this because I have my discipline planted here in my mind.

"Opo!,bababa na po ako!"pasigaw ko ring sabi sakanila sa baba.

Hindi kami mayaman pero di din mahirap,siguro kase nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw and for me that's enough. Meron din kaming nailalaan for our studies and other stuffs.,minsan nga gumagala pa si kuya,e.

Bumaba na ako saaming kusina para mag-almusal at naabutan kong mag-isa rito si mama. Naghahanda na pala siya ng aming hapagkainan,at ang kulang nalang ay ang mga pinggan kaya't bilang ako'y nandito na rin,mainam na tumulong na noh.

"Ma,ako na po sa mga pinggan."sabi ko pagkatapos humalik sa kaniyang pisngi."Asaan po pala si kuya at papa?"dagdag ko pa habang bitbit ang mga plastic na pinggang may marvels na tatak sa gitna. May libre kaseng ganto pag ipinalit mo yung balat ng marvels na sigarilyo,kumbaga yung sachet. At least naibalik mo yung kalat tapos nagkaroon ka pa ng kapalit na kapaki-pakinabang.

"Ayun si papa mo sa kapitbahay at may pinapaayos na pyesa,alam mo namang hindi yun mapakali pag di ayos ang motor niya."hay!ayan nanaman ang sermon ni mama,mabuti na lang at paborito ako nito kaya't di ako madalas pinapagalitan. Well ako lang naman kase ang babaeng anak niya,nung ipinanganak nga daw si kuya ay gusto daw pangalanan ng Victoria,mabuti nalang at si papa ang nagpalista kaya't Victor ang kinalabasan.

Ako nga pala si Victoria Bonifacio,isang Grade 11 student sa Apolinario Risen Academy,taking up General Academic Strand (GAS).I prefer people calling me Tory instead of my full name.

"At yang si kuya mo? Jusmeyo pumunta nanaman sa girlfriend niya at may dalaw daw Kaya nagtatampo!"Isa pa to si kuya,Kaya siya nasesermonan kase palaging pinupuntahan si 'baby chelsy' kamo.Hay!bahala sila,di naman ako against sa love ni kuya for her,e ang sakin lang ,sana mutual ang feelings. Halata naman kaseng naging sila lang dahil sa fame ni kuya sa school saka sino ba naman makatatanggi sa unggoy--este gwapo kong kuya?

Did I tell you na he's one of the heartthrobs sa mga Grade 12?Yes,he is...and by that 'baby chelsy' made a move para maging sila ni kuya para din maging famous siya bilang 'girlfriend ng isang Victor Bonifacio' diba?

Anyways tama na ang family background,kumain na kami ni mama at di na hinintay sila papa. Mamaya pa naman yun darating saka paniguradong busog naman na yun kaya useless lang kung aantayin pa namin.

Pagkatapos kong iligpit ang aming pinagkainan ay tumungo ako saaking kwarto para sana maligo kaso agad nanaman akong natukso... kaya't ang ending nakaupo nanaman ako sa harap ng aking desk para magbasa.

SchismWhere stories live. Discover now