Chapter 22
Nakakatunaw
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"I like you, Marionne" walang anu-ano'y hinila nya ako sa loob ng cr.
Nakanganga ako dahil sa paghila nya. What is this? My God! Nakapasok na kami sa cr. Ikinulong nya ako sa bisig nya. Ang bilis ng pintig ng puso ko.
Saglit nya akong tinitigan. Ako naman ay hindi makatingin sakanya.
"Brayden.." sabi ko lang. Natatakot na ako. Hindi ko alam bakit sya ganto. Hindi ko alam anung gagawin.
Hindi sya umimik ng ilang minuto. Basta nakatitig lang sya saakin. Kinalas ko ang kamay nya saakin.
'"Ano ba Brayden.." napalakas na ang boses ko. "May boyfriend ako" with stuttering voice.
Parang nagising sya sa ulirat. Agad nyang nabawi ang kamay nya. Tinalikuran nya ako.
"I-I'm sorry"sabi nyang nakatalikod saakin. Nagwalk-out sya.
Fck! Sumikip ang dibdib ko sa nangyari! Kailan? Bakit? Paano?
Nakahawak na ako ngayon sa dibdib kong naninikip. Gulat na gulat sa nangyari.
Saglit akong natauhan at lumapit nanaman sa lavatory. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakakawindang ituh! Naghilamos ako at sinubukang kalmahin ang sarili.
"I like you, Marionne"
Arg! paulit-ulit sa memorya at sistema ko ang mga salitang sinabi ni Brayden. Para na ngayong sirang plaka ng nagrerewind sa utak ko. Hindi ko alam kung anung mararamdaman. Hindi kami pwede. May boyfriend ako. No!
Inayos ko ang off-shoulder top ko at angled skirt. Bumuntong hininga ako bago lumabas sa cr. Nagpasya akong magpaalam na kay Brayden at aakyat na ako sa suite. Pagkadating ko sa table namin ay wala sya doon, namataan ko sya sa counter at lumalaklak ng whiskey vodka. May mga lumalapit sa kanya pero nagtataas lang sya ng kamay na parang sign na ayaw nyang makipag usap.
Nanginginig tuloy ang tuhod kong lumapit sakanya hanggang sa makalapit na ako.
"Bray...." panimula ko.
Itinuo nya ang tingin saakin. Parang nataranta sya. "Ma-Marionne," aniya
"Aakyat na ako sa suite." sabi ko lang.
"O-okay. Ihahatid pa ba kita?" tanong nya.
Umiling ako. "Ay wag na. Okay lang ako. Enjoy ka nalang" sabi ko at pilit na ngumiti. Hanggang kaya ko ay gagawin kong hindi awkward ang sitwasyon namin ngayon.
"Uhmm. Sige" aniya.
Buti naman at hindi sya nagpilit pa dahil hindi ko na alam paano pa magiging hindi awkward kapag hinatid nya ako sa suite.
"Sige Bray." at tinalikuran ko na sya. Nakahakbang na ako palayo ng magsalita sya.
"Marionne,"
"Hmm?" lumingin ulit ako. Nagulat ako nang sumunod sya sakin. Bumilis nanaman ang pintig ng puso ko
"Ihahatid na kita" aniya lang. Tumango naman ako. Eto na talaga!
Nagpaalam na kami sa mga directors at heads na nakasalubong namin. Pati kay Gerlie na lasing nang nagsasasayaw. Nakakatawa tong baklang to.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤