Kabanata 38
Marie
"X-Xander hindi ako nakaproper clothes." Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito sa loob ng Hi-Lux niya. Hindi ko rin alam kung bakit gusto niya kong isama. I don't know what he is up to.
"Edi bibili." Agad niyang niliko ang kotse niya. Na agad kong sinundan ng mura.
"Oh shit!" Napahawak ako sa seatbelt ko. Nakita ko siyang nagsmirk. Urgh! He's enjoying this lalo na't alam niyang may kasalanan ako! Asshole!
Damn his driving skills!
May tumawag sa phone niya at agad niyang sinagot ito. Gumamit siya ng earpiece kaya rinig ko kung ano mangpaguusapan nila nung kung sino mang tumawag na yon.
"Hey ass! Where are you going? Bakit ka lumiko?" Nadinig ko si Azi na tumatawa tawa pa. Sunod sunod kasi kami. Si Xavier sa pinakauna. Sunod si Azi saka kami.
Humalakhak si Xander bago sumagot.
"Dadalhin ko lang sa langit 'tong babaeng 'to." Nanlaki ang mata ko.
"Asshole men! Binasted ka nga ano pipilitin mo?" Para akong namutla sa usapan nila. God I can't believe I'm here and screwed up in this situation. Nakita kong mula sa pagkangisi ay nagbago ang mukha ni Xander. Para bang napuno ito ng galit.
"Mauna na kayo ni Xavier. Susunod kami." Pinatay na niya yung tawag. Ganun ba kalaki ang impact ng pagbasted ko sa kanya? Oo naman Mitch! Nageffort yung lalaki eh!
Nung makarating na kami sa mall ay nahihiya ako sa suot ko. T-shirt lang naman ito ni Xander na hanggang tuhod. May basketball short akong suot kaya lang hindi kita. Tapos nakaheels pa ko dahil ito yung suot ko kagabi. Pinagtitinginan pa kami kasi ang gwapo ng kasama ko tapos yung itsura ko pa. Nasa likod niya lang ako. Tumigil siya sa H & M so I assumed na dito na ko bibili.
Habang naglalakad kami ay may napansin ako kaninang sumusunod. Dinedma ko lang naman. Pumasok ako sa loob. Naghahanap ako ng maisusuot. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Pabalik na ko kay Xander nung nakita ko nanaman yung sumusunod. Sino ba kasi yun? Sinilip ko pero nawala. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
Nahihiya akong lumapit kay Xander na nagtetext.
"Uhmm, saan ba tayo pupunta? Para alam ko kung ano bibilhin kong damit." Humalukipkip siya at tumunganga sakin. Bumuntong hininga siya at pumasok sa loob. Sinundan ko siya. Kumuha siya ng isang dress na hanggang tuhod lang pero creme ang kulay. Bumagay naman siya sa heels kong brown. Kinuha ko na lang iyon dahil I don't want to push the asshole's button.
Sinuot ko siya at medyo nagayos ng mukha. Naglagay na rin ako ng powder dito sa dressing room. Pagkalabas ko'y nandun si Xander. Agad akong nagiwas ng tingin sa paninitig niya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"T-tara na."
Lumapit na ko sa cashier.
"Ms, susuotin ko na po. Eto baya-"
"Get it here." Nagulat ako nung sumulpot si Xander na may inaabot na card sa babae. Agad iyon tinanggap nung babae.
"Bilisan mo. Ang bagal mo." Agad na kong sumunod sa kanya. Kitang kita ko pa rin yung sumusunod samin. Hinawakan ko yung braso ni Xander na aad naman niyang ikinagulat. Para siyang napaso. Binitawan ko agad siya.
"X-Xander may sumusunod satin."
"Wala ako paki." At naglakad na siya ulit. Kinakabahan ako.
Papunta kami sa carpark nung biglang may humatak sa braso ko kaya agad akong tumili.
"Aaaaaaaah!" Agad napalingon si Xander at nanlaki ang mata niya pero may pinaamoy sakin kaya nawalan ako ng malay.
-
"Gisingin mo na yang mga yan. Masyadong pasarap. Pakainin niyo na." Nagising ako sa ingay ng mga boses. Pagkadilat ko ay nanlaki ang mata ko dahil may mga lalaking nakamask sa harap ko. Nasa kabilang dulo si Xander at parang dinurog ang puso ko nung makita siyang duguan. Nagising din siya at nahagip ako ng mata niya. Alalang alala yung mga mata niya. Nakatali ang kamay ko sa likod at mukhang ganun din siya.
"Hoy miss kumain ka na." Sabi nung lalaki sa harap ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Tatlo lang sila dito sa loob tapos ayun yung parang pinakaboss nila. Naninigarilyo pa. Hinapagan ako ng pagkain. Ginawa ko ay sinipa ko iyon. Nagulat yung boss kaya hinawakan niya ang bibig ko.
"Hoy wag kang makaastasta dito ah!" Dama ko ang sakit pero nakia kong umambang tumayo si Xander kaya lang bigo siya dahil nakatali siya.
"Fuck you! Don't touch her you dumb ass!"
"Sikmuraan niyo yan!" Nanlaki ang mata ko nung sinikmuraan siya. Ininda niya yung sakin. Naiiyak ako hindi dahil sa sakit ng pisngi ko kundi dahil sa ginagawa nila kay Xander.
"Ow!"
"Tigilan niyo! Tangina niyo wag niyong gawin yan!" Naiiyak kong tinaboy yung kamay nung lalaki.
"Abo bang kailangan niyo ha!" Sigaw ko sa kanilang nanginginig ang buong sistema ko.
"Dapat lang yan sa presidente! Walang kwentang tao! Hindi matulungan kaming mahihirap!"
"Hoy gago ka! Wag mong masabi sabi yan ah!" Sigaw ko pero agad akong sinampal. Naiyak ako lalo sa sakit ng sampal. Kita kong parang tigreng nagagalit si Xander. Kinausap siya nung mga lalaki.
Tulong. Kailangan ko ng tulong! Nakita ko yung bag ko sa gilid ko. Agad kong pasimpleng kinuha iyon. Nakita ko ang phone ko at agad dinial ang number ni Xavier. Tinago ko iyon sa bag kahit nakaganun.
"Tulong! Tulong!" Sumigaw ako ng sumigaw para marinig sa tawag. Humalakhak yung lalaki.
"Miss. Nasa abandonadong building ka. Walang makakarinig sayo!" Humalaklak pa siya. Naiiyak na ko.
Nakita ko yung kutsilyo sa tabi ko. Marahil yun yung sinipa ko kanina. Dahan dahan ko iyon kinuha at pilit na hinihiwa yung tali. I need to talk to divert their attention.
"Bakit niyo ba kami kinidnap?"
"Gusto kong bumaba ng pwesto yung presidente! Masyado siyang pakialamero! Dapat sa mga taong ganun, pinapatay!" Natanggal ko na ang nasa kamay ko pero nagulat ako nung sipain ni Xander yung lalaki.
"Fuck you asshole! Wala kang karapatan para sabihin yon sa tatay ko!"
Sinugod siya ng lahat ng lalaki. Napapikit ako dahil sa binubugbog nila si Xander. Kinuha ko yung phone ko. Nakaon pa rin yung tawag.
"Please tulungan niyo kami. Please. Itrack niyo I-phone ko." Sabi ko. Nanlaki yung mata ko dahil hahampasin nila si Xander ng upuan kaya tumakbo ako at sinipa sa balls yung lalaki. Napadaing siya. Dinuro ko sa kanila yung kutsilyo.
"Sige! Lumapit kayo! Hindi ako magdadalawang isip na saksakin kayo!" Hinawakan ko si Xander. Pumahid ang dugo sa damit ko.
"Talaga miss?" Sinampal ako nung lalaki kaya tumilapon ako.
"Hampasin niyo ng upuan yan!" Binato ko ng kutsilyo yung isa at tumama iyon sa ulo. Yung isa naman, hahampasin na si Xander ng upuan kaya hindi ako nagdalawang isip na sinangga yun.
"Marie!" Ramdam ko yung hampas sa likod ko. Agad akong lumagapak sa sahig.
Kung mamatay ako ngayon, masaya na ko kasi nailigtas ko siya. Narinig ko na ulit ang 'Marie' niya.
BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Ficción GeneralStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...