"Uy may sasabihin ako, saglit lang to."
"Ayoko mamaya na."
"Ah okay."
Ilang beses na ba ako nadecline? Nareject? Narefuse ng mga taong mahal ko, ng mga taong nakapaligid sakin?
Siguro hindi talaga ako ganon kaimportante sakanila. Minsan gusto ko lang naman ng kausap, gusto ko magsabi ng nararamdaman ko pero ang sagot lagi sakin "mamaya na".
Kaya siguro ganito ako. Kaya siguro ganito din pangalan ko. Baka pinaglihi talaga ako sa sama ng loob.
Kaya siguro mas pinipili ko na lang magisa kaysa makasama ang iba.
Minsan gusto ko ng kausap, humingi ng tulong. Naiinggit ako sa mga taong malayang nakakapagsabi ng damdamin nila sa ibang tao. Yung mga taong masaya, magaan ang loob dahil may mga karamay sila, may mga taong nandyan para sakanila, may mga taong willing makinig...
Pero ako? Ano silbi ko? Anong meron sakin? Anong ganap sakin? Bakit lagi akong tinatanggihan? Anong mali sakin? Tao din naman ako at tao lang naman ako, kailangan din ng makakausap.
Ngunit ayaw ko na sila pahirapan, ayoko maging pabigat baka kasi pag nagsabi ako, ang sabihin lang nila.. "Okay lang yan, hayaan mo na yan, tsaka na, busy ako, MAMAYA NA."
Pero isang araw.. isang araw lang naman na pakiramdam ko ang saya saya ko at gusto ko magcelebrate ng kasiyahan ko kasama ng taong mahal ko..
Ten POV
"Panget niyo kabonding nalose streak pa nga, bahala na kayo dyan bye" pinatay ko na laptop, mga bonak na mga tropa yan di marunong magbuhat ng kakampi.
"Nu ba yan katamad talaga ngayong araw sarap matulog maulan" Oo, maulan kaya tamad na tamad ako kasi malamig sa labas.
"Sino ba tong istorbo na to, inaantok na ko e"
*RINGTONE*
"Uy bhie, nakuha ko na first sweldo ko tara nuod tayo movie please? Nakabili na ko tickets. Magstart in 1 hour! Bihis ka na ngayon please. Malapit ka lang naman sa Ayala e." Ayan na naman siya, yung boses niya na ang saya saya at punung puno ng kaligayahan.
"Ayoko"
"Huh? Ayaw mo? E paano yan nakabili na ko tickets natin. Sige na please, last na to promise."
"Mamaya."
Binabaan ko na siya ng cp. Katamad talagang umalis tapos madulas pa kalsada.
Sunod-sunod pa mga text messages niya sakin.