Ellie's pov
Andito kami ngayon sa isang mall at kinakaladkad ako ni grey , grabe ang sakit na ng kamay ko kasi hanggang ngayon nakaposas parin kami . Mag gagabi na hindi pa naaalis ang kagagawan ng lalaksut na blue na yun mapapagalitan na ako ni kuya eithan
"Grey saan ba talaga tayo ha?"sabi ko
"Papaputol ko na ang kamay mo para makalaya na ako"sarkastikong sabi ni grey
"Kung kamay mo kaya putulin ko"sabi ko naman
"Ang dami mo kasing tanong! Malamang pupunta tayo kung saan maaaring maalis ang posas na to! Mag isip ka nga."sabi ni grey
"Edi ok!"sabi ko naman ng pag mamataray
Ilang minuto lang nakarating kami sa isang botique ng mga susi
"Hi! Mam and sir what can i do for you?"sabi nung tauhan ng store
"Make a key for us ,make sure na matatanggal ang posas na ito"sabi ko
"Pwede po patingin nung posas?"sabi nung babaeng tauhan
Kinuha niya ang kamay ni grey tapos tinitingnan yung salpakan ng susi
"Sigurado ka bang matutulungan tayo nito"bulong ko kay grey
"Siguro!"sabi naman ni grey
"Tsssk!wala akong tiwala tingnan mo chinachansingan ka lang niya!pahawak hawak pa ng kamay "bulong ko ulet sa kanya
"Tssk!ayos lang maganda naman eh,kesa naman magpaposas ako sayo ng habang buhay"sabi naman ng may halong pang aasar ni grey
"Ewan ko sayo!miss pakidalian mo nga jan ,baka naman gusto mo bitawan ang kamay ng asungot na ito at gawin mo na yung susi para makawala na ako tsssk"mataray kong sabi
"Sige po mam!hindi mo naman sinabi sir na girlfriend niyo pala to kala ko kasi alalay niyo yan nag ka LQ pa kayo"sabi naman nung babae habang nag papacute
"Hindi ko siya girlfriend"sabi ni grey
"Lalong hindi ko siya boyfriend"sabi ko naman
"Edi alalay mo nga siya sir? Bakit over maka react? Sige gagawa na po ako susi"sabi nung babae
Aba!kala mo kung sinung maganda!
Aalis na yung nababae pero tinawag ko muna siya
"Wait!Asan ang manager niyo? Ha? Anu ba ang trabaho mo dito makipaglandian o makipaglandian "sabi ko ng pagmamataray
"Mam! Sorry po akala ko lang po talaga ala---"hindi ko pinatapos yung sasabihin nung babae halatang nang aasar siya.
"Subukan mo ituloy ang sasabihin mo papaduguin ko na ang nguso mo! Tsskk live and do your job now baka may masabi pa akong hindi maganda"sabi ko
Umalis nanaman agad yung babae at siniringan ko si grey
*kringg*kringg*
Calling kuya eithan
Yan na nga sinasabi ko eh!hinahanap na ako ng kuya ko,sinagot ko naman agad
Bakit?-ako
(Bakit ka jan?wala bang hello muna)- kuya eithan
Bakit nga?-ako
(Tsskk!asan kana ha?mag gagabi na ,umuwi kana susunduin kita ngayon?asan ka?) Kuya eithan
Ok !sunduin mo ako sa impyerno kasama ko si sa- - - pinutol ni kuya ang sasabihin ko
(Shasha !umayos ka ha? Asan ka nga?)sabi ng galit na si kua eithan
Kasama ko si grey! May inaayos lang kami pauwi na din ako ge kuya bye - binabaan ko na siya ng cellphone
"Ito na po testing niyo po kung makatatanggal na ang posas niyo"sabi nung babae
"Thank you"sabi ni grey
"Pweeee!marunong ka pala mag pa thankyou"sabi ko sabay kuha sa susi
"Ayaw ko na makipag usap sayo nakakaboring"sabi ni grey
Hindi ko na lang siya pinansin at tinry ko na alisin ang posas at sa wakas nag work naman ang ginawa ng babaeng malandi
"Haiyss!salamat naka wala din"sabi ko
"Miss mag kanu?" Sabi naman ni grey
"1000 po " sabi naman nung babae
"Ha? 1000 ang mahal naman" sabi ko
Tunay naman ah! Para simpleng susi 1000 agad? Kurakot ito ah
"Wag ka ngang kuripot! Sige miss siya na magbabayad"sabi ni grey
"Anung ako? Baka ikaw! Ikaw mag bayad tutal ikaw naman may kasalan"sabi ko
"Ewan ko sayo! Hindi na talaga ako makikipag usap sayo ! Bahala ka jan" sabi ni grey at tinalikuran na ako at umalis
"Miss!daldal ka jan ng daldal yung bayad po"sabi nung babae
"Hindi ka naman nag mamadali anu?"sarkastiko kong sabi
Kinuha ko naman agad ang wallet ko kasi wala ng ibang magbabayad nito kung hindi ako
Ang masaklap pa 1000 na nga lang pera ko !! panu ako makakauwi nito sh*t iniwan naman ako ng hinayupak na grey yun
"Ang tagal!"sabi ng mataray nung babae
"Nagpaparinig ka ba?oh saksak mo sa baga mo"sabi ko sabay abot ko ng 1000
Pero bago ako umalis may gagawin muna ako
"Bye nga pala! May regalo ako sayo"sabi ko sabay lapit sa kanya at pinosas ko ang dalawang kamay niya.
"Anu bang ginagawa mo nababaliw kana ba? Alisin mo ito"sabi nung babae
"Anu ako uto? Edi gumawa ka ng paraan"sabi ko at umalis na ako sa bwisit na botique yun
Naglalakad na ako sa hallway ng mall
Shit wala ako pamasahe! Tatawagan ko na sana si kuya pero bigla naman nalowbat ang cellphone ko? Panu ako makakauwi,naku grey patay ka sakin pagnakita kita
----------------
Short update :) 11:59pm ^^ wala ako maisip ngayon eh enjoy ^^ VOMMENTS