Note: Panibagong One-shot ko na naman po ito. Sana suportahan niyo po ang isang 'to. Maraming Salamat! :)_____________________________________________________________
Tanaw na tanaw ko ang bawat paggalaw niya. Konting galaw lang niya,nakakaakit na. Nakakabighani ang lakad niya. Para siyang anghel na rumarampa sa kalupaan. Kahit anong kalat pa niya sa itim niyang buhok,nakakalula pa rin ang kagwapuhan niya. Kahit na isang metro pa ata ang layo namin,makikita ko pa rin siya. Ganito kalaki ang crush ko sakanya.
"Ehem! Huy Sam. Nagde-daydream ka na naman ba kay Crush?" Napatalon ako nang bahagya nang biglang sumulpot ang lokaret kong bestfriend na si Kara.
"Ha? Di ah!" Agad kong sabi sakanya habang sinusulyap nang pasikreto si crush na kausap ang nakakatanda kong kapatid na si Kuya Ian.
"Talaga lang a?" Ginagalaw niya ang mga kilay niya at masaya akong tinutukso.
"Halika ka na nga!" Inakbayan ko siya at hinila paalis ng basketball court.
"Hindi mo naman kailangang i-deny pa. Alam naman natin na patay na patay ka kay Vin Ocampo. Kitang-kita kaya." Aniya.
"Ha? Ganun ka obvious? Teka nga,napansin mo talaga yun?" Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Oo. Ano ka ba naman! Magbestfriend tayo kaya alam na alam ko yan! Ina-underestimate mo naman yata ang pagkakaibigan natin." Madrama siyang yumuko at nagkukunwaring sobrang sakit sa heart ang ginawa ko.
"Hindi a. Love na love nga kita e." sinakyan ko ang trip niya. Nagdrama akong malungkot at niyakap ko siya na galing naman talaga sa puso.
"Ako rin. Love din kita." Loka-loka nga talaga. Nagawa pa nga akong yakapin.
"Ang drama mo! Hahaha." Pinalo ko ang likod niya. Hindi ko na nakayanang ikimkim ang tawa ko. Nagtawanan kami na sobrang lakas na pati yata ang mga alien sa outerspace ay makakarinig sa amin. Sobrang saya ko kasi may sweet akong Bestfriend.
"Sam?" May matipunong boses na nagsalita. Narinig kong tinawag ang pangalan ko kaya tiningnan ko kung sino iyon. Pagka-angat ng ulo ko,nagsalubong ang mga mata namin. Hindi ako makagalaw. Shet! Si Crush. Hindi ako mapakali. Nanlamig ang mga kamay ko sa kaba. Nasa harapan ko si Crush at tinawag niya ang pangalan ko! Wooos!
"Sabi ng kuya mo,sabay ka nalang daw sakanya umuwi after ng practice namin. Maysakit raw kasi driver niyo." Hindi ako makahinga ng maluwag. Sobrang sexy ng boses niya. Teka! Sasabay kami ni Kuya mamamaya? Ibig sabihin,makikita ko ang team nilang magpractice. Yes! Makikita ko rin si Vin.
"Ah...O--kay." nauutal kong sagot.
"O sige Sam. Mauna na ko. Bye." nagkaway siya. Omy! Matutunaw na ako. Yung ngiti ko abot hanggang tenga. Kumaway rin ako pabalik.
Sumipol si Kara na naging dahilan para ako'y gumising sa aking malikhaing daydream habang pinapanood naglalakad ang likod ni Crush.
"Ayiie. Syor na syor ako. Makakapoints itong si lovergirl." Andyan na naman yang kilay ni Kara na tumataas baba.
Wala akong naintindihan sa klase namin. Masyadong occupied ang utak ko sa kakaisip kay Crush. Hindi ko na ngang namalayan na uwian na pala.
"Hoy! Tulala ka na naman te? Hindi na healthy yan." Ayon humalakhak ang gaga.
Tumunog ang cellphone ni Kara bago ako nakapagsalita. Narinig ko na parang pinapauwi na siya ng papa niya.
"Sorry talaga a. Mauuna na ako Sam. May Family Dinner kasi kami e. Sayang! Hindi kita masabayan kay crush. Sooo,Goodluck lovergirl." Sumipol na naman si Kara. Babatuhin ko sana siya ng bag kaso ayon tumakbo na tumatalon sa tuwa. Dadalhin ko na ata siya sa mental sa sobrang pagkapraning.