Chapter One

14 1 1
                                    

"Arianne! Come here." I heard my Tita Eve calling me downstairs.

Parang zombie akong lumapit habang itinatali ang buhok ko na magulo dahil kagigising ko lang. I don't even know that my Tita is going to visit today since she didn't message me last night, hindi na ako nagulat kung bakit nasa loob na siya ng bahay dahil na sa kanya naman ang spare key.

"Good morning Tita," I lazily greeted her.

"Good morning iha, eat first then we'll talk." she said while preparing the table.

Matagal na rin bago ko ulit nakita si tita, she's busy with her business in Manila so it's surprising to see her today. At may pag-uusapan pa raw kami, sana hindi ito tungkol sa pag pilit niya na lumipat ako sa Manila para magkasama na kami doon.

Umupo ako sa mesa habang tinitignan si tita na nagsasalin ng tubig sa baso. Napangiti naman ako sa niluto ni tita, hotdog, bacon and egg. Typical food for breakfast, though alam ko kasi na hindi siya marunong magluto ng ibang pagkain maliban sa mga pini-prito lang.

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula narin kumain. "How's vacation?" she asked.

"Just fine, Tita." I smiled.

Hindi ko na kailangan pa na mag-isip ng mabuti sa tanong niya dahil wala naman nagbago sa vacation ko ngayon kumpara last year. I'm still here in the house all day.

"Naglinis ka ng garden at pool? Parang napalitan din ang curtains dito sa sala kumpara noong last na uwi ko dito?" tumingin-tingin siya sa kusina bago nagsalita ulit. "Dapat ay nag-hire ka nalang ng maglilinis, sinabi mo sana sa akin para hindi ka na nahirapan Arianne."

"It's fine Tita, wala din naman akong magawa sa bahay kaya tinapos ko na lang maglinis dito." sumubo ako ng kanin at ulam habang siya naman ay tumitingin parin sa loob bahay habang umiinom ng tubig.

"Hays sinabi ko naman sa 'yong bata ka na doon ka na tumira saakin sa Manila. Kesa naman mag-isa ka dito na ginagawa lahat ng gawain." aniya.

Here we go again, the same thing she always says whenever she visits me here in Tarlac. Kuntento na ako dito, I grew up here with my parents... This is my home.

I sighed before putting my plate in the sink.
Nakita ko naman na nagliligpit na siya ng hapagkainan dahil tapos na kaming kumain dalawa. Pinabayaan ko nalang siya na gawin 'yon dahil palagi niya rin na sinasabi na minsan lang niya nagagawa iyon dito sa bahay.

Umupo kaming dalawa ni Tita sa sala. Umilaw ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Kiel. He messaged me.

Kiel:

Are you up? Message me once you read this.

Ngayon lang nangyari na siya ang unang nag-message sa aming dalawa. Halos mag iisang oras akong nag iisip kung magrereply ba ako, o kung ano ang irereply ko sa kanya.

Arianne:

Why?

Really, Ria? Just one word? Ganyan ba talaga pag may gusto ka sa isang tao? Hindi mo alam kung ano ba dapat ireply?

Umilaw muli ang phone ko, kaagad ko namang kinuha iyon at binasa ang reply niya.

Kiel:

Nevermind.

Halos mawalan naman ako ng hininga sa inireply niya sakin. Just wow, Ria! You blew up the chance of Kiel texting you again!

Umalis ako sa pagkakaupo sa sofa para kumuha ng malamig na tubig sa kusina. Habang umiinom ako ay binuksan naman ni Tita ang television para manood.

I'm frustrated! Ano ba yung sasabihin niya dapat saakin? Kung nag reply ba ako kaagad no'ng nag text siya, may mahaba na siguro kaming convo ngayon... right?

Trapped In LoveWhere stories live. Discover now