Years have been passed.
Little by little, I know I'll forget all the past.
I don't want to recall pain, loneliness, and frustration that I encountered.
I am now contented of what I have.
So now, I will stay here in Tagaytay to live peacefully.
Not alone like I used to be, but with Rose, Lira, and of course, with Zachi.
"Zainnah Miles Chua Zamora! It is nice, right? Bagay na bagay ang surename ko sa pangalan mo!" ulit na namang saad ni Zachi na nakaupo sa luma naming sofa ni Rose sa living room habang ako naman ay pinaghahanda siya ng meryenda rito sa maliit naming kusina.
Napailing na lang ako. "Baliw, sadyang maganda lang talaga ako!" sigaw ko at naglakad na palapit sa kaniya.
"Yes, and you're lucky because you have a handsome boyfriend," nakangising tugon niya sa akin nang ilagay ko na ang kaniyang meryenda sa mesa na kaharap niya.
Agad naman niyang kinuha ang chocolate cake at kinain habang ako naman ay naupo sa tabi nya. "Hmmm, masarap 'no?" ngiti kong tanong sa kaniya nang natatawa dahil napapikit pa siya nang nguyain ito.
"Sobra, are you the one who baked this?" tanong niya sa akin.
"Kasi kung oo, sure akong masarap din 'yung nagbake," dagdag pa niya at tumingin sa akin nang nang-aasar.
Agad namang nag-init ang mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Napatulala ako sa kaniya habang siya ay nagpipigil ng tawa.
Punyeta 'to ah!
Bayagan ko kaya siya ngayon!?
Badtrip!
"Eh kung kaladkarin kita palabas dito ah!?" sigaw ko sa kaniya sabay batok pa.
"Aray naman, siyempre joke lang 'yon ano ka ba! Halika nga!" inakbayan niya ako at naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya't lumingon ako pero imbes na makipagtitigan sa kaniya ay inirapan ko lang at nag-iwas ng tingin.
"Pero Zainnah?" seryoso ang tono niya kaya't napalingon ulit ako sa kaniya.
"Ano na naman!? Kung nandito ka lang para asarin ako eh mabuti pa at lumayas ka na sa harapan ko!" sigaw ko sa kaniya at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.
Napasimangot siya. "Ang sungit mo na naman eh," sumandal siya sa sofa at ang haba na naman talaga ng nguso ng lalaking 'to! Pwede na sabitan ng hanger!
"Ano nga!?" irita kong saad at tinikman ang chocolate cake sa platito ko.
"Wow, ang sarap nga!" manghang-mangha kong saad at sumubo pa nang sumubo ng cake.
"Teka nga! Teka nga!" pagsusungit ni Zachi sa akin at kinuha ang cake ko.
"Hindi mo pa tinikman ito kanina? And I know, hindi ka marunong magbake! Tell me, who gave this cake Zainnah? Hindi ka naman bumibili ng ganiyan sa labas eh. Baka binigay na—"
"Hoy! Bakit niyo kinakain 'yang chocolate cake!? Akala ko ba Zainnah akin na 'yan dahil ayaw mong kainin at dahil bigay ni Jared at magseselos 'yang si Zachi!? Ang daya mo naman eh, naubos niyo na!" bigla-biglang sigaw ni Rose paglabas niya ng kwarto.
Lagot ka talaga sa'kin mamaya!
Daldal talaga kahit kailan eh!
Tinignan ko siya nang masama at gets niya naman na 'yon kaya't dumiretso na siya sa kusina. At ang abnoy, tinawanan lang ako!
"I'm right. Bigay nga 'yan ni Jared," turo ni Zachi roon sa cake at naglipat ng tingin sa akin. Ang seryoso ah!
"Ahh, ano kasi—ahmmm..." punyeta talaga ni Rose, ang daldal eh! Sukat binanggit na naman ang pangalan ni Jared eh alam niyang pinagseselosan 'yon ni Zachi! Nakakatamad pa namang mag explain! Well, sasabihin ko naman talaga kay Zachi 'to eh kaya lang ang balak ko bukas na dahil napagod ang utak ko sa exam kanina at galing pa kaming trabaho nitong si Rose. Buti na lang at sinundo kami ni Zachi kaya't nakauwi agad.
"Knausap ko na 'yon na tigilan ka 'di ba? Bobo ata at hindi pa naintindihan. Alam niyang meron ka na ngang gwapong boyfriend eh pinopormahan ka pa niya! Gulpihin ko 'yon eh!" inis na inis na sabi ni Zachi sa harap ko na tumayo pa.
Tumayo rin ako at napatingala sa tangkad niya. Matangkad din naman ako ngunit mas matangkad ang lalaki kumpara sa akin. Hinawakan ko 'yung isa niyang kamay at huminga muna ako nang malalim bago magsalita.
"Zachi, tinaggihan ko si Jared diyan sa binibigay niyang cake kanina pero nagpumilit siya kaya para hindi tumagal ang usapan eh kinuha ko na. Total naman nagustuhan mo—"
"Joke lang 'yon kanina. Hindi 'yan masarap! Ma-ahmm M-mapait! Oo, m-apait. M-apait na mapait 'yang cake na binigay niya sa iyo!" nakapout pa niyang saad.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "No worries, sinabi ko na sa kaniya na dapat last na 'yon and I also said na he should respect my decision," paliwanag ko kay Zachi and I gave him a genuine smile.
"You know how much I love you Zainnah and I trust you, pero sa lalaking iyon!? Hindi ako nagtitiwala roon! Kapag 'yon ayaw ka talagang tigilan, tatanggalan ko siya ng ulo! Sa taas at sa baba!" medyo naiinis pa rin niyang saad ngunit tinawanan ko na lang siya.
"I love you too, Zachi. I will always love you," sambit ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko bago ikinulong sa bisig niya.
Ang saya namin noon grabe! Naiyak na naman ako nang maalala ko iyon. Puro na lang si Zachi ang iniisip ko, hindi na ako nakakapagfocus sa trabaho! Pinunasan ko ang aking luha at hinarap ang lalaki na kanina pa pala rito sa opisina ko.
"Hello, Mr. Villaruel," bati ko sa nakangising lalaki na nakaupo sa sofa ng opisina ko.
Lumapit siya sa gawi ko at umupo sa harapan ko. "Good morning, Ms. Chua and soon to be Mrs. Villaruel," pang-aasar niya.
I just glared at him before opening my laptop. "So, why you're here?" I asked bitterly without looking at him.
"Let's talk about our engagement," walang paligoy-ligoy na saad niya kaya't napatingin ako sa kaniya.
"And oh, you're crying again because of Zachi Zamora? Poor baby. Whether you like it or not, sa akin ka mapupunta."
Akala ko, okay na ako.
Bakit ba nangyayari ang mga ito sa akin, ano bang ginawa ko?
Bumalik na naman ako sa lugar na ito kung saan hindi pa ako handang harapin ang nakaraan.
Bakit ngayong bumalik ako rito ay mas doble pa ang sakit na nararanasan?
Pinipilit kong labanan ang nakatali sa akin ngunit parang hinihila ako pabalik-balik.
Gusto ko lang naman maging masaya, bakit ba hindi ako pinagbibigyan ng tadhana?
Nakakapagod.
Nakakadurog.
Isa lang ang tanong ko ngayon, how will I escape the past?
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Mentioned names, characters, places, events, locales, incidents, and businesses are either used in a fictitious manner or the product of author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story might have typographical and grammatical errors. Some scenes and words are not suitable for young readers. Read at your own risk.
PLAGIARISM IS A CRIME!
BINABASA MO ANG
Escaping the Past
Teen FictionNahanap ko na ang lugar kung saan ako masaya. Nakilala ko na rin ang taong nagmamahal sa akin nang lubos. Ngunit dahil sa pangyayaring hindi ko inaasahan, babalik na naman ako sa nakaraan. I want peace. I want to be happy as them. I want to forget...