CHAPTER 22

919 20 0
                                    

ENJOY READING ❣︎

NAKAPALIBOT ANG isang braso niya sa bewang ng dalaga nang mapansing maraming nakatitig ditong mga kalalakihang nadadaanan nila. Naglalakad lang sila sa tabing dagat, ninamnam ang masarap na simoy ng hangin.

"Kumain na muna tayo" Aya niya rito.

"Sige" Tipid lang siya nitong nginitian at pati sagot nito ay tipid din. Hinayaan niya na lang iyon at hinila ang dalaga papunta sa floating cottege. Doon niya balak dalhin si Hera para mananghalian. Gusto niyang makapag relax ito at ma-enjoy ang magandang tanawin. Sa ganitong paraan ay matulungan man lang niya ito.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noo'ng tanong nito sa kaniya. Nginitian niya lang ang dalaga bago niya ito inalalayan sa bangka'ng maghahatid sa kanila sa cottege.

"Nakikita mo ba iyong Floating cottege na iyon?" Turo niya sa unahan nila kung nasaan ang floating cottege. Tumango naman ito bilang sagot. " Dyan tayo manananghalian. Malayo sa mga tao at tayong dalawa  lang."

Napangiti siya nang makita ang pagsilay ng ngiti ni Hera. He is really a fooled lovesick man when it comes to his Hera. Sa nakalipas na dalawang buwan na hindi niya ito nakita ay parang nababaliw na siya. Kaya nga pinilit niya ang daddy nito na sabihin na sa kaniya kung nasaan ang dalaga buti na lang ay sa pagkakataong iyon ay binigay sa kaniya ni Tito Enrique ang eksaktong lokasyon kung nasaan si Hera dahil nag-aalala na rin daw ito sa dalaga at namimiss na niya daw ito.

Nang makarating sa floating cottege ay inalalayan niya ito pa-upo sa harap ng mesa nilang may nakahanda ng mga pagkain. Puro seafood ang mga ulam na naroon at pati ang inimunin nilang buko ay nakalagay pa mismo sa buko ng niyog. Nilagyan lang ito ng straw'ng gawa ata sa kawayan.

"Thank you so much" Madamdamin nitong pasasalamat sa kaniya.

"Anything for you, My princess" Tanging tugon niya dito. Nakatitig lang siya sa dalagang tahimik na kumakain. Hindi man tulad dati na masyadong maaliwalas ang itsura nito, ayos na sa kaniyang sumama ito sa kaniyang kumain.

"Sa totoo lang, ngayon lang ako lumabas simula no'ng dumating ako dito." Pagkuwento nito habang binabalatan ang hipon. Nang mapansing nahihirapan ito ay siya na ang nagbalat niyon at siya narin ang nagsubo niyon kay Hera.

"So, what do you want after this?" Tanong niya dahil baka may gusto itong puntahan o di kaya'y baka gusto nitong maligo at subukan ang ilang water activities.

"Wala akong alam e, pero gusto ko'ng maligo sa dagat"

Tumango lang siya sa naging sagot nito.

"Sabi nga pala ni Tito Enrique, namimiss ka na raw niya" Basag niya sa katahimikan. Nang makalipas ang ilang minutong natahimik lang sila.

"Miss ko narin siya. Kaya nga nagbabalak na akong umuwi. Ayos naman na ako atsaka kahit hindi pa naman ako maayos ay talagang uuwi na ako dahil kahit ilang taon akong magtago dito kung hindi ko naman aayusin ang sarili ko ay wala ring mangyayari." Mahabang pahayag nito.

"Pwude pa naman tayong mag-stay muna rito, parang vacation na nating dalawa." Aniya

Mabilis naman itong tumango sa kaniya. Kaya naman nang matapos silang kumain ay mabilis siya nitong inaya sa mababaw na parte ng dagat dahil hindi pala ito marunong lumangoy.

"ANG DAYA MO NAMAN, hindi ko kayang pumunta dyan e." Maktol ni Hera sa kasama dahil lumalayo na ito sa kaniya, samantalang nasa mababaw lang siya lumalangoy.

Tumawa lang ito ng parang nang-aasar at mas lalo pang lumayo sa kaniya. "Punta ka ng rito" Sigaw nito pabalik.

"Hindi nga ako marunong lumangoy" Naiinis na siya dahi paulit-ulit niya na iyong sinabi sa binata.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon