Seat Plan

24 0 0
                                    

Ung seat plan namin na officer ang nag-aayos, pinagtripan! Pinagtabi nila ung mga pwedeng asarin, gawan ng loveteam at may past. Tinabi nila ako kay Vergel. Straight siya pero nalink kami sa isa't-isa. Kinalat niya kasi na nagkasomething kami nung Grade 6, trip niya lang yun at nabuhay ung trip na yun nung Grade 9 kami mga 2 months before the end of the school year. Pinagtripan kami at nakiride siya, kaya nakiride na rin ako. Bawal kasi ang KJ sa amin eh. Para sa amin wala lang yon pati na rin sa iba. Pero hindi natin maiiwasan na halungkatin nila ang ating nakaraan. Akala ko everything will be alright sa aming dalawa, nagkaroon tuloy ng awkwardness lalo na sa part ko.

Nakakabaliw pag malakas trip ng mga kabarkada eh. At mas nakakabaliw kapag ako ang napagtitripan.

Lunch time 'yon. Absent si Rachel so 5 lang kami. Si Janella may dalang lunch kaso kasama niya si Jam (boyfriend niya at kabatch namin), nandun sila sa table for 3 persons. May usapan kasi kami kung kailan magdadala ng lunch, kaso sina Mico, Daniella at Maris, hindi nagdala ng lunch. Ayaw ko naman kumain sa table nina Janella, panira ng moment eh. Nasa kiosk kami non at ayaw nila (ung 3) ng ulam sa kiosk kaya gusto nilang bumili ng snacks and drinks sa main canteen. Habang nakain ako, sa table na for 3 persons din, lumapit sa akin ung 3 at natawa. Nagtaka ako, maya-maya ay lumapit si Chad. Sinabi sa akin nung 3 na kinausap na nila si Chad na samahan muna ko habang nabili sila since siya ung nakita nung 3. Kahit papaano nakatulong ung pangtitrip nung tatlo sa akin. Naging tama ung taong pinili nila. Destiny ganon? Masaya ako pero pakipot ako eh. Isa pa, nandun si Dave. So ang ginawa ko, lumipat ako sa table nina Janella at alam kong hindi na ko susundan ni Chad. Pero nagkamali ako. Wala nga siyang uupuan since 3 lang ung upuan pero medyo mahaba ung upuan para sa isang tao lang. Tumabi sa akin si Chad, as in magkatabi kami sa iisang upuan. Mas lalo akong sumaya kaso hindi ko mailabas. Since maloko din si Jam, sinabi niya na double date daw 'yon. Ang saya, super!

Hanggang sa bumalik na ung 3 kong katropa at tapos na ring kumain sa kiosk ung mga katropa ni Chad. Umalis kami sa kiosk together. As in together talaga kasi nung moment na 'yon, parang nagcombined ung tropa namin at hindi naman awkward pagdating sa topics kasi magkakaibigan na kami dati pa at halos naging magkakaklase na kami. Napakasaya nung araw na 'yon. Araw na ayaw ko ng matapos. Pero hindi ganun ang buhay eh.

Paano?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon