Chapter 4: Love You Like a Love Song

3 0 0
                                    


"Let's give a big hand to Bermudez. She received the highest mark for this subject!"

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa in-announce ni Sir Walter. Nahihiya naman akong ngumiti dahil nasa akin ang atensyon ng buong klase.

"Congrats Althea! Ang talino mo talaga!" bati ni Benj.

"Salamat," sagot ko.

Binati din ako nina Rhea at ng iba pa naming kaklase. Ngumiti lang ako sa kanila. Hindi ako sanay sa mga papuri at alam kong mapula na ang mukha ko kaya binalik ko na ang atensyon kay Sir Walter sa harapan.

"A lot of you got low grades but it's still the first grading. Kaya pang humabol," pagpapatuloy ni Sir Walter. "As you all know, we'll be having our Math and Science month next month. So for this morning, I want you to group yourselves into five. You will be making your own Math jingle. Choose one song and replace the lyrics with your own. Be sure to use the lyrics related to Mathematics."

"Kami ba ang pipili ng groupmates namin Sir?" tanong ng isa kong kaklase sa likuran.

"Yes. I'll give you the freedom to choose. And the deadline is this Friday. I'll leave you now to finalize your groups and to choose a song. Write the list of your members on a one-fourth sheet of paper and submit it to your class president," bilin ni Sir Walter. "Miguel, bring the papers to the faculty room before the second period."

"Yes, sir," rinig kong sagot ni Miguel.

Lumabas na si Sir Walter. Umingay ang classrom at kanya-kanya ng hanap ng mga ka-grupo. May ilan din nagrereklamo dahil ang konti lang ng panahon na binigay ni Sir Walter.

"Benj, may group ka na?" tanong ko sa katabi.

"Ay sorry Althea. Kina Desiree ako, eh. Mukhang kompleto na kami."

"Ah sige. Okay lang. Hanap na lang ako sa iba."

Kahit magkatabi kami ng upuan ni Benj, hindi talaga kami naging close. Oo, kaibigan ko siya pero madalas kasing sila Desiree, ang muse namin, ang lagi niyang kasama. Kaya naintindihan ko kung hindi ako ang unang choice niya bilang group member.

"Isama natin si Althea sa group natin," rinig ko ulit na sabi ni Miguel. Hindi ko alam kung dahil ba nasa may likuran ko lang siya, o naging sensitive lang ang tenga ko sa boses niya.

"Isasama ko naman talaga," si Ella. "Althea!"

Lumingon ako sa banda nila. Nakatingin silang dalawa sa akin, pati na din pala sina Rhea at Dominic.

"Group tayo ah. Ililista na kita," sabi ni Ella at nagsulat na sa papel na hawak.

"Makakatanggi pa ba ako?" natatawa kong sabi. Nagtama ang mga mata namin ni Miguel kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Pagkatapos isulat ni Ella ang mga pangalan namin, hinila namin ang mga upuan upang bumuo ng isang bilog. Nasa gitna ako nila Miguel at Dominic habang nasa harap ko naman sina Ella at Rhea.

"Ilang araw lang ang binigay ni Sir Walter sa project na 'to kaya kailangang maka-decide na tayo ng kanta ngayon pa lang," pangunguna ni Miguel.

"Maganda siguro kung upbeat song ang piliin natin. Oh 'di kaya yung konti lang ang lyrics para hindi tayo mahirapan," suhestiyon naman ni Dominic.

"Party in the USA!"

"Eh, wag 'yan Ella! Ang taas ng mga nota ng kantang yan. Hindi ko maabot," reklamo ni Rhea.

"Bakit? Ikaw ba ang kakanta? Hindi naman ah."

"Kahit na! Baka magpa-sample si Sir Walter, mapahiya pa ako." 

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon