•CHAPTER FIFTEEN•

460 45 35
                                    

Umupo sina Quincy sa tabi nina Javion. Pagod na pagod na naman siya at gusto na naman niyang magpahinga ng maaga. Mabilis niyang kinuha ang paper bag para muling magpalit ng tsinelas. Tiningnan niya sina Cameron at Eliana, nanatiling walang kibo ang binata habang pilit naman itong kinakausap ng dalaga.

"Bestie. Bukas wag mong kakalimutan ha." pagpapaalala ni Princess sa kaibigan.

"Hmm. Hindi ko naman nakakalimutan." nakangiting sagot ni Quincy sa kanya.

"Cal."

"Hmm?" mabilis na sagot ni Calvin sa kanya.

"Antok ka na." natatawang tinapik-tapik niya ang balikat nito kaya natawa din sa kanya ang binata.

"Ihahatid ulit kita."

"Wag na. Ayos na ako sa kanina. Sobra-sobra na."

"Wag ka na palang pumasok sa trabaho sa Sabado. Alam ko na kailangan mo ng pahinga. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Dad."

"Nakakahiya."

"Hanggang kailan mo ako tatanggihan Quin?" nagtatampo pang kunwari ni Calvin.

Tumawa na lamang si Quincy sa inasal ng binata sa kanya.

Napatingin ang lahat entrance ng pumasok si Atticus at kasunod nito ang kanyang fiancée. Si Xavia. Mabilis na tumayo si Cameron para salubungin ang dalawa.

"Good afternoon Miss Xavia. Welcome back." bati ng ilang istudyante na nandodoon pa.

Sabay-sabay na tumungo ito bilang paggalang kay Atticus.

"Good afternoon students." malambing na tugon niya sa mga ito.

"Dekdek. Nice to meet you again. Habang patagal ng patagal, you become more and more handsome." parang batang nagtatakbo ito papalapit sa binata at mabilis na niyakap.

"Argh. Wag dito Ate Xavia." nahihiyang bulong ni Cameron bago tinugunan ang yakap ng dalaga.

"Your brother is already a man Boo." natatawang anas pati saka lumayo kay Cameron.

Ngumiti na lamang si Atticus sa dalaga. Naglakad siya hanggang sa makarating sa tabi ng kapatid na ngusong-nguso na sa kanya. Humalakhak si Atticus sa kapatid bago ito niyakap.

"That's okay Dekdek. Miss ka lang ng Ate mo." bulong niya.

"Oh si Miss Xavia yun diba? Grabi ang ganda parin no?" nakangiting tanong ni Princess habang ang tingin ay nasa dalaga.

Napangiti si Quincy ng muling makita ito. Halos isang taon narin ang lumipas ng huli silang magkita.

"Puntahan ko lang saglit." pamamaalam ni Calvin at mabilis naman siyang tinanguan ng dalawa.

"Javion!"

"Xavia! I-Dawn Zulueta mo ako." natatawang inangat ni Javion ang kanyang kamay para salubungin ang yakap ng dalaga sa kanya.

Panay ang tawa ng dalaga habang nakayakap rito.

"Hi Ate Xavia!" sabay-sabay na bati nina Kyle rito.

"Kamusta na kayong mga bata kayo? Isang taon lang tayong hindi nakita pero parang grabi ang pinagbago ng mga mukha niyo, mas lalong nagsi-gwapuhan." masayang aniya bago pinagyayakap ito.

"Boo, stop it. Baka maniwala ang mga iyan na gwapo talaga sila." nakangising singit ni Atticus.

Sabay-sabay na ngumuso sina Kyle sa kanya.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now