Friday the 13th.
Ano ba meron kapag Friday tapos ika-13th day ng month?
Malas raw? Eh bakit sa sitwasyon ko ngayon hindi naman. Ang saya kaya ngayon sa school namin.
Foundation Day namin ngayon, at dahil nga may occassion, may mga booths na inihanda ang school namin.
Sa horror booth, imbis na matakot kami, tawa kami ng tawa sa loob dahil yung kaklase namin na pinaka matangkad at malaki irit ng irit sa loob kasi siya ang napagiiwan.
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno ng mangga at nanunuod ng naglalaro sa court ng school.
Bakit nga pala ako naandito? May mga booths nga pala.
"Uy Hazel! Nanjan ka lang pala, samahan mo nga kami sa Marriage booth"
"Hala bakit? Sasali ka dun?"
"Luh? Di ah, etong kasama ko" tinuro niya sakin yung kasama niya na naka blind fold at nakayuko habang nakahawak sa braso ni Paula.
"Teka lang, mag iipit lang ako"
Tinulak ako ni Paula na para bang arms forward ang style, bagal ko yata maglakad.
Halos lahat ata ng nadadaanan namin umiirit.
Bakit? Peymus ba tong si ate?
Nakita ko kung sino ang ipapartner sakanya.
Siya pala.
Erick Lawrence Quion
Ang lalaking palihim kong minamahal, pero habang tumatagal na lihim ko siyang ginugusto, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko.
Ilang years na ba ang lumipas? Three? Four?
Hindi ko alam. Pero sa loob ng taon na yan, mahal kita.
Masaya ako para sayo, siguro siya yung babaeng gusto mo.
Nakita kita sa canteen, may kausap na babae, ang saya tingnan ng ngiti mo. Siya ba yung kasama ni Paula?
"Ang daming tao" sabi ko kay Paula
"Oo, kinuntsaba yan ni Lawrence. Alam mo naman, crush ng bayan eh"
"Oh, andito na pala tayo"
Patuloy pa rin sa iritan at sigawan ang mga tao dito sa Booth na 'to. Halos lahat ata ng tao naandito na.
Nung nakita nila kami na kasama si girl nagbigay sila ng way para makadaan kami.
Naalala ko pa, last month. Nagpasama ka samin ni Paula sa flowershop para magpareserve ng flowers.
Tinatanong mo samin kung maganda ba yung napili mo, syempre naman mag aagree kami.
Kaibigan nga pala ni Paula si Lawrence.
Nagtanong ka rin samin kung ano masarap na chocolates.
Ang sabi ko ferrero pero ang binili mo? Cudberry. Kasi yun ang gusto ng mahal mo.
Tinanong mo pa kami, ikaw lang rin pala masusunod.
"Hazel, ayos ka lang?"
"H-ha? A-ahh oo.. hehe"
"Naiyak ka ba?"
Hinawakan ko yung pisngi ko at tama nga, naiyak na pala ako.
Ganito pala talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit alam mo ng masasaktan ka patuloy pa ka pa rin.
"Ah.. wala to, napuwing lang"
"Pinagtitinginan ka ng mga tao sa paligid mo"
Inikot ko ang tingin ko sa kanila at tama nga nakatingin sila sakin. Hala! Bakit?
"Hala bakit?" Tumingin ako sa likod ko, para makasigurado na ako ba talaga ang tinitingnan nila. Pero wala nama--.
"Ano 'to?"
Kinuha ko yung papel na nakasabit sa likod ko.
Look to your right dear.
Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko si Lawrence na kumakanta habang may hawak na bouquet ng flowers at may dalang ferrero.
Shit!
Nakatingin sakin yung girl, wala na siyang blind fold.
"Hazel, I love you, will you be my girl?"
binigay mo sakin yung dala mo at niyakap ako.Niyakap ko siya pabalik at sinabing
"Lawrence, mahal din kita, pero gusto ko maranasang ligawan"Tinawanan niya lang ako at hinalikan sa noo.
"Sure, handa ako maghintay sayo mahal na mahal kita"
"Ma------"
Wala na ako marinig na iba kundi hiyawan ng mga tao. Nakalimutan ko, madami palang tao dito.
"Tara?"
"Ha? Saan?"
He smiled. "Magpapakasal"
Lahat na ata ng dugo ko napunta sa mukha ko.
---
"You may now, hug the bride. Bawal pa kiss!"
Hindi sinunod ni Lawrence ang nagkakasal saamin. At hinalikan pa rin ako.
Soft, passionate, romantic kiss.
"I love you"