CHAPTER 09

43 6 21
                                        

11:11 Sincerity

Look unto his eyes deeply. You will feel if he's sincere or not...

natespejo:

On my way.

ferreverdia:

Ang aga! Teka magsusuklay lang ako.

Nagmamadali akong magsuklay. Ang usapan 6:30 pero 5:00 pm pa lang eh papunta na siya.

"Alis na po ako! Uuwi din mamayang 9 pm!!" sigaw ko habang papalabas na ng pinto.

Hindi naman kami kalayuan sa labasan kaya mabilis lang ako nakarating. Saktong kakarating lang din ni Nathan.

Agad akong pumasok sa sasakyan niya dahil ang lamig. Alangan namang hinatayin ko pa siyang pagbuksan ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"Foggy Mountains." sagot niya.

"Ha?! Eh diyan lang sa kabilang kanto yon. Ang aga mo naman, sir." singhal ko sa kaniya.

Tinawanan lang niya ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Wala pang dalawang minuto ay nakarating na kami sa resto na tinutukoy niya.

Nauna akong bumaba para kunan ng litrato yung labas ng restaurant. Isang buwan na din huli kong dine in dito.

"Let's go." aya ni Nathan sa akin.

Kakaunti lang ang tao ngayon dito. The waiters welcomed us at the main door.

"Good afternoon, ma'am and sir." sabay sabay nilang bati.

Ngumiti lang din ako sa kanila. Good thing naka-semi formal ako ngayon.

"Reservation for Mr. Nathan Espejo..." rinig kong sabi ng kasama ko.

Iginaya kami ng isang waiter patungo sa ikalawang palapag ng gusali. Nasa isang veranda at overlooking ang kabundukan ng Benguet ang view.

"Wow..." manghang bulong ko habang nakatingin sa araw na papalubog na.

Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan ito. Perfect!

"Dianne..." tawag sa akin ni Nathan.

"What?"

"Let's take a picture together." wika nito.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Picture? Kami? Nananaginip ba ako?

Naglakad ito papalapit sa akin at ibinigay sa waiter ang kaniyang cellphone. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang at nagpose.

Hinawakan niya ako sa aking beywang at hinila papalapit sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito.

"Bagay na bagay po kayo ng girlfriend niyo, Sir. Loyal si sir sa iyo, Ma'am, kayo lang po ang babaeng dinala niya dito." nakangiting sabi ng waiter bago siya umalis.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nauna na akong maupo sa silya at sumunod naman siya.

Nakatuon lang ang kaniyang atensiyon sa kaniyang cellphone. May naisip akong gawin. Pasikreto ko siyang kinuhanan ng larawan.

I giggled when I looked at the photo. He look so cute there, smiling while looking at his phone.

"Send me the pictures." wika ko.

"Sure."

Pagkasend niya nito ay sinave ko kaagad. We look like couple here. Ang tangkad niya.

'natespejo tagged you in a post.'

A wish: 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon