August 1, 2014

25 5 0
                                    

Dear Diary,

OMG. I can't believe na nangyayari 'to. Ewan ko. Naguguluhan parin ako. Pramis. Hindi ko alam kung seryoso si James sa mga pinagsasasabi niya.

Si James, gusto niyang maging kami?! As in agad-agad?! Like what the fudge Dearest Diary. Ughh.

Unang-una, may boyfriend na ako. Si Janssen lang dapat yun at wala nang iba. Second, hindi ko siya type. Mas okay sakin si Joshua pero loyal parin dapat ako kay Janssen.

Speaking of loyalty kay Janssen, buti nalang tumawag siya agad nung nagtext ako sa kanya na tumawag siya.

"Hello?"-Me

"Hello? Namiss mo nanaman ako?"-Janssen

"Okay ka na diba? Bat parang may sakit ka parin? Hahaha."-Me

"Ganun talaga pag nagmamahal."-Janssen

"Ewan ko sayo. Ang drama mo."-Me

"Bakit ka nga pala nagpatawag?"-Janssen

"Kilala mo ba si James?"-Me

"Yung kapatid ni Joshua? Oo. Yung mayabang na yun? Bakit? Binastos ka ba? Sasapakin ko yun." -Janssen

"Loko! Hindi naman. Kasi siya yung new friend na kinekwento ko sayo nung isang araw."-Me

"Oh? Ano bang meron sa kanya?"-Janssen

"Eh ginawa niyang dp yung picture ko Tapos gusto pa nyang maging kami."-Me

"Ha?! Loko yun ah! Ipagulpi ko na ba kala Adam?"-Janssen

"Ano ba. Alam mo namang ayaw ko ng away eh."-Me

"Eh bastos siya eh. May boyfriend na yung tao tapos lalandiin niya pa."-Janssen

"Kalma lang, okay? Kung alam ko lang na maha-high blood ka, edi sana hindi ko nalang sinabi sayo. Mabibinat ka pa,"-Me

"Eh anong gusto mong gawin ko?"-Janssen

"Ang kailangan mo lang gawin ay kumalma. Okay? Ayos lang ako. Promise."-Me

"Sige, ganito nalang. Humanda nalang siya sakin sa Intrams. Tatalunin at lalampasuhin ko yung team nila. Atleast nakaganti man lang ako."-Janssen

"Janssen,"-Me

"Why? Ayoko kasing may aagaw sayo."-Janssen

"Sa tingin mo magpapaagaw ako sa iba?"-Me

"Kaya love ko ang ate ko eh."-Janssen

"I Love You too. Pahinga ka na. Pagaling ka, okay? Bye"-Me

Ngayon ko lang nalaman na protective masyado 'tong si Janssen. Wala eh, that's how we value our relationship. Good nightyy!

-Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon