Chapter 46

823 24 0
                                    

Nagsabi naman ako kay Paulo na sasamahan ko si Vince sa LA para sa mga plano nya. Wala naman syang reaksyon nung una, pero nung sinabi kong isang buwan akong mawawala dun na sya nainis. Pero dahil galit ako sa kanya, hindi ko sya pinansin sa pagmamaktol nya. Tangina nya, ang reason nya lang wala daw mag-aalaga kay Nate, e dalawa yung nanny nya.


"Anong plano mo nyan?" I asked Vince when he's driving. Kakahagis lang nya nung abo nung anak nya sa cliff na pinuntahan namin.


"Travel. Do you want to come with me?" He asked. I shook my head.


"May aayusin kasi ako dito. I'm planning to finally move here. Sabihan mo ako if babalik ka dito. I can be your one call away friend." I said smiling.


"Tangina ni Paulo. Hindi nya alam ano pinapakawalan nya. Kung pwede lang turuan ang puso ikaw na lang gusto kong mahalin, Cerise." He said slowly. I just cried.


"Diba? Ang perfect ko naman na ata. Nabigyan ko pa nga sya ng anak, tapos pinagpalit ako? Tangina, sana man lang yung nasa level nya, para sabihin kong siguro ganun talaga. Kaso mas bata sa akin, sigurado ako mas matindi tawag ng laman dun." I said crying. Pero tinawanan nya lang ako.


"One day you'll forget why you cried. Sana maging okay tayo parehas. If by 40 single pa tayong parehas, let's just get married." He proposed. I laughed


"Sure. Gusto ko din ng lahi mo ata." I joked.


"Okay. Nagrereklamo kang kamukha ni Paulo yung anak mo, 'pag nagkaanak tayo, kamukha mo. Ikaw mageenjoy. Magaling kaya ako." He said laughing


"Mas magaling ako. That fucker trained me." I said crying again.


Dahil wala kami maisip na puntahan, niyaya namin yung mga kabarkada ko na uminom. Nakatatlong club kami. I drank like there's no tomorrow. I even had a makeout with a random guy, pero pati ata labi ko alam sino lang gusto ko. I immediately pushed the guy. Pag babalik ako ng pwesto namin tatawa sila. Naunang umalis si Vince kasi maaga yung flight nya.


"Tangina, Kath. Lasing na lasing kana." Hero commented.


"Ano ba purpose ng pag-inom. E kung ayaw ko pa lang malasing edi sana nagtubig na lang ako." I said angrily. Tawa ng tawa si Lizse.


"Saan ka uuwi?" Marg asked.


"Sa bahay namin nyo na ako ihatid." I said. Nung nasa labas na ako ng bahay ay umalis na rin sila. Para akong tangang nanghuhula ng code. Tinawagan ko pa si Marg kasi hindi ko talaga maalala.


Dumiretso ako ng kwarto ko. Pero nagulat ako nung nandun si Paulo at hawak nya si Nate. He looked at me intently. Kapal ng mukha ng babaerong 'to. Hindi na nakuntento.


"What are you doing here?!" I shouted.


"Lower down your voice. Kakapikit lang nya." Mahinang sabi nya. Binaba nya si Nate sa crib. Bakit may crib na dito. Maghapon lang akong nawala.


"Anong ginagawa mo dito?!" I said madly. He walked towards me and hugged me.


"Can you stop being a flirt. Ang landi landi mo. Pwede ba tigilan mo na ako." I screamed.


"Why, am I a flirt?!" He said laughing.


"Gago ka, sino yung babae mo na mukhang residente pa. Tangina ka. Lalandiin mo ako ulit tapos after few weeks may bago kana." I said crying.


"So nagselos ka?" He asked. Then chuckled.


"Ang kapal mo. Hindi kana nahiya. May anak na tayo may kinakama ka pang iba." I uttered.


Rewriting it with you ✨ [MED SERIES # 5] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon