Kabanata 50

6.7K 109 5
                                    

Kabanata 50

Elijah Ezekiel, Dana Nicole, Shantal Ishia, and Jacob Theodore

 

Dali dali akong tumakbo papuntang parking lot. I hop in my car and started the engine. Agad kong tinungo ang bar na sinabi niya. Nagkakagulo na. Hindi ko maintindihan pero sobra sobrang kaba ang inaabot ng dibdib ko. Agad akong bumaba at tumakbo papaloob.

"EH TARANTADO KA PALANG LALAKI KA EH! GIRLFRIEND KO YUNG KINAKANTI MO!" kitang kita ko na sinapak nung lalaki si Xander.

"SIYA SI MARIE!" sinapak din ni Xander yung lalaki.

"XANDER!"Lumingon sakin si Xander. Pero bigla siyang sinapak nung lalaki. Tumakbo ako doon at sa sobrang inis ko ay sinipa ko sa maselang bahagi yung lalaki. Napaluhod siya sa lakas ng sipa ko.

"Fuck you asshole!" Sigaw ko. Dumating naman yung mga bouncer kaya dinampot na yung lalaki. Agad akong tumakbo kay Xander.

 

 

"Xander.." I cupped his face. Duguan na yung taas ng mata niya. Pati yung pisngi niya't labi niya. Maiyak iyak ko siyang tinignan. This is all my fault!

"Marie ikaw na ba yan?" nawalan na siya bigla ng malay.

"Xander? X-Xander..."

Agad akong tumingala.

"Alexa help me. Tara't dalhin siya sa kotse." Nagtulong kaming buhatin si Xander. Binuhat namin siya. Nung maisakay ko siya sa kotse ko ay agad kong pinaharurot yung sasakyan. Saan ko ba siya dadalhin? Sa ospital? Pero kung sa ospital ko siya dadalhin, baka magpatawag pa ng pulis. He's the president's son at malaking issue nanaman ito pag kumalat.

Minabuti ko nang sa bahay ko siya dalhin. Dito sa condo ko.

Pagkalapag namin sa kanya dito sa kwarto ko ay kumuha kaagad ako ng t-shirt niya. Kumuha din ako ng medicine kit.

"Mitch oh." Inilapag ni Alexa yung planggana sa mesa. May bimpo iyon at tubig. Nagring bigla yung phone ko.

"Paki sagot naman Alexa."

Inihanda ko muna yung mga gamot. Natapon pa nga yung ilan kasi nanginginig ako.

"Mitch, may mga pulis eh. Pinatatawag ka for statement."

"Pwede ikaw muna maghandle non? Please?"

"Sure."

Umalis na kaagad si Alexa. Ako naman ay sinimulan na munang tanggalan si Xander ng t-shirt niyang puno ng dugo. Pinunasan ko yung mukha niya pero dahandahan. Ilang beses kong minura at sinisi ang sarili ko.

Nung matapos ko nang gamutin ang sugat niya ay hinayaan ko muan siya dito sa kwarto. Lumabas ako para magluto ng kahit anong soup. Tinawagan ko na din sila Xavier.

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon