Waiting

38 3 3
                                    

Around 2 pm.

Mainit. Mausok. Maalikabok. At as expected, mukha na po akong taong grasa.

Idagdag mo pa yung fact na mukha po akong dinasaur ngayon habang nag-aantay ng masasakyan dito sa may bus stop sa harap ng school namin.

Ako kasi yung babaeng di kilala ang mga katagang "stand straight, chin up, breast out, and walk like a queen."

Diba nakakapagod gawin yun? At tsaka wala naman akong breast para i-out --- isang masaklap na katotohanang buong puso at lungs ko ng natanggap sa simula't sapol nung ako'y magdalaga.

Opo, dalaga na po ako. Self-proclaim.

Mga kalahating oras narin akong naghihintay dito. Wala pa ring humihinto sa akin na sasakyan.

Bahala sila. It's their loss!

Kung ayaw, wag ipilit. May mga bagay talaga na hindi para sa atin kahit gaano natin sila kagusto sa'ting mga buhay. Hindi kasi sapat na kapag gusto mo, dapat din sayo.

May mga bagay talaga na hindi binibigay satin simply bcoz hindi yun para satin. Sila ay nakalaan para sa iba.

Kaya wag mong ipagpilitan ang sarili mo o maghintay na balang araw babalik yung sasakyan nayun para sayo. Matagal pa yun and besides, you are not born to be an option or reserve kapag wala na silang karga.

Remember, tinanggihan ka na. Wag kang tanga please. Don't be such a fool expecting for someone who left and hurt you to come back. Be wise. Sila ang nang-iwan, edi wala na silang babalikan.

May multicab na dumaan. Kumaway ako. Nakita niya ako and attempted to pick me. But a huge truck before it causes the cab to get a tough time to park in front of me.

So ayun napadiretso nalang siya to avoid any mess on the road. I can see through the driver's face na nanghinayang siya.

Ganun talaga. Ang tawag dun ay undestined. Parang right love at the wrong time. In tagalog and in simplier form, hindi para sa isa't isa. Or pwede ring "people who are meant for each other but not meant to be together."

Hindi kasi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. Marami muna kayong dapat iconsider. Marami rin ang sagabal at aasal kontrabida. Marami ang dapat na pagdaanan na kapag hindi niyo nalampasan, di kayo aabot sa kasalan.

Isipin niyo nalang ha. Grabe! Ang dami talagang pwedeng mangyari bago niyo mapatunayan na para talaga kayo sa isa't isa.

Pero kung hindi naman, wag kang mag-alala. Marami pa ang darating. Maghintay ka lang at kusang hihinto yan kung yun na talaga.

Kaya nga lang minsan, may darating at pasasakayin ka. Yun pala, ibababa ka lang sa unahan ng istorya.

Isang jeepney naman ang nakita kong papalapit. Pero bago pa man ito makarating sa puwesto ko ay napansin kong huminto ito di kalayuan sa akin. May ibinaba itong pasahero na tila ay dismayado. Narinig kong galit yung babae na bumaba. Sabi nung driver eh mayroon dw kasing tumawag sa kanila na magkarga ng construction materials sa kabilang direksyon kaya sumakay nalang daw ito sa iba. Sigurado, mas malaki ang bayad nun.

Ang tawag naman dun, paasa. Ang masakit dun na part ay ang mag assume. Hindi lang sa kalsada nangyayari ito ha.

Dalawa lang yan eh. It's either ikaw si pa-fall or si pa-victim.

May ganyan talagang mga tipo ng tao. Ang sakit lang isipin na nasaktan ka nila ng sobra sobra pero parang wala lang sa kanila. Dahil para sa kanila, hindi ka mahalaga.

May iba pa nga jan paglalaruan pa yung feelings mo. Paasahin ka. Tatratuhin ka na parang prinsesa pero kapag nahulog ka na, di ka naman sasaluhin.

WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon